Pinoy Radio Here:

OPL Archive

Shernan, Lil John & M Zhayt - Duterte Pa Rin Kami Lyrics

(Shernan)
Hoy! Teka muna sandali
Gusto mo lagi kang tama pero parang may mali (Ahaa ahaaa!)
Teka muna sandali
Sa daan na matuwid ay liliko na po kami
Bakit kamo? kasi ang mahal na ng bilihin
Gasolina at kuryente, badtrip kung iisipin
Traffic na sa EDSA pina-traffic mo pa
Trabaho ng Enforcer yan, inagaw mo pa
May droga daw sa DAVAO, may droga sa MAKATI
DILG Secretary ka bat' di mo pinahuli?
di daw siya magnanakaw? nakakayamot!
Pera ng YOLANDA nasan? di mo masagot!
Oo, no'ng kalamidad kayo ay nagsipagpuntahan
Pero dahil Romualdez siya di mo na tinulungan
Gano'n ba talaga pag kalaban walang aksyon
Kung meron talagang nakatulong si DUTERTE yon!

(Chorus)
Maraming sinasabi, marami siyang batikos
Marami siyang alam kulang naman sa kilos
Akala mo ba na naniniwala kami sayo?
Kahit anong sabihin mo DUTERTE pa rin ako
Nagkakanin sa baso (HAHAHAHAHA)
Umiinon sa plato
Ano man ang gawin mo wala kaming paki
Kahit anong sabihin mo DUTERTE pa rin kami!

(LilJohn)
Haha! nakakatawa!
'yong gawain mo kasi, gawain lang yan ng tanga
pakitang tao sa lahat kunyari mabait kuno
Madaming kontra sayo para di ka maka upo
Sa kahirapan nga hirap kaming makatawid
Hindi pa namin dinadanas ang daang matuwid
na sinasabi mo pa dati na iyong itutuloy
Iba nalang ang lokohin mo ha, wag na kami Oy!
Karamihan sa pinoy tinatawanan ka nalang
Sa ka-kornihan mo hinahayaan ka nalang
Kumusta na nga ba yung kaso doon sa MAGUINDANAO??
Ang pag usad nito bakit hindi daw matanaw?
Biktima nang Yolanda ano na ang nangyari?
balita ko nga superhero ka daw pare
WOW! LUPET! Bida ka pala?!
Hanap ka kausap mo, kwento mo sa talaba

(Chorus)

(M-Zhayt)
Parang nasayang ang anim na taon (shit)
Ni-hindi man lang umahon bayan na nakabaon
Tapos ito nanaman Daang matuwid ba kamo?
Ipagpapatuloy? Patuloy mo mukha mo
Iboboto niyo ba siya? Nako! Please! wag na
'yong daan matuwid ayon zigzag na
Kandidatong sa katangahan naka-bartolina
Ang sarap mong sampalin ng tsinelas ni korina (hahahahahaha)
Nako! nako! H'wag mo nga kong niloloko
Kung ikaw lang din ha! Hindi na ako boboto
Bato-bato sa MAKATI , Estw! sa langit
Alam kung saan kukuha ni Secretary
Inamin mo na maang-maangan ka pa
Mag-runner ka nalang, yayaman ka pa
H'wag ka nang umasa maging presidente
dahil lahat kami dito pre maka DUTERTE!

(Chorus) x2

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment