Pinoy Radio Here:

Ruweda - Liyab Lyrics

Kalaliman man ang iyong sugat
Ito ay maglalangib
Huwag kang mabuhay sa nakaraan
Kay bilis niyang nasabi na hanggang dito na lang
Limang taon kanyang tinapon na parang wala lang
Kapag nahulog ang bunga sa punong pinagmulan
Di kalayuan ang bagsak gaya ng mamamayang
Hindi nangangarap
Walang pagsisikap
Walang pinagbago
Walang pagkatao

Lahat ng bagay ay may hangganan
Diskarte lang sa pagbabago
Ohhhh

Lugmok sa putik ako'y babangon
Sakay ng ulap ako'y lulusong
Patungo sa langit ako ay lilipad
Sa paglubog ng araw ako'y magliliyab
Magliliyab
Magliliyab

Huwag kang matatakot sa pagbabago

Huwag kang panghinaan ng loob
Sabihing ako ay babangon sa paghalik ko sa lupa
Putik saking katawan aking huhugasan
Naglalakad ng yapak tuhod ay latang lata
Bawat hakbang ay bumabaon ang bubog na kinalat
Ngunit simoy ng hanging na kaaya aya tumatawag sa akin

Lahat ng bagay ay may hangganan
Diskarte lang sa pagbabago

Chorus

0 comments:

Post a Comment