Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Ang Bandang Shirley - Alam Mo Ba? (Ang Gulo) Lyrics

Kanina pa tayo naglalaro sa aking utak
Paligsahan, palakasan ng hila at tulak
Ngunit parang hindi mo naman ata gustong manalo
Wala na ‘to. Pareho lang tayong malabo

Nais kong malaman mo
Nang walang paalam

Di ko sinasadya
Pero walang kang pakialam
Kahit ilang beses pa
Wala kang matandaan

Ang gulo-gulo
Gusto ko? O ayaw bang ganito kagulo?
Alam mo ba ang nasa isip ko?

Sabi ng mga mata mo’y
di na kailangang sabihin
Tubig para sa apoy
Itigil na ang panalangin

Walang hinto ang mga salita
Inamin ko pero ‘di halata

Tinatago ang sarili
Pero laging nahuhuli

Walang hinto ang mga salita
Inamin ko
Ikaw na ang bahala

Ang Bandang Shirley - Alam Mo Ba? (Ang Gulo) Official Music Video


Directed by: JP Habac
Featuring: Elisse Joson

Special thank you to TBA Studios, Studio Cuento and 52 Blue Projects

Elmo Magalona & Janella Salvador - Alam Mo Ba Lyrics

Alam mo ba, Alam mo ba
Alam mo ba, Alam mo ba

Kahit hindi mo sabihin 'to
Tila binubulong mo
Ang iyong mga tanong
Na gaano ba kahalaga ka talaga

Lagi mong iisipin
Matagal ko nang nililihim
Ang tunay kong nararamdaman
Na makilala ka

Alam mo ba pakiramdam ko
Ang swerte swerte ko ngayon
Hawak ko ang iyong kamay
Ikutin natin ang mundo

Alam mo ba gustong-gusto
Na ikaw ang laging kasama ko
Sa pagsalubong ng
Bagong kabanata ng buhay ko

Alam mo ba, Alam mo ba
Alam mo ba, Alam mo ba

Ngayon alam ko na
Ang lihim ng puso mo
Pangako ko na
Hindi ako magbabago

Biglang nabura
Ang mga alinlangan ko
Dahil nagkalapit
Ang damdamin natin
Nais lang na makita ko
Ang ngiti sa labi mo

Alam mo ba pakiramdam ko
Ang swerte swerte ko ngayon
Hawak ko ang iyong kamay
Ikutin natin ang mundo

Alam mo ba gustong-gusto
Na ikaw ang laging kasama ko
Sa pagsalubong ng
Bagong kabanata ng buhay ko

Alam mo ba na ika'y mahalaga sa akin
Alam mo ba na ikaw ang nasa isip ko

Alam mo ba pakiramdam ko
Ang swerte swerte ko ngayon
Hawak ko ang iyong kamay
Ikutin natin ang mundo

Alam mo ba gustong-gusto
Na ikaw ang laging kasama ko
Sa pagsalubong ng
Bagong kabanata ng buhay ko

Alam mo ba pakiramdam ko
Ang swerte swerte ko ngayon
Hawak ko ang iyong kamay
Ikutin natin ang mundo

Alam mo ba gustong-gusto
Na ikaw ang laging kasama ko
Sa pagsalubong ng
Bagong kabanata ng buhay ko