Pinoy Radio Here:

Aicelle Santos - Palaging Ikaw Lyrics

Lyrics Not Available

Aicelle Santos - Liwanag Lyrics

Sa dilim gumagapang, lubog ka sa lusak
Di mo maintindihan bakit ganito
Ito ba’y parusa sakin ng mundo
Kung saan napupunta ika’y nalulong

Kumapit ka sa tama at magising sa katotohanan
Iisa lang ang buhay gamitin mo ng husay
Wag kumubli sa kadiliman
Hanapin mong muli ang liwanag

Sang katerbang utang na di mabayad-bayaran
Upos ng sigarilyo na ang yong katawang
Wasak na tahanan ng dulot sa kanila
Umayos ka….

Kumapit ka sa tama at magising sa katotohanan
Iisa lang ang buhay gamitin mo ng husay
Wag kumubli sa kadiliman
Hanapin mong muli ang liwanag

Di nga muling luluha pa
Paniwalaan ang pangako nya…

Ikay magbalik at magising sa katotohanan
Iisa lang ang buhay gamitin mo ng husay
Wag kumubli sa kadiliman
Hanapin mong muli ang liwanag

Aicelle Santos - Hanggang Makita Kang Muli Lyrics

Hindi ko maintindihan kung bakit ba naiiba
Naghahangad makatagpo nang magbibigay kahulugan
Kailan kaya magtatapos ang aking sakit na nadarama
Paano kaya makakawala dito saking pagkakulong

Sumisigaw kahit di naririnig
Umaasang ako’y mahahanap na rin
At ngayong ika’y nandito na may liwanag sa dilim
Dahil sayo, ako’y maghihintay hanggang makita… kang muli

Hindi ko maintindihan kung bakit ba naiiba
Di tulad nila di ka takot, iyong pagtingin saki’y totoo
Hindi ko man maipahayag
Sa puso ko alam na ikaw ang sagot sa aking pagtatanong
Kung ano ang saysay ng buhay…

Sumisigaw kahit di naririnig
Umaasang ako’y mahahanap na rin
At ngayong ika’y nandito na may liwanag sa dilim
Dahil sayo, ako’y maghihintay… hanggang makita kang muli

Kung sayo ako’y maghihintay
Hanggang makita kang muli….

Sumisigaw kahit di naririnig
Umaasang ako’y mahahanap na rin
At ngayong ika’y nandito na may liwanag sa dilim
Dahil sayo, ako’y maghihintay… hanggang makita kang muli

Ohhhhhhh….

Aicelle Santos - Kapangyarihan Ng Pag-Ibig Lyrics

atras abante hindi ko maintindihan
minsan kampante bigla nalang mawiwindang
paulit-ulit lang buong maghapon para lang nakakahon
pawang nagtapon naubos lang ang panahon

at ng tinawag mo inawat mo ang ikot ng mundo
niyakap mo't binago ang pulso

hindi mapipigilan ng daluyong
hindi mababagabag ng dagundong
sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo

sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal
siyang nararapat sa puso kong napapagal
lahat ay kakayanin kong daanan kayang kayang lampasan
walang hangganan ngayon at magpakailanman

pagkat tinawag mo inawat mo ang ikot ng mundo
niyakap mo't binago ang pulso

hindi matatawaran ang pangarap
hindi mababawasan ang lagablab
sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo

di ko kaya pag wala ka wag na
sa piling mo ay may pag-asa
sa piling mo walang iba

hindi mapipigilan ng daluyong
hindi mababagabag ng dagundong
sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo

hindi matatawaran ang pangarap
hindi mababawasan ang lagablab
sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo

sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal