Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Giniling Festival - Makabagong Influenza (Audio)


Under Terno Recordings (2020)

Giniling Festival - Tom Jones (Audio)


Giniling Festival - Tom Jones

Under Terno Recordings (2019)

Giniling Festival - Nikwento (Audio)


Under Terno Recordings (2019)

Giniling Festival - Patag Ang Mundo (Audio)


Giniling Festival - Patag Ang Mundo

Under Terno Recordings (2019)

Giniling Festival - Bidjokol (Audio)


Copyright under Terno Recordings

Giniling Festival - Mas Mababaw Mas Maligaya (Lyric Video)


Lyric video by Kenneth Sese
From the album Ala Hoy
Under Terno Recordings

Giniling Festival - Mas Mababaw Mas Maligaya Lyrics

Kamusta ka na aking amigo
Bigyan mo ako ng ilang minuto
Kwento ko sayo aking sikreto
Paano maging maligayang totoo

Ekspektasyon ay itapon
Pangarap mo ay ibaon
Batayan palitan kalidad baliktad
Mas mababaw mas maligaya

Lahat ay maganda sa tamang pwesto (Hanapin mo ang anggulo)
Lahat ay masarap pag gutom ang naghanap (Sustansya ‘di mahalaga)
Lahat ay magaling ‘pag simple ang hiling (Iwasan ang mapailing)
Lahat ay katuwa tama na ang paawa (Haha-Haha-Haha-Haha)

Kaartehan kalimutan
Perspektibo baguhin mo
Batayan palitan kalidad baliktad
Mas mababaw mas maligaya

Harapin kinabukasan nang tulo laway
Makuntento sa ‘di kumpleto ‘di perpektong buhay
Sigurado epektibo bagong kaalaman
Sundin gintong payo pero ‘wag asahan

Ekspektasyon ay itapon
Pangarap mo ay ibaon
Batayan palitan kalidad baliktad
Mas mababaw mas maligaya

Kaartehan kalimutan
Perspektibo baguhin mo
Batayan palitan kalidad baliktad
Mas mababaw mas maligaya
Mas mababaw mas maligaya
Mas mababaw mas maligaya

Giniling Festival - SKB Lyrics

Ilang beses mo bas yang nabuking na mayro’ng iba
Pero bakit ba hanggang ngayon ay hanap mo sya
Ano pa ba dapat mangyari para makita ng iyong
Matang lumuluha at at namumula

Itigil mo na yan, itigil mo na yan

Sabog ka ba?
Nakalimot ka na naman
Sabog ka ba?
Bakit mo binalikan
Sabog ka ba?
Masyadong nasarapan
Sabog ka ba?
Ano ba ahhhhh

Ilang beses ka nyang lalambingin na parang tigang
Tapos iiwang nakatiwangwang na parang buwang
Ano pa ba dapat mangyari para matuto ang kukote mong
Uto-uto at gustong gusto

Iwan mo na yan, iwan mo na yan

Sabog ka ba?
Nakalimot ka na naman
Sabog ka ba?
Bakit mo binalikan
Sabog ka ba?
Masyadong nasarapan
Sabog ka ba?
Ano ba ahhhhh
(Repeat)

Giniling Festival - LL Lyrics

Landian lang bawal ang seryoso
Wag kang umasa na magtatagal to
Minsan lang oy, mag-enjoy lang tayo
Walang control, walang plano, walang preno

Landian lang bawal ang seryoso
Dahil gutay-gutay na ang aking puso
Galing sa pag-ibig na akala ko totoo
Seryoso ako pero siya landian lang

Di interesado sa apelyido mo
Walang palitan ng numero
Sa’yo na yang susi ng iyong bahay
Di ako dapat pakilala kay nanay

Wag mo kong sabihan ng sikreto
Itago mo lang problema mo
Baka umiyak ka kinabukasan
Wag mong sabihing di kita binalaan

Landian lang bawal ang seryoso
Dahil gutay-gutay na ang aking puso
Galing sa pag-ibig na akala ko totoo
Seryoso ako pero siya landian lang

Modernong pag-ibig ko’y subukan
Para iwas drama at di masaktan
Hindi bawal ang panandalian
Sinong may sabing dapat may sumpaan

Sa loob ako pa rin naniniwala
Wagas na pag-ibig ay makikita
Pero ngayon di ko kailangan
Gusto ko ay walang kahulugan

Landian lang bawal ang seryoso
Wag lang umasa na magtatagal to
Minsan lang oy, mag-enjoy lang tayo
Walang control, walang plano, walang preno

Landian lang bawal ang seryoso
Dahil gutay-gutay na ang aking puso
Galing sa pag-ibig na akala ko totoo
Seryoso ako pero siya landian lang

Galling sa pag-ibig na akala ko totoo
Seryoso ako pero sya landian lang