Pinoy Radio Here:

OPL Archive

Home » , , , , , , » Davey Langit ft. Michelle Dy - Idjay Lyrics

Davey Langit ft. Michelle Dy - Idjay Lyrics

Idjay, idjay, idjay, idjay ayan mi
Idjay ayan mi a nangrugi
Iti istorya na daytoy ubing nga
Taga idjay, idjay, idjay
Idjay ayan mi
Umay kayo, apan yo denggen kadi
Iti istorya na daytoy ubing nga taga idjay
Idjay, idjay

Ibig sabihin nun ay doon tayo maglalakbay
Pabalik sa umpisa kung saan nagsimula
Ang ngayo’y gumigitara’t sumusulat ng kantang
Taga Baguio, Ilocano, doon tayo
Magsisimula sa ating kwento
Noong a-bente ng Disyembre nu otsenta y sais
Kay Eddie at kay Sylvia na bigla ding umalis
Nung di na magkasundo, nung di na nila gustong
Magkasamang mag-asawa na nagsawa at sumama sa iba
Pero yung bata nakalimutan na nila
Mabuti na lang merong anghel na ipinadalang
Nagngangalang Virgilio at Consuelo, di kailanman pumreno
Sa pagpuno ng mga kakulangan
At naroon din si Jong, si Ginncy at si John
Nawalan ako ng daliri pero ito’y napalitan
Ng isang buong kamay na nagbigay kulay sa buhay
Isang mahabang tulay na umalalay at umagapay
Mga ser mam, oh makinig lang
Simula pa lang ito ng kwento nung bata na taga idjay

Idjay, idjay, idjay, idjay ayan mi
Idjay ayan mi a nangrugi
Iti istorya na daytoy ubing nga
Taga idjay, idjay, idjay
Idjay ayan mi
Umay kayo, apan yo denggen kadi
Iti istorya na daytoy ubing nga taga idjay
Idjay, idjay

May pentel pen na hawak sa kamay
Oh si mama nagbigay
Nakatungtong sa mesa, sa kanilang opisina
Sabi nya “itong anak ko magaling kumanta”
Doon nga naipunla, at dun pala papunta
Ang puso kong hindi natatablan ng pagkalanta
Pagdating sa kalansing ng gitara
Mga letra at melodiya,
Alam ko na mula nung pagkabata na ito ang aking gagawin
Ngunit batid ko rin
Na may mga bagay na kailangan kong pagsabayin
Kaya’t sinantabi ko muna sa’king isip
Sapagka’t ito’y isang malayong panaginip
Suntok sa buwan, alangan, kakalam ang tiyan
Mahihirapan kang bumuhay ng pamilya niyan
Wala kaming maipapamana kundi ang ‘yong diploma
Upang pananggalang mo at espada
Sa mundong alangan, aking napag-alaman
Na kung para yan sa’yo walang makakaharang diyan
Mga ser mam, oh makinig lang
Tuloy tuloy pa rin ako sa kwento nung bata na taga idjay

Idjay, idjay, idjay, idjay ayan mi
Idjay ayan mi a nangrugi
Iti istorya na daytoy ubing nga
Taga idjay, idjay, idjay
Idjay ayan mi
Umay kayo, apan yo denggen kadi
Iti istorya na daytoy ubing nga taga idjay
Idjay, idjay

Sa Maynila naglakbay, sinubukang sumabay
Dun sa palabas sa TV, siya’y pinalad na mapili
Napasama sa mga magagaling kumanta
Akala niya doon na, pero hindi pa pala
Doon pa lang pala ang kwento niya nagsisimula
Para bang isang bulang panandalian
Ito ngang kasikatan, wala palang kasiguraduhan
Naghanap ng paraan, sinubukang sandalan
Ang ibang tao pero may mga pangarap din yan
Hindi nila uunahin ang iyo
Ikaw ang gagawa ng kailangan upang matupad ito
Susubukan kang baguhin, ang loob mo sisirain
Sasabihin na gawin ang nais ng nakararami
Masyado kang mataba, di ka uubra
Ang likot mo mag-gitara at ang kwento mo pa
Mabuti na lang tuloy tuloy ako’t hindi napanghinaan
At merong tatlong bagay na aking pinanghawakan
Pangarapin. Trabahuin. Manalangin
Yan ang nagdala doon sa batang taga idjay

Idjay, idjay, idjay, idjay ayan mi
Idjay ayan mi a nangrugi
Iti istorya na daytoy ubing nga
Taga idjay, idjay, idjay
Idjay ayan mi
Umay kayo, apan yo denggen kadi
Iti istorya na daytoy ubing nga taga idjay

Ito ay testamento
Na pangarap mo’y posible ngang magkatotoo
Nadinig nyo, ito po ang kwento
Ako po si Davey Langit at ako yung batang taga idjay

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment