Pinoy Radio Here:

OPL Archive

Home » , , , , , » Maryzark - Huli Lyrics

Maryzark - Huli Lyrics

Kamusta ka na?
ang tagal na nating walang balita
biruin mo nung naghiwalay tayo
yun pa yata yung huli tayong nagkita
ang dami ko na rin pinagdaanan
ikaw kamusta ang trabaho mo?
ako,eto paraket-raket
palipat-lipat kung kani-kanino
sya nga pala yung tanong mo
bakit ka na naman ba napatawag?
nakita ko kasi yung kwintas na bigay ko sayo
sa ilalim pala ng kama nalaglag
grabe yung away natin nun
kung mag-iyakan tayo sagad-sagad
inabot pa nga ako ng umaga kakahanap sa'yo
kung saan saan ka kasi napadpad

Wag kang mag-alala...
makakalimutan din kita...

Kung kaya't sakaling di na maibalik
Ang isang bagay na walang kapalit
Pilitin mo man na gustuhin
Sadyang di na para sa'tin

Ito ako ,pinaglipasan na ako ng panahon
may anak ka na daw ah, congrats nga pala sa kasal mo nung nakaraang taon
pareho pala yung simbahan yung palagi nating dinadaanan
natawa na lang ako, kasi lagi kitang binibiro noon
na doon sana kita papakasalan


Wag kang mag-alala...
makakalimutan din kita...

Kung kaya't sakaling di na maibalik
Ang isang bagay na walang kapalit
Pilitin mo man na gustuhin
Sadyang di na para sa'tin

Nilalabanan ko naman yung sakit
maraming salamat nga pala sa pangangamusta
sabi ng mga doktor pilitin mo
siguro kayang-kaya
nung mga nakaraan lang
Parang ang hirap hirap ng huminga
Parang bawat paghinga mo
pinipilit mo na
napipigilan pa...

Hanggang may alaalang nagkukubli
At may luha sa likod ng ngiti
Sanayin mo mang di pansinin nagpapaalam satin

Kung kaya't sakaling di na maibalik
Ang isang bagay na walang kapalit
Pilitin mo man na gustuhin
Sadyang di na para sa'tin
Hanggang may alaalang nagkukubli
At may luha sa likod ng ngiti
Sanayin mo mang di pansinin nagpapaalam satin

0 comments:

Post a Comment