Pinoy Radio Here:

Curse One - Ipagpaumanhin Mo Lyrics

Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ipagpaumanhin mo kung nahuhulog ang puso ko sayo
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Dalawang pusong nagkaisang dibdib ikaw at ako
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ikaw ang syang pinapangarap ko

Salamat dahil sayo, kung wala ka’y wala ako
Binibini ng buhay ko ikaw ang dahilan kung bakit ako nabuo
Nabuo sa mundo ng makasalanan ma’y ito ang totoo
Totoo, bahaghari ang lalabas,
Lumabas man ang tunay na kulay ko
Iba na ang nakaraan sa ngayon, pero alam mo bang minahal kita noon
At kahit na lumipas ang ilang taon, hinding hindi magbabago yun
Kung may binago man ako yun ay sarili ko, para magaan lagi sa piling mo
Ayoko lamang na nag-aalala ka, mithing makasama ka, lubusang mapadama
Sayo ang pag-ibig ko
Pero sa lahat ng sinabi ko ayos lang kung ang isasagot mo ay “No”
Dahil sayo ang mga tulad kong ginoo ay naging maginoo, I know

Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ipagpaumanhin mo kung nahuhulog ang puso ko sayo
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Dalawang pusong nagkaisang dibdib ikaw at ako
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ikaw ang syang pinapangarap ko

Kahit na madalas kinukutya ng iba
Itong damdamin ko para sayo ganun pa man di bale na
Kahit ano pa ang mangyari satin lagi mo sanang iisipin na
Ako ay nandito lang, di hahayaang masaktan ka
Ang makita kang nakangiti ay sobrang sarap sa pakiramdam ko
Ikaw ang sigaw ng puso ko
Minamahal kita, alam yan ng Diyos Ama
Ikaw ang panalangin ko

Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ipagpaumanhin mo kung nahuhulog ang puso ko sayo
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Dalawang pusong nagkaisang dibdib ikaw at ako
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ikaw ang syang pinapangarap ko

Hindi ka basta basta lang, basta basta lang
Hindi ka basta basta lang, basta basta lang
Kaya ako ay nabighani mo, ikaw ang pinapangarap ko
Araw araw, hindi masusukat ng kahit ano
Walang ano mang hihilingin sayo
Ayokong hanapin kita dahil sa paraan na yun, malamang di ka magpakita sakin
Ngunit kung kailangang tahakin ang ilang kilometrong layo, gagawin
Malaman mo lang na mahalaga ka sakin

Pag naabot kita, abot ko na ang lahat
Huwag mo sanang ipagdamot pag-ibig na tapat
Dahil sayo pakiramdam ko
Ano man ang suliranin kayak o
Gaano man ‘to kabigat
Sayong sayo ang buong ako
Ipapadama ko sayo ang pag-ibig kong natural at kusa
Pag nakamit kita
Ang mga tala sa kalangitan ay hindi na muli pang luluha

Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ipagpaumanhin mo kung nahuhulog ang puso ko sayo
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Dalawang pusong nagkaisang dibdib ikaw at ako
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ikaw ang syang pinapangarap ko

Curse One, Marrion & Zirhc - Pagtingin Lyrics

Hangad ko lang naman ay ibigin ka ng walang hanggan, walang katapusan

Alam mo naman na wala akong maipagmamalaki sayo kundi itong puso ko
Ngunit handa kong gawin lahat, sundin ka’t ibigay ano mang gustuhin mo
Kahit pa magmukhang tanga, mapasaya ka lang
Dahil mahal kita at sayo lang naramdaman
Itong ganitong klaseng pag-ibig na akala ko’y hindi totoo
Dahil alam ko din naman na isang kabaliwan lang to
Ilusyon o pantasya lang ang tumibok ang damdamin mo sa katulad ko
Kaya dinadaan ko na lang ‘to sa sulat ko
Sana naman ay imulat mo ang iyong mata
Panahon na para subukan mo
Buksan ang nakasara, hayaan mong mapadama ko sayo ang wagas na pagsinta
Sukdulan to!, grabe sya, pano nya nagawang ibaba ang langit
Iba sya, isa syang anghel, dahilan kung bakit magagandang awit
Ang naririnig ko, buong mundo’y nayayanig ‘to
Kapag sya na ang dumaan sa isipan ko
Sa lakas ng dating nya dumadagundong ang beat ugh.
Bboom boom boommmm!
Zzoom zoom zoommmm!
Ganyan ang pakiramdam pag napapalapit sayo
Sana’y nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko

‘Di man ako ang iyong tipo at lalong ‘di ang pangarap mo
Hangad ko lang naman ay ibigin ka ng walang hanggan, walang katapusan
Hinding hindi pababayaan na ikaw ay mawala sakin
Alipin mo ang puso kong ito
‘Di magbabago ang pagtingin ko sayo

Ikaw ang tanging dahilan kung bakit ako masaya
Kuntento na ako wala ng hahanapin pa
Di man ako yung tipo na pinapangarap mong makapiling
Pero sa piling ko ay liligaya ka
Kaya panghawakan mo lamang ang pag-ibig ko
Pagkat sayo lang ito nakalaan
Ang pagtingin ko sayo
Sayo lang ‘di ibabaling kahit kanino man
Ano man ang mangyare
Ay magtiwala ka lang sakin pangakong hindi kita pababayaan
Mula pa noon meron na kong pagtingin sayo
Handa kang mahalin hanggat aking makakayanan
Hindi ko hahayaan na mawala ka pa sakin
Ikaw ang babaeng nagbibigay sakin ng saya
Tanging ikaw lang ang kayamanan ko
Sa buhay ko ika’y mahalaga
Puso ko’y maliligaw kung ‘di ikaw ang katuwang
Tuwing kasama ka damdamin ko’y gumagaan
Tila ba lumilipad sa alapaap pag ika’y nakakayakap
‘Di ko maipaliwanag ang saya kong nakamtan
Nang makilala ka muling umikot ang mundo
Mamahalin kita hanggang sa makakaya ko
‘Di ko lubos maisip na ako’y pagpapalain
‘Di ko akalain na ito’y magiging totoo
Ibang klase talaga!
Kagandahan mo’y kahit kanino di ko maikumpara
Walang katulad ang katulad mo tila anghel mula sa langit
Nais kong malaman mo ang tunay kong nadarama
Minamahal kita kailangan pa ba’ng isigaw?
Kahit nakapikit ako ika’y natatanaw
Marami man ang humadlang sa pagsasama natin sinta ko sayo ay ‘di na bibitaw
Kahit na…

‘Di man ako ang iyong tipo at lalong ‘di ang pangarap mo
Hangad ko lang naman ay ibigin ka ng walang hanggan, walang katapusan
Hinding hindi pababayaan na ikaw ay mawala sakin
Alipin mo ang puso kong ito
‘Di magbabago ang pagtingin ko sayo

Hindi ko man sukat akalain na kasama ka ngayon saking piling
Tila ba pangarap lang kita dati, sino ba namang makakapagsabi
Alam naman naten na noon hindi mo gusto
Ang mga tipo ng lalake na katulad ko
Subalit ngayon ay ‘di na hadlang mga yan sapagkat
Eto nga at kasama na kita masaya diba?
Wag kang mag-alala pagkat wala na ‘tong katapusan
Patuloy na mamahalin walang iba kailan pa man
Habang tumatagal lumalakas asahan mong pag-ibig ko’y matibay na makulay at hindi na ‘to magwawakas
Alinlangan, di kailangan, ikaw yung tipo na di ko kayang iwanan
Sayo lamang, tinamaan, ganito kalakas ‘di ko nakayanan

‘Di mo lang alam kung gano katimbang
Sa ngiti mo pa lang ako’y nabubuang
Kaya kung pwede lang hayaan mo na lang
Ang puso kong itong umibig ng hanggang sa dulo
Pagtingin ko para sayo ay malabo na magbago, bago!
Kakayanin magtiis kahit gano katagal wag lang lumayo
Yumakap ka lang sakin at wag na wag kang bibitaw
Dito sa palad ko, ang pag-ibig ko sayo’y tapat
Kung alam mo lang kung gano ka kamahal
Maiisip mo din na kahit na ‘di ako taong perpekto
Ay kayang umibig sayo ng walang hanggan

‘Di man ako ang iyong tipo at lalong ‘di ang pangarap mo
Hangad ko lang naman ay ibigin ka ng walang hanggan, walang katapusan
Hinding hindi pababayaan na ikaw ay mawala sakin
Alipin mo ang puso kong ito
‘Di magbabago ang pagtingin ko sayo

‘Di man ako ang iyong tipo at lalong ‘di ang pangarap mo
Hangad ko lang naman ay ibigin ka ng walang hanggan, walang katapusan

XienHow feat. Curse One - Clearly Lyrics

Lyrics Not Available

Curse One - Move On Lyrics

Ano bang talagang alam nya sa tunay na pag-ibig mo?
Hindi ka nya dapat sinasaktan

Alam kong hindi madali para sayo
Na limutin sya at ibaling sa iba ang ‘yong atensyon
Namumugtong mga mata
Di naman nya nakikita ang ‘yong tunay na halaga
Kaya wag mo nang pagurin ang sarili mo
Di na sya babalik para sayo
Isipin mo na lang hindi sya kawalan
Dahil dapat ika’y minamahal at di dapat sinasaktan
Tahan na… wag mong sayangin ang luha mo
Sa kanya… kalimutan mo na sya dahil wala kang mapapala
Sa kakamukmok mo
Ika’y bumangon at yong itapon ang di magandang kahapon
At ikaw ay magsimulang muli
Ayos lang kahit ang usad mo’y paunti-unti

Chorus:
Palayain mo ang puso mo!
Kalimutan mo na sya wala kang mapapala
Hindi sya karapat-dapat para sa pag-ibig mo
Hindi rin sya kawalan sayo
Di nya lang alam ang iyong halaga
Wag ka nang malungkot… may makakakita din non
Pero ngayon kailangan mong mag maove on

Ang ganda mo ay labis
Sa mga mata ko ika’y walang kawangis
Walang katumbas! Na kahit na ano pa man
Ikaw ay isang bituin sa kalawakan
Hindi dapat pinaglalaruan at hindi dapat pinapabayaan lang
Na masaktan ka, taos pusong hahagkan ka
Pero bakit tila ang mundo’y napakadaya
Sana ikaw ay maging malaya at mapayapa
Ang yong isip at damdamin
Sa kabila ng sugat mong natamo, alam ko na yong kakayanin
At makakatagpo ka din ng isang taong magmamahal sayo
At ipaglalaban ka ano man ang maging hamon ng mundo
Kaya wag mo na sanang ikulong ang sarili mo dun
Sa di ka naman pinapahalagahan
Palayain mo ang puso na nakabilanggo sa nakaraan
Bumangon ka dahil kailangan nating harapin ang bawat pagsubok sa mundo
Tandaan mo di ka nag-iisa
Pilitin mong maka move on mabigat man ang pasan mo
Manalig ka lang alam kong kaya mo yan

(Chorus)

Move on…

Palayain mo ang puso mo!
Kalimutan mo na sya wala kang mapapala
Hindi sya karapat-dapat para sa pag-ibig mo
Hindi rin sya kawalan sayo
Di nya lang alam ang iyong halaga
Wag ka nang malungkot…
May makakakita din non
Pero ngayon kailangan mong mag move on

Smugglaz ft. Curse One - Muling Mangharana Lyrics

Pwede bang muling mangharana
Sa bintana ng puso mo
Kahit na walang bitbit na gitara
Ay aawitin ng nasa tono
Ang aking pag-ibig na sinamusika
Katanungan na hindi maalis
Saking isip na tila lahat ng ito’y
Kakayanin lamang sagutin ng oo mong matamis

Kung mamarapatin mo lamang muli ako
Na paalala ko lahat muli sayo
Nang iyong matandaan ang lahat ng mga sa ating dalawa
Simula nang makilala kita

Laging hanap-hanap ka (2x)
Halos sa tuwina ng puso ko
San man patungo kasama sayo
Ang pag-ibig kong alay mula pa noon
Sayo lang ako nagkaganito
Di ko man sadya na ibigin ka
Kaya ang tanging hiling

Pwede bang muling mangharana
Sa bintana ng puso mo
Kahit na walang bitbit na gitara
Ay aawitin ng nasa tono
Ang aking pag-ibig na sinamusika
Katanungan na hindi maalis
Saking isip na tila lahat ng ito’y
Kakayanin lamang sagutin ng oo mong matamis

Kung mamarapatin mo lamang muli ako
Na paalala ko lahat muli sayo
At nang maramdaman mo yung aking panunuyo sayo
Dahil ang makita kang masaya ay magaan sa loob ko
Naaalala mo ba? Naaalala ko ba?
Ang tamis ng ating pagsinta
Di na magbabago ang pag-ibig ko
Dahil ang puso ko ay tanga-tanga noon
Sayo lang ako nagkaganito
Di ko man sadya na ibigin ka
Kaya ang tanging hiling

Pwede bang muling mangharana
Sa bintana ng puso mo
Kahit na walang bitbit na gitara
Ay aawitin ng nasa tono
Ang aking pag-ibig na sinamusika
Katanungan na hindi maalis
Saking isip na tila lahat ng ito’y
Kakayanin lamang sagutin ng oo mong matamis

Kung mamarapatin mo lamang muli ako
Na paalala ko lahat muli sayo
Ang mga nakaraan kung saan at kung paano ba
Nabuo ang lahat satin sinta
Kaya sana pwede pa (2x)
Mapagbigyan muli itong aking pagsuyo na para sayo
Tanggapin mo parin sana tulad noon
Sayo lang ako nagkaganito
Di ko man sadya na ibigin ka
Kaya ang tanging hiling

Pwede bang muling mangharana
Sa bintana ng puso mo
Kahit na walang bitbit na gitara
Ay aawitin ng nasa tono
Ang aking pag-ibig na sinamusika
Katanungan na hindi maalis
Saking isip na tila lahat ng ito’y
Kakayanin lamang sagutin ng oo mong matamis

Geo Ong ft. Curse One - Sigurado Sayo Lyrics

Ako’y nag bag bag bago na simula nung maging tayo
Di na babalik pa sa dating ako
Ako’y nag bag bag bago na simula nung maging tayo
Di na babalik pa sa dating ako sigurado
Na kasi ako, ng dahil sayo, di na babalik, sa dating ako
Sigurado si si sigurado na ako

Madalas sinasabi ko na kinikilig ako sa mga titig mo
Madalas sinasabi ko, kung anong mga gusto mo na marinig oh
Kumbaga ako’y halaman ikaw tubig ko
Sa lambing ng tinig mo parang si Juris oh
Mala 12oz na bote ng coke ang hugis mo
Sabayan pa ng mala porselanang kutis mo
Ganyan ako nuon mambola para tawaging idol ng tropa
Paraan ng pagkuha idadaan sa boka, para lamang makakota

Ako’y nag bag bag bago na simula nung maging tayo
Di na babalik pa sa dating ako sigurado
Na kasi ako, ng dahil sayo, di na babalik, sa dating ako
Sigurado si si sigurado na ako

Dati kung, marami man akong mga nagawang kataksilan
Puso’t utak ang laman kapaitan
Pag naboboring at walang mapagtripan
Kahit sino na lang basta may matabihan
May itsura naman ako di tatanggi yan
Pero ng ikaw na ay nandiyan aking kasakiman ay napalitan ng kabaitan
Kung di dahil sayo, malamang ako parin yung dating ako
Mga mali ko ay tama na pramis na’to kaso adik parin ako (Adik sayo)
Kasi ng, nakilala kita ang pananaw ko ay, biglang nag-iba (Nag-iba)
Dahil sayo nalaman ko papano, magmahal kaya nakayanan ko magbago (Woop woop!)
Magkalayo man an gating agwat
Marami man ang humusga ng dahil sa gap
Ang mahalaga ako ay laging tapat mas tapat pa kesa sa tanghaling tapat
And just puffin’ that smoke if you know what I mean
Kung ba’t may gantong awitin si Geo Ong salarin haha
Uhhh kasi nga, nagbago na, dating masama ngayo’y mabuting tao na

Ako’y nag bag bag bago na simula nung maging tayo
Di na babalik pa sa dating ako sigurado
Na kasi ako, ng dahil sayo, di na babalik, sa dating ako
Sigurado si si sigurado na ako

Akala ko nuon ako’y malabo ng magbago, tingin ko sa sarili ko habang buhay nang gago
Pero di pala muntikan na mabait na ko ngayon kaya ngiti ka na
Kung di dahil sayo, malamang ako parin yung dating ako
Mga mali ko ay tama na pramis na’to kaso adik parin ako (Adik sayo)

Napukaw mo ng husto itong damdamin ko
Ng makilala ka nagbago ang aking mundo
Palaging nasa isip ka, kahit nasa panaginip pa
Ako’y nabihag ng pag-ibig mo, na sayo lang nadama

Ako’y nag bag bag bago na simula nung maging tayo
Di na babalik pa sa dating ako sigurado
Na kasi ako, ng dahil sayo, di na babalik, sa dating ako
Sigurado si si sigurado na ako sayo…

Curse One - Kailangan Kita Lyrics

Di ko alam kung anu ako kapag ikaw ay wala sa piling ko oh oh oh..
Kailangan kita, kailangan ka ng puso ko
Sana ay di mo lisanin at pabayaan na nag-iisa
Di sating mundo sana ay mawala na ang pangangamba
Sabihin mong mahal mo din ako at kalian ma’y sakin hinding hindi ka lalayo
Dahil hindi ko kakayanin kapag ika’y nawala sakin sinta
Ako’y alipin ng pagmamahal mo, lahat ay gagawin ko para sayo
Oh kamahalan ko

Kailangan kita sa buhay ko
Ikaw ang mahal at nag-iisa ka lamang sa puso ko
Napakahaba man ng daan sa dulo ay ikaw pa rin at ako
Sana ay wag kang bumitaw, sana’y wag mo kong iiwan
Oh mahal ko

Walang sinuman ang papalit sayo sa mga pinaramdam mo sakin
Pag ibig na wagas walang makakatumbas, salamat sayo
Sana ay hindi ka magbago, dahil ikaw lang ang gusto ko makasama
Sa mga bukas na darating ngunit alam kong marami pang haharapin
Anumang problema’y kakayanin nating dalawa basta nandyan ka
Lahat ay makakaya, sa lambing at yakap mo, ang isip koy napapayapa
Gumagaan itong nadarama, dahil sayo

Kailangan kita sa buhay ko
Ikaw ang mahal at nag-iisa ka lamang sa puso ko
Napakahaba man ng daan sa dulo ay ikaw pa rin at ako
Sana ay wag kang bumitaw, sana’y wag mo kong iiwan
Oh mahal ko


Ikaw ang dahilan kung bakit bumabangon
Ikaw ang umakay sakin nung ako ay nadapa
Ikaw ang nagtulak sakin upang magawa
Ko ang mga bagay na akala ko ay imposible
Ikaw ang inspirasyon sa awiting puno ng dedikasyon
Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko
Biyaya ng langit ang isang katulad mo
Di ko lang masabi sayo ng harapan
Dahil baka pagtawanan mo pero ganun pa man
Totoo ang lahat ng ito