Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Zion PH x Bayang Barrios x Quest - Totoo Lyrics

Tanggap kong may pag-aalinlangan
Dahil sa nangyari sa nakaraan
Damdamin mo ay iniingatan
Mula sa muling kapahamakan
Ngunit maari ba na mabigyan
Akong pagkakataong patunayan
Ako’y ‘di tulad ng iba dyaan
Na turing sa puso ay isang laruan

Tunay ang pag-ibig ko sa’yo
Kalian at kalian ma’y di magbabago
Bagay na sana ay makita mo
Minamahal kita ng walang biro

Ito ay totoo
Ako ay totoo
Ito ay totoo
Ako ay totoo

Dagundong ng puso ko ay pakinggan
Ang sinisigaw ay iyong pangalan
Aking mata ay iyong paka titigan
Iyong makikita ay ikaw lamang

Tunay ang pag-ibig ko sa’yo
Kalian at kalian ma’y di magbabago
Bagay na sana ay makita mo
Minamahal kita ng walang biro

Ito ay totoo
Ako ay totoo
Ito ay totoo
Ako ay totoo

Iniwang sugatan umasang walang hanggan
‘Di makabangon para bang ikaw ay talunan
Ang puso mo’y paos na naniwalang tapos na
Alam kong may kaba, takot at pagdududa
Dala ko ay pag-ibig, puno pa ng pag-asa
Paghilom at gabay, sandigan at sandata
Eto aking hiling pakinggan ang aking tinig
Hindi ka na mag-iisa sa aking piling

Tunay ang pag-ibig ko sa’yo
Kalian at kalian ma’y di magbabago
Bagay na sana ay makita mo
Minamahal kita ng walang biro

Ito ay totoo
Ako ay totoo
Ito ay totoo
Ako ay totoo
Ito ay totoo
Ako ay totoo
Ito ay totoo
Ako ay totoo

Zion PH x Bayang Barrios x Quest - Totoo (Lyric Video)


Listen and watch the Official Lyric Video of "Totoo" by Zion PH x Bayang Barrios x Quest.

Totoo
Zion x Bayang Barrios x Quest
Music and lyrics by Zion
Additional Words by Quest
Arranged by Theo Martel
Mixing by Magic Montano
Mastering by Jett Galindo at Bakery Mastering, LA
Sound Engineer: Jan Levi Sanchez at Studio Z

Copyright 2019 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.

Agatha Morallos and Melvin Joseph Morallos - Lilipad (Interpreted by Bayang Barrios and Naliyagan) Lyrics

Musmos pa ang isip saksi na ang langit
Sa sigla ng aking daigdig
Kaibigan ko’y araw hatid ay liwanag
Sa bawat nais marating

Ano nga ba’ng taglay ng hanging habagat
Ang hiwaga ng isang pangarap
Sa lakas ng ihip, ako ay napadpad
Narating ang bughaw na ulap

Tinig ko’y lilipad
Ang samyo ng hangin ay yakap
At walang hahadlang
Sa hangad ng puso tinig ko’y lilipad

Ang alon ng tubig na siyang aking himig
Unti-unting naririnig
Habang mga tala’y sadyang gumuguhit
Mga titik ng aking awit

Karamay ko ang buong kalawakan
Na umukit sa tamang daan
Buong tapang handang ako ay gabayan
Abutin man ng kailanman

Tinig ko’y lilipad
Ang samyo ng hangin ay yakap
At walang hahadlang
Sa hangad ng puso tinig ko’y lilipad

Maghihintay ‘di mapapagod sa paglalakbay
Makakamit ang tagumpay

Tinig ko’y lilipad
Ang samyo ng hangin ay yakap
At walang hahadlang
Sa hangad ng puso tinig ko’y

Tinig ko’y lilipad
Ang samyo ng hangin ay yakap
At walang hahadlang
Sa hangad ng puso tinig ko’y

Tinig ko’y lilipad
Ang samyo ng hangin ay yakap
At walang hahadlang
Sa hangad ng puso tinig ko’y lilipad

Sa hangad ng puso tinig ko’y lilipad

Agatha Morallos and Melvin Joseph Morallos - Lilipad (Interpreted by Bayang Barrios and Naliyagan) Lyric Video


PhilPop MusicFest Foundation presents:

Lilipad
Official Lyric Video
Composed by Agatha Morallos and Melvin Joseph Morallos
Interpreted by Bayang Barrios and Naliyagan
Produced by Civ Fontanilla and Alwyn Cruz
Arranged by Melvin Morallos
Recorded by Joel Vitor at Amerasian Studios
Mixed by Melvin Morallos
Mastered by Joel Mendoza at Amerasian Studios


Directed and edited by Jaimee Dejelo Bernardo
Co-edited by Martin Dejelo Campita

Special Thanks to Viva Records

Cookie Chua & Bayang Barrios ft. The Benjamins - Tinatangi Lyrics

Sa paghinga bawat tingin
Silip sa nais sabihin
Pagbangon tayo’y ba-byahe rin
Pag-ibig lang ang dadalhin
Oh oh

Pagmulat ng ating araw (ikaw ang tinatangi)
Sa bukas na tinatanaw (ikaw ang tinatangi)

Oh oh…

Sa ating paglalakbay o hawak ang iyong kamay
At kung sakaling mawalay ang puso ang ating gabay (ang puso ang ating gabay)
Pagyakap ng dapithapon (ikaw ang tinatangi)
Subukin man ng panahon (ikaw ang tinatangi)

Oh oh… wala nang nanaisin
Oh oh… kundi ikaw ay makapiling

Ikaw ang silong sa init ng araw
At ilaw sa dilim ng gabi

Sa pagputi ng iyong buhok
Bawat kulot, bawat hibla
Ng buhay nating sinubok ay saksi ng pagsinta

Kapag gabi ay dumating (ikaw ang tinatangi)
Sa buwan at mga bituin (ikaw ang tinatangi)
Sa bawat pagkakataon (ikaw ang tinatangi)
Ngayon, bukas at kahapon (ikaw ang tinatangi)

Oh oh… wala nang nanaisin
Oh oh… kundi ikaw ay makapiling

Sa paghimlay bawat tingin
Silip sa nais sabihin
Tahan na aking mahal
Pag-ibig lang ang tatagal

Banda Ni Kleggy ft. Bayang Barrios - Pare-pareho Lyrics

Pare-pareho lamang tayo
Nasusugatan at nasasaktan
Sino bang tama? Sino ba ang mali?
Pare-pareho lamang tayong nagkakamali

Pare-pareho lamang tayo
Nasusugatan at nasasaktan
Sino bang tama? Sino ba ang mali?
Pare-pareho lamang tayong nagkakamali

Angod-angod ki da no ugkapalian, og bati to kasakit
Hintawa ma’t insakto, hintawa ma’t sadjop
Angod ki da no ogkasajop?

Angod-angod ki da no og kaudowan, ugkayagan
Hintawa ma’t insakto, hintawa ma’t sadjop
Angod ki da na og dawat to sadjop?

Pare-pareho lamang tayo
Nasusugatan at nasasaktan
Sino bang tama? Sino ba ang mali?
Pare-pareho na ba tayong nagkakamali

Pare-pareho lamang tayo
Naiiwanan, nawawalan
Sino bang tama? Sino ba ang mali?
Pare-pareho naman nating tanggap ang mali

Pare-pareho lamang tayo
Maiiwanan, mawawalan
Kung sino man ang tama kung sino mang nagkamali?
Ang mahalaga ituwid ang mali

Pare-pareho tayong tao
Masusugatan, masasaktan
Kung sino man ang tama kung sino mang nagkamali?
Ang mahalaga sa huli ay bati