Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Apple Abarquez - Manhid Lyrics

Bato ka ba o tao?
Alam mo bang bilib ako
Sa kapal ng apog mo
Ikaw pa ‘tong nanghihingi
Ikaw pa ang nagagalit
Hindi ka ba nangliliit?
Di mo ba naiisip

Bakit ko pa ginagawa
Lahat ng mga utos mo?

Hindi mo ba alam?
Hindi mo ba pansin?
Ikaw nga ba’y sadyang ganyan
Isang manhid?
Hindi ko na alam
Kung ano ang gagawin
O bakit ba umibig pa ko
Sa isang manhid

Ano ba sa tingin mo?
Mukhang katulong ba ako
O secretarya mo?
Hindi naman ako tanga
Hindi naman ako martir
Ba’t pa sa akin kinukuha
Ang pang-yosi mo’t pang-beer?

Hindi mo ba nakikita?
Ako’y nahihirapan na…

Hindi mo ba alam?
Hindi mo ba pansin?
Ikaw nga ba’y sadyang ganyan
Isang manhid?
Hindi ko na alam
Kung ano ang gagawin
O bakit ba umibig pa ko
Sa isang manhid

Kailan kaya maisip na
Ako ang pagbigyan at pagsisilbihan?

Tao rin ako, hindi bato
Hindi katulad mo…

Hindi mo ba alam?
Hindi mo ba pansin?
Ikaw nga ba’y sadyang ganyan
Isang manhid?
Hindi ko na alam
Kung ano ang gagawin
O bakit ba umibig pa ko
Sa isang manhid

Ikaw ay isang manhid

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment