Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

AboutRadio - Tagpuan Lyrics

i.
Patatawaring muli
Sisikapin ulit magbago
Iguguhit ang alay mong
Walang laban na pangako
Dahil sumikat ang araw at
Lahat nahihirapan ng tumahan
Isang yakap mo lang
Mahuhulog na
Sa ating tagpuan

ii.
Tatahakin ang lihim na landas
Sayo patungo
Pipiliting iwasan ang lahat ng
Bakas ng kahapon
Kahit damdami'y pumanaw at
Lahat nanghihinayang ng lumaban
Isang yakap mo lang
Makikita na
Ang dating tagpuan

Chorus:
Ohhhh...
Pinagtagpo lang
Ngunit hindi naman
Tinadhana
Ohhhh...

iii.
Palalayain ang himig
At lungkot na hatid
Ng tinig mo
Hahanapin ang unang hakbang
Kung saan at paano
Kung sa wakas matatanaw
Ika'y naghihintay lamang ng
Hangganan
Isang yakap mo lang
Magtutungo na
Sa ating tagpuan

(Chorus)

Isang yakap na lang
Magtutungo na
Sa huling tagpuan

AboutRadio - Alon Lyrics

I.
Na naman
At paulit ulit lang
Mula sayong pagdagan
Hanggang saking pagtitiis

Buhat ng mundong sayo lamang
Umikot na para bang
Ako'y pang walang hanggan

Ref.
Inangat kita mula sa mapanghusgang mundong nagsabing
Di pwede tayong dalawa
Ngunit bigla kang bumitaw

Chorus:
Magliligpit magpapakabasa lilimot at aalis
Magpapalipas magpapakaabala
Magttyagang burahin
Sa alaala
Ngunit nagsusulat ka pa rin
At nagsusulat ako
Ng kantang tungkol sayo parin

II
. Na naman
At paikot ikot lang
Wala ng mapuntahan
Susubukan bang bumalik

Mula sa mundong sayo lamang
Umikot na para bang
Ito'y pang walang hanggan

Refrain:
Sinamahan mo akong lisanin ang lahat ng
Walang malay sa kwento nating dalawa
Ngunit bigla syang lumitaw

Repeat Chorus
Adlib
Repeat 1st Refrain
Chorus