Pinoy Radio Here:

OPL Archive

Issa Rodriguez - Unan Lyrics

Bumibigat ang mga mata
Sa mga luhang naiipon
Gusto na lamang magpahinga
Ngunit patuloy na tumatakbo

Ang isip mong hindi mo mahabol
Pilitin mong limutin ang kahapon
Bablik parin, babalik parin

At ngayong gabi
Hayaan mo muna akong magsilbi
Na iyong unan na sasalo
Sa mga luha at mga problema mo
Pumikit at humimbing sa yakap ko

Nanginginig na mga labi
Sa pagpigil ng damdamin
Mga kwentong hindi pa masabi
Mga sikretong hindi maamin

Sa paglipas ng bawat minuto
At paglakas ng sigaw ng mga puso
Bumibigat na rin, bumibigat na rin

At ngayong gabi
Hayaan mo muna akong magsilbi
Na iyong unan na sasalo
Sa mga luha at mga problema mo
Pumikit at humimbing sa yakap ko

(2x)
Matulog ka muna
Ipikit ang mga mata
Pagsapit ng umaga
May baong pag-asa

Ang isip mong hindi mo mahabol
Pilitin mong limutin ang kahapon
Bablik parin, babalik parin

At ngayong gabi
Hayaan mo muna akong magsilbi
Na iyong unan na sasalo

Sayo

0 comments:

Post a Comment