Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Jake Zyrus - Bagyo Lyrics

Naririnig kay lakas ng pintig
Nagbabalik hangi’y sumasaglit
Sumisigaw sana ngayo’y mawaglit
Umuusbong tila bumubulong
May bagong hatid ang pagkakataon
Pagbibigyan o hahayaan na lang

Sabi ng isip huwag nang tanggapin
Sabi ng puso’y muling mahalin

O bagyo bakit hanggang ngayo’y naririto
Bakit ‘di magawa ang lumayo
‘Di matanto o bagyo
Maari na bang buksan ang puso ko
Wala na nga bang pag-asang matanaw
Bagong araw o bagyo

Sumisilip kahit sa panaginip
Huwag ipagkait konting liwanag mo
Na sasagip turuan muling umibig

Sabi ng isip huwag nang tanggapin
Sabi ng puso’y muling mahalin

O bagyo bakit hanggang ngayo’y naririto
Bakit ‘di magawa ang lumayo
‘Di matanto o bagyo
Maari na bang buksan ang puso ko
Wala na nga bang pag-asang matanaw
Bagong araw o bagyo

Unti-unting ika’y naglalaho
Upang bigyang daan bagong araw
Natatanaw

O bagyo

Gatilyo - Bagyo Lyrics

Sa isang kisap mata, bigla nalang nawala
Di malaman kung saan na napunta

Pinilit kong lumayo
Upang pigilan ang isip kong mapaglaro

Wag!!!
Ang daming naiisip na nais kong sabihin
Pinipilit sarilihin ang sigaw nitong!!!

Lumiliyab na apoy sa gitna ng bagyo
Kailan ba ako matututo?
Binulong ko sa hangin ang nais sabihin!
Saan bakit paano ganito na lang ba tayo?

Unti-unting bumabalik
Tulad ng hangin na nais na dumampi
Gisingin ang diwa ng manhid na katawan
Bagyo ang dala ng pananabik na mahagkan
Lisanin ang pangamba
Yakapin ang ulan
Kidlat kulog at hagupit ng amihan
Ang bagyong dala ng pagnanasa ay iyong pagbigyan!!!