Anong dapat na gawin
Ngayong wala ka na sa’kin
Dapat bang piliting limutin ang lahat
Bakit nga ba kung kailan
Puso ay handa ng magmahal
Ngayon ay iniwan pa
Maghihintay na lang muli sa iyong pagbabalik
Aasahan lang na ako’y tunay mong mahalin
Araw-araw ay ikaw lamang ang hiniling sinta
Mananatiling ikaw ngayon at magpakailanman
At kung ikaw ay babalik man ito lang ang tandaan
Mananatili kang mahal sinta
Lahat ay gagawin ng bumalik pagtingin
Ito’y pangako sa mga bituin
Maghihintay na lang muli sa iyong pagbabalik
Aasa na lang na ako’y tunay mong mahalin
Araw-araw ay ikaw lamang ang hiniling sinta
Mananatiling ikaw ngayon at magpakailanman
Sarili ay ‘di maintindihan
Pano haharapin ang bukas na wala ka
Panghahawakan ang salitang “mahal kita”
Dahil pinangako sa iyo
Hanggang sa dulo ay pipiliin ka
Maging hadlang man sati’y tadhana
Iingatan at hindi sasaktan
Ito’y pangako kailanman