Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Shernan ft. Yayoi of 420 Soldiers - Sulat Kay Ama Lyrics

1st:
akoy panganay na anak sa tatlong magkakapatid
musmos lang ako nun marami pang di mabatid
kung bakit ganito ganyan daming katanungan sa mundo
gusto ko lang ay mag saya bakit may hawak kang tambo
aking ama ano ang aking kasalanan
naglaro ko sa labas, ng hindi nagpapaalam
masyadong makulit,at hindi mapagsabihan
''dumapa ka bilisan mo'' wala naman akong pagpipilian
''tama na po tama na hindi na mauulit''
habang sa sulok umiiyak sa sakit namimilipit
pakiramdam koy di mo ko tunay na anak
katumbas ba ng yakap mo ay mga sipa at tadyak
kung ganun tama na wag mo na kong mahalin
maga na po kase kamay ko at kumikirot na rin
buti naman at napagod ka na itay
pahinga na po akot marami ka pang ibibigay

Chorus:
Sa sulat ko nalamang iginuhit ang mga mensahing para sayo ama.. (Oh aking ama) mga hindi nasabi nung nanjan kapa. Dala dala't bitbit ko parin magisa. Oh ama..
Lahat ng mga pagkukulang mo. Kinamulatan na isang katulad ko.
Naging matigas man sa panlabas.
May lambot parin yan ang totoo
Aking ama, kung nasan ka man ngayon Isa kang malaking naging aral ng panahon

2nd:
lumipas ang ilang taon ama ganun pa rin kayo
kaya sa puso ko, puro galit na ang na buo
madalas pa- ka-yong nag aaway ni ina
dahil siguro yan sa bisyo mong hindi maganda
habang ako nakamasid sa inyo bawat sandali
dahil sa tama mo akala moy wala ka ng mali
at dumating na ang aking hinihintay
ang sumobra kat kayong dalawa ay mag hiwalay
habang ikaw ay palabas ng pinto
ang saya sa aking pusoy di ko mapahinto
ewan ko bakit ganun marahil tadhanay madaya
pakiramdam ko ako ay bilanggong biglang lumaya
wala na ang mananakit at mamamalo
pwede na kong maglaro at kumaen ng halo halo
pagkatapos uuwi wala ng ingay na maugong
at wala na rin sa akin sinturong na sasalubong

Chorus:
Sa sulat ko nalamang iginuhit ang mga mensahing para sayo ama.. (Oh aking ama) mga hindi nasabi nung nanjan kapa. Dala dala't bitbit ko parin magisa. Oh ama..
Lahat ng mga pagkukulang mo. Kinamulatan na isang katulad ko.
Naging matigas man sa panlabas.
May lambot parin yan ang totoo
Aking ama, kung nasan ka man ngayon Isa kang malaking naging aral ng panahon

3rd:
nadagdagan aking edad pati ang galit ko sayo
halos itanggi ko pa nga, na ikaw ay ama ko
pero naisip ko mali at tama din sila
kahit ano pa ang nangyare ay ama pa rin kita
oh sige ama kita ''wow'' ang bait ko
pero di ko maibibigay ang bagay na pinagkait mo
yun ay pagmamahal, sapat ng kilalanin ka
bilang ama ko sa mundong to at wala ng iba
payat mo na,dahil sa bisyong di masupil
may apo ka na sakin hindi ka pa rin tumigil
bahala ka gawin mo yan araw hanggang gabi
tutal sa iyo ay wala akong pake
halos limot na nga kita, may sarili na kong buhay
asawat dalawang anak na nagbigay sakin ng kulay
hindi ko gagawin sa kanila ang ginawa mo
akoy magiging mabuting ama yan ang pangako
pero na balitaan ko,patay ka na
dahil sa bisyo mo,di na ko magtataka
di ako nakaramdam ng lungkot saking nalaman
marahil ay manhid na dahil sa pinagdaanan
ito ay sulat ko sayo,sana makuha mo
hindi ko napansin pumapatak na luha ko
tang ina mahal pala kita ama
bakit ngayon ko lang naisip kung kelan wala ka na
di ko to inaasahan, akala ko wala lang
biglang buhos ang mga luha tila natanggal ang harang
patawad, sa galit ko akoy naging iba
,ngayon ko lang naisip na mahal pala kita
patawarin mo ko PA, kung akoy nag matigas
hindi ko to ginusto alam yan ng nasa itaas
kapiling ka na nya, matatahimik na kayo
at sana ay baunin mo itong pagibig ko sayo