Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Janella Salvador - Wow Na Feelings Lyrics

Sana muli
Sana muling ika’y makasa – makasa – makasama ngayon
Walang balita sa iyo buhat noon
Magkaklase pa tayo nun
At nangyari
Reunion ng dating barkada naging buhay
Nang ika’y dumating grupo ay nag-ingay
Ikaw na lang ang hinihintay

At ngayon nandyan ka na
Di makatingin sa iyong mata
May’rong gumugulo sa’king nadarama
Pagkat may nililihim ako
At lumipas na ang ilang taon
Hindi pa ba ito ang tamang pagkakataon?

Hindi ko pa alam kung ipapadama
O hidden na lang tong wow na feelings
Na para sayo…
Baka naman na mapahiya lang ako
Sa iyo’y mabigo pighati mabuo
Papano ba to?

Bakit muli
Bakit muling di na ma – di na ma – di na mapakali
Katabi kita’t lalo ka pang lumalapit
Tensyon ay tumitindi
At nangyari
Tuksuhan ng ating barkadang pasaway
Walang pakialam at sila ay nag-ingay
Pwede bang magdikit kamay

At nang narinig kita tanong mo ay “Ok ka ba?”
Hindi pa din masabi aking nadarama
Kasi nga ang lihim na ito’y
Tinatago ko hanggang ngayon
Hindi pa ba ito ang tamang pagkakataon?

Hindi ko pa alam kung ipapadama
O hidden na lang tong wow na feelings
Na para sayo…
Baka naman na mapahiya lang ako
Sa iyo’y mabigo pighati mabuo
Papano ba to? Papano ba to?

Hindi ko pa alam kung nasan na ba ang lakas ng loob
Sana lang sana ay ibigay mo na to!!
Ohh Diyos ko naman
O kaya’y bahala na
Ayoko lang masayang ‘tong wow na feelings

Baka mali
Baka mali sa inaaka – inaaka – akalang ito
Ating samahan siguro’y di magbabago
Heto’t aaminin ko na nga sa iyo

Nang bigla mong inabot
Karton na may dalawang tiklop
Sa aking pagbuklat, ang nais ko ay naudlot
Nagulat sa natuklasan
Lugar at petsa’t pangalan ng dalawang pusong…
Tama na!!! Ikakasal ka na pala

Wohhhhhh!!!
Ohhhh!!!
Wow naman
Oh Diyos ko naman!
Di ko inaasahan
Ang sakit naman
Ang sakit sakit naman
Hindi ko nap ala ipapaalam at hidden na lang
Tong wow na feelings na para sayo
Na para sayo…
Heto na nga’t ako’y nabigo
Nawalan ng lakas ng loob
Pighati’y nabuo paano na ‘to
Ohh paano na ‘to
Siguro’y nararapat lamang ito
Dahil sa nagawa noon sa iyo
Sana’y di nagkaganito
Ohhh… pasensya na
Sa’ting nakaraan…
Sinayang ko lang
Ang wow na feelings
Mo wohh
Wohh…

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment