Pinoy Radio Here:

Bendeatha - Birador Lyrics

Ito’y isang istorya tenga nyo’y ipahiram
Hindi ko naranasan ang aking kamusmusan
Umpisa ng pagkatao’y nahuhubog sa tahanan
Ngunit dito nakaranas ng unang karahasan
Nagkalat na kubyertos, basag-basag na plato
Magulang na nagmumura habang nagtatalo
Sa mura kong edad natutong magtrabaho
Kinayang harapin ang araw-araw na peligro
Kinita ko na pera ay alay kay inay
Na dapat sumapat takot na ko na magkalatay
Ayoko magtanong kung meron ba na makakain
Ayokong magulpi dahil yun lang ang ihahain
Di ko naramdaman ang tamang trato ng magulang
Mas naging pamilya ko mga nagiging kaibigan
Wala ng halaga kung saan man mapadpad
De masama man o mabuti diretso lang ang lakad

Sa paglipas ng taon ganap na kong hulmado
Kilala sa bawat sulok, sa kalye respetado
Namulat sa mundong puno ng galit at dahas
Na walang mapapala kung ikaw ay paparehas
Hindi na importante kung paano ka kikita
Dahil mas mahalagang magkalaman ang sikmura
Kahit di na masikmura pero dapat tanggapin
Kahit alam mo na mali pero dapat mong gawin
Ultimo’y minamahal mo’y kusang tumalikod
Kinapos kang unawain, kusa ng napagod
Lahat ng pangyayari katumbas ay sakripisyo
Ilegal man na gawain, ito’y aking negosyo
Sa dinadaanan ko, wag tangkaing humarang
Dahil kapalaran mo kaya kong itimbang
Ituring mo kong kaibigan, wag gawing kaaway
Ayokong maglista ng paang magpapantay

Malawak ang mundo pero naging limitado
Sa isang mali na tao at hindi tamang trabaho
Saan man mapadpad hirap magkatuwang
Komonidad na matatawag pero di kabilang
Masikip na ang lugar sa inaasahang trato
Kumikitil ng buhay basehan lang ay litrato
Namumulang mata walang awa sa katawan
Isang buhay ay kapalit ng pera-perang dahilan
Pagkapit sa patalim kailangan kong gawin
Sa paghingi ko ba ng tawad maaaring patawarin
Sarili kong kunsensya tuluyan ng lumisan
Umabot na sa puntong naging salot ng lipunan
Ako’y nagsusumamo bitbit ang isang dalangin
Magawa mo pa kaya na ako ay patawarin
Sa iyong kaharian ako pa ba ay may espasyo
Ikaw ang humusga kung sa langit o impyerno