Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Not Informed - Bestfriend Lyrics

O tama na at tahan na
Ayokong makita na naman ang drama
Ikaw kasi, medyo tanga
Inaway-ayaw mo tapos iiyak-iyak ka

Selosa ka kasi
Ayan tuloy nangyari
Iniwan ka ng boyfriend mo
Tumingin ka sa tabi
Wala na siya ngayon
At siguro ay may girlfriend na

Wag nang umasa!
Hindi naman siya ang problema
Kahit na, dati pa
Ay hindi mo nakikita
Hayaan mo, nandito ‘ko
Nagtitiis lang, sumasalo sa luha
Iwanan natin ang mundo
Dumikit ka lang sa’kin
Ako naman ang bestfriend mo

O tama na at tahan na
Ayokong makita na naman ang bagong drama
Ikaw kasi, medyo tanga
Alam mong manloloko sinagot mo dahil gwapo

Ano ba naman kasi?
Alam mong mangyayaring
Iiwan ka ng boyfriend mo
Tumingin ka sa tabi
Wala na siya ngayon
At may bago ng girlfriend

Wag ng umasa!
Hindi naman ikaw ang problema
Kahit na, dati pa
Ay hindi niya nakikita
Hayaan mo, nandito ‘ko
Nagtitiis lagi, sumasalo sa luha
Iwanan natin ang mundo
Andito lang ako
Ako tumatayong bestfriend mo

O tama na at tahan na
Tigilan na natin ang iyong drama
Lalong gugulo pag sabihin kong
Kay tagal kong tinago ang lihim na pag-ibig…

Di na aasa!
Ayokong magkaro’n ng problema
Kahit na, dati pa
Ay hindi mo nakikita
Hayaan mo, nandito ‘ko
Nagtitiis lagi, sumasalo sa luha
Iwanan natin ang mundo
Andito lang ako
Kahit hanggang bestfriend lang AKO!

Hanggang bestfriend lang
Hanggang bestfriend lang
Hanggang bestfriend lang

Ako!...

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment