Pinoy Radio Here:

Erik Vargas - Kung Ika'y Maging Akin Lyrics

Oras na kayang
Maniwala ka sakin
Kaya ba nilang
Paluhain ang bitwin
Bawiin ang ulan
Pahabain ang gabi
Ilawan ang daan patungo sa iyo
Habang ika’y sawi

Awatin ang gulo
Gulo sa isip mo
Ibote ang lamig
Buksan pag tag-init
Ipunin ang hangin
Yakapin ang dilim
Pangako ko sayo, matutupad ito
Kung ika’y maging akin


Awatin ang gulo
Gulo sa puso mo
Ibote ang lamig
Buksan pag tag-init
Ipunin ang hangin
Yakapin ang dilim
Pangako ko sayo, matutupad ito
Kung ika’y maging akin ohhh..

Pangako ko sayo, magagawa ko to
Kung ika’y maging akin

Erik Vargas - Itulak Natin Ang Umaga Lyrics

Nung kailan pa akong natutong magmahal
Ngayon ka pa napuno saking pangungulit
Sabi nila wag kang umasa sa wala
Hayaan lang at kusang may dumarating

Ohhh lumapit ka, at yakapin mo akong mahigpit
Ilang ulit na natin tong pinag-usapan
Handa ko nang tuparin
Palapit na ang dilim

Kaya’t mahal, wag kang mag-alala
Paniwalaan mo
Yang puso mong nasubukan na ng panahon
Di ako nagkakamali
At sandali na lang
Mukhang babagsak ang ulan ngayong gabi
Hahayaan ko bang tayo’y magdusa
Ipunin ang mga tala
Sabay itulak natin ang umaga

Nahihirapan ka bang makatulog tuwing gabi
Napupuno ang isip sa mga pinagsisihan
Ang puso mo ngayo’y napakahigpit
Itapon mo na ang mga mapait na nakaraan

Ohhh umiibg ka, at samahan mo ako sa langit
Sabi nila wag kang umasa sa wala
Di ba nila naririnig
Mga tibok na kay sabik

Kaya’t mahal, wag kang mag-alala
Paniwalaan mo
Yang puso mong nasubukan na ng panahon
Di ako nagkakamali
At sandali na lang
Mukhang babagsak ang ulan ngayong gabi
Hahayaan ko bang tayo’y magdusa
Ipunin ang mga tala
Sabay itulak natin ang umaga

Erik Vargas - Paano Lyrics

Paano kung wala ka na?
Paano ba ang mag-isa?
Mula nang makasama ka
Kung paano’y limot ko na

Paano ang pag-ibig ko?
Kung di rin lang laan sa’yo
Ang buhay ng ating mundo
Di ko alam kung paano

Bago ka lumisan sana’y maturuan mo
Na iwasan ang bawat nakasanayan ko
At limutin na ang maghintay lagi sa’yo
Paano ba ito

O, kay daming bagay na hindi ko na alam
Tulad ng lumuha at sa ‘yo ay magdamdam
Dahil naniwalang labis mo akong mahal
Laman ng bawat mong dasal

Paano’ng aking gagawin?
Kung di mo na ako pansin
Kung ito’y panaginip din
Paano ba ang magising

Bago ka lumisan sana’y maturuan mo
Na iwasan ang bawat nakasanayan ko
At limutin na ang maghintay lagi sa’yo
Paano ba ito

O, kay daming bagay na hindi ko na alam
Tulad ng lumuha at sa ‘yo ay magdamdam
Dahil naniwalang labis mo akong mahal
Laman ng bawat mong dasal

Bago ka lumisan sana’y maturuan mo
Na iwasan ang bawat nakasanayan ko
At limutin na ang maghintay lagi sa’yo
Paano ba ito

O, kay daming bagay na hindi ko na alam
Tulad ng lumuha at sa ‘yo ay magdamdam
Dahil naniwalang labis mo akong mahal
Laman ng bawat mong dasal

Paano ba aking mahal