Pinoy Radio Here:

OPL Archive

Starmusic All-Stars - Salamat 2016 Lyrics

Kung ito man ang huling awiting aawitin
Nais kong malaman mong ika’y bahagi na ng buhay ko
At kung may huling sasabihin
Nais kong sambitin, nilagyan mo ng kulay ang mundo

Kasama kitang lumuha (Kasama kitang lumuha)
Dahil sa’yo ako’y may pag-asa (Dahil sa’yo may pag-asa)

Chorus:
Ang awiting ito’y para sa’yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat

Sana’y iyong marinig ang tibok ng damdamin
Ikaw ay mahalaga sa akin, awitin ko’y iyong dinggin (iyong dinggin)
At kung marinig ang panalangin
palaagi kang naroon, humihiling ng pagkakataon

Masabi ko sa’yo ng harapan
Kung gaano kita kailangan

Chorus:
Ang awiting ito’y para sa’yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat

Ito na ang pagkakataon
Walang masasayang na panahon
Mananatili ka sa puso ko kailanman
Para sa yo ako’y lalaban, ako’y lalaban

Chorus:
Ang awiting ito’y para sa’yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat

Cloc-9 Rap:
Sa lahat ng ngiti , lahat sa sigaw
Di muna tatawagin ‘kayo’
Ngayon, ay ikaw
Iisa-isahin hayaan mong sambitin
Ang mga salitang sa ‘kin ay ibinigay mo rin
Sa bawat pagkakataong iyong pinanuod
Kahit saan kamang lupalop, harapan man o likod
Tumatawid ang pagmamahal
Samahan pa ng dasal
Salamat sa regalo, samahan na tumatagal

Chorus:4X
Ang awiting ito’y para sa’yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment