Pinoy Radio Here:

OPL Archive

Dara Santana - Sa Aking Panaginip Lyrics

‘Di ko na kailangan pang ulit-ulitin
Na ikaw ang laging naroon sa puso’t isip ko
Sa bawat sandali naaalala ka
At ‘di magagawang limutin ang katulad mo

Pagkat sa’yo’y natutong magmahal
Ang puso ko na ang pintig ay bakit nga ba laging

Ikaw sa aking panaginip, hindi ka nawawaglit
Kahit kailan pagmamahal para sayo’y hanggang langit
At ang aking pag-ibig ay hindi magbabago
Dahil sa’yo may sikat at makulay ang aking mundo

Kung mawawalay sa’yo
Ay ‘di ko nais pa’ng mabuhay nang tuluyan at laging nag-iisa
Mayro’ng hinihiling ang puso’t damdamin
Sa bawat sandali sana’y laging kapiling ka

Pagkat sa’yo’y natutong magmahal
Ang puso ko na ang pintig ay bakit nga ba laging

Ikaw sa aking panaginip, hindi ka nawawaglit
Kahit kailan pagmamahal para sayo’y hanggang langit
At ang aking pag-ibig ay hindi magbabago
Dahil sa’yo may sikat at makulay ang aking mundo
(Repeat)

Ahhhhh…

Dara Santana - Kung Paano Lyrics

Bakit ba ganyan ang damdamin
Alaala’y sadyang ikaw
Sa pag-iisa’y nakikita
Bakit lagi ay naro’n ka

Dati-rati’y ‘di pansin
Ang mga sulyap mo at mga tingin
Pilit na lumalayo
Ngunit ang damdamin ang siyang nagsasabing

Ibigin ka nang tunay at lubusan
Ngunit ang isip ko’y takot
Baka masaktan lamang
Gagawi’y sadyang ‘di ko malaman
Kay gulo ng isip ko
Puso ay litong-lito
Kung paano

Aaminin kong sa pangarap
Ay kasama ka kahit saan
Yakap mo’t halik ay ‘di kaya
Na pigilan kahit kailan

Oohhh…