Pinoy Radio Here:

Bendeatha ft. Kris Lawrence - Ikaw Pa Rin Lyrics

Merong mga bagay na hindi mo inasahan
Makipot na kalsada ang muli nating tagpuan
Umikot sa ‘ting oras, panahon nating lumipas
Sa muling pagkikita, dapat pa bang tumakas?
Mga bagay na nu’ng dati sa atin naghinto
Bukas pa rin ang ‘yong bintana sa sinarang pinto
Maraming katanungan ang nais kong sabihin
Takot man sa kasagutan pero dapat tanggapin
Na ako ang dahilan kung bakit nagkaganyan
Alam din sa sariling meron pa na paraan
Hinayaan ko na lang sa panahon ang nagdaan
Niloko ang sarili na kayang kalimutan
Mga taong lumipas nagmistulang pagkagunaw
Pag-asa sa akin katumbas ay pagkatunaw
Nalulong at nakulong sa rehas ng nakaraan
At sa pagtatagpong muli, ito na ba ang kalayaan?

(2x)
Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin
Ikaw at ikaw pa rin ang iibigin
Ikaw at ikaw pa rin ang nais magbalik
Ikaw at ikaw pa rin, sana’y patawarin

Ngiting puno ng kulay, hindi pa rin nagbago
Titig mo pa ri’y tumatagos sa pagkatao
Natanong ko sa sarili ba’t ka nagawang saktan?
At bakit ang galit mo ‘di ko naramdaman?
Ayoko nang maulit pang muli ang pagsisisi
Hawakan ang aking kamay, halika sa tabi
Hihingi ako ng tawad sa’yo na ang dahilan
Kung ibibigay mo pang muli ang kapatawaran
Naudlot nating istorya, gusto kong dugtungan
Dahil may dalawang lugar sa’yo na gustong puntahan
Una sa isip, aalisin ang alinlangan
Ikalawa’y sa puso, tanggalin ang agam-agam
Alam kong ito’y mahirap ngunit sana’y magtiwala
‘Di na sisirain binigay muling tiwala
Takot na ‘kong maligaw, ako’y iyong samahan
Ikaw ang mag-gabay sa ating dadaanan

(2x)
Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin
Ikaw at ikaw pa rin ang iibigin
Ikaw at ikaw pa rin ang nais magbalik
Ikaw at ikaw pa rin, sana’y patawarin

Karugtong ng aking buhay, muli mong pagbalik
Kaligayahan ay katumbas ng bawat yakap at halik
Hindi ka na malulungkot, ‘di na muling mag-iisa
Bawat tibok ng puso para sa isa’t isa
Larawan nating kumupas, muli nating iguhit
Dahil ang ating nakaraan dapat nang mapunit
At sa pagbukas ng libro ng bagong pagsasama
Tanging mababasa ay ligaya lang ang drama
Hawak-kamay susuungin ang bawat problema
Tanging taglay ang pag-ibig ng bawat isa
Pagtingin ko sa iyo, lalong palalalimin
Na para bang negosyo na dapat pagyamanin
Minsan kong naranasan ang sakit ng pang-iiwan
Sa iyong pagbabalik ay dapat ka nang ingatan
At sa pagkakataon na muli pala’y salamat
Salamin ng iyong tiwala’y ‘di na magkakalamat

Nagkamali ako at aaminin na ikaw pa rin dito sa puso
Nahihirapan man, ito ang paraan
Para maramdaman
Ang sakit ng aking naging kapusukan
Na ako’ng may kagagawan
Salamat sa pagkakataon
Pag-ibig natin, muling ibabangon

(2x)
Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin
Ikaw at ikaw pa rin ang iibigin
Ikaw at ikaw pa rin ang nais magbalik
Ikaw at ikaw pa rin, sana’y patawarin

0 comments:

Post a Comment