Pinoy Radio Here:

Gloc-9 ft. Jazz Nicolas - Tawid Lyrics

Lagi mong tatandaan
Kahit na sino ka man
Kahit na saan pa man
Ang iyong pinagmulan
Dapat panindigan mo
Ang tinutungtungan mo
Tandaan mo ayaw man o gusto
Itatawid ko ang laban mo / pangarap mo

Sakin ay walang bilib di sila naniniwala
Yan lang ang bukambibig nakataob man o tihaya
Sa lugar naming na tila ba kay hirap ang mangarap
Masamang hangin lamang ang lagi mong nasasagap
Sa mukha madumi, basura sa tabi
Kasaganaa’y parang mailap na tutubi
Napakadalang makita mas lalo pa kung hulihin
Tatawid lang sa may guhit na lupa ay hahabulin
Ka ng mga kamay na hihila sayo pababa
Ang may-ari kakilala mo pa yan ang malala
Wag kang magpapaapekto iwasang matulala
Bilisan mong tumakbo titigan ang kabila
Kahit ano pang humarang kaya mong malampasan
Di ka magpapahagip, tatalon, lalakdangan
Ikaw lang ang may alam lagi mong tatandaan
Kahit pa talo ang tawag sayo hindi ka talunan

Gloc-9 - Payag Lyrics

Laging tanong sa akin ng iba
Bakit ka ba naniniwala sa kanya?
Di ko alam, ganun lang talaga
Kung bakit, bakit pumapayag ako

Matatamis na mga salita
Parang latik na di niluto sa gata
Kilala mo pero ibang mukha
Bakit? Bakit pumapayag ako?

Halina sa lugar na kung saan
masaya ang lahat ng mga kawatan
At kahit di totoo ang kanyang sinasabi,
lagi siyang pinakikinggan

Walang pakialam sa salitang ilan,
kahit gaano kamahal ang pinagbilhan
At kahit na dinoktor ang lahat ng detalye,
lagi siyang napagbibigyan

Yan ang tanong sa akin ng iba
Bakit ka ba naniniwala sa kanya?
Di ko alam, ganun lang talaga
Bakit? Bakit pumapayag ako?

Matatamis na mga salita
Parang latik na di niluto sa gata
Kilala mo pero ibang mukha
Bakit? Bakit pumapayag ako?

Sa mga kasinungalingan mo
Kahit sinabi mong ika'y magbabago
Yan lang ang pinanghahawakan ko
Bakit? Bakit pumapayag ako?

Nasan na ang mga pangako mo?
Parang bula, bigla na lang naglalaho
Minsa'y parang kasalanan ko
Dahil, dahil pumapayag ako
Dahil pumapayag ako

Oras na para gumising ka
Ba't di mo subukang buksan ang iyong mga mata?
Kung ayaw nilang tumalon, ba't di ka mauna?
Sige, subukan mo lang na walang kakaba-kaba

Kung ito ang simula ng wikas
Isa-isa mong burahin ang mga bakas
Bago pa matuyo ang lahat ng katas
At tuluyang mabaliko ang lahat ng batas sa Pinas (sa Pinas)

Ano ang iyong pananaw sa lahat ng mga nangyayari sa Mindanao?
Kapit lang, kapatid, 'wag kang bibitaw
Hanggang sa apat-naput-apat na beses lumitaw
Ang katotohanan, wag labanan, tinabunan, ipaglaban
Kaawaan ang ating bayan nang malaman natin ang sagot sa

Laging tanong sa akin ng iba
Bakit ka ba naniniwala sa kanya?
Di ko alam, ganun lang talaga
Bakit? Bakit pumapayag ako?

Matatamis na mga salita
Parang latik na di niluto sa gata
Kilala mo pero ibang mukha
Bakit? Bakit pumapayag ako?
Bakit pumapayag ako?
Bakit pumapayag ako?

Gloc-9 featuring Monty Macalino - Sagwan Lyrics

Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung ito’y babalik sayo

Marami beses man lumisan pa sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin
Makakapigil pa makita lang kita

Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halinat kilalanin mo ako
man ay pasalinsalin
Parang ihip ng hangin
Kailangang unawain nyo ako

Si Domingo Evagelista ako’y nanggaling pa probinsya
Lumuwas don sa maynila baka sakali lang kumita
Ng pang gastos sa bawat araw nangangarap na balang araw
Mag sagwan sa malaking bangka ang tawag ay barko
Taga hugas ng pinggan pagkatapos ligpitin ang pinagkainan
Uniporme ko puti na palagi madume huwag nyo na tignan inyo pakinggan
Ang kwento ng bawat tao sa dagat pa lutang lutang sa tubig alat
Makapag trabaho ang tanging balak
Para sa pamilya handang sumabak ang mga

Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halinat kilalanin mo ako
man ay pasalinsalin
Parang ihip ng hangin
Kailangang unawain nyo ako

Akoy mang-aawit sa barko pag gabi tawag sa akin ay Rey
Pero pangalan ko ay Reni sunud-sunod ang mga tip
Kaya laging may pangbili kahit ano kakantahin
Basta malakas ang tili kapag bumirit kinikilig lahat ng kababaihan
Oo ang sagot kahit hindi ko pa nililigawan
Halo-halong pabango na ang kumapit sa unan
Hindi na mabilang kaya ngayon may karamdaman

Ako naman si Tonio ang kanang kamay ng kapitan
Asensado na tila ba walang mapaglagyan ng salapi
Pag-uwe mahirap mag ngiti parang mali
Ang tubo ng mga iniwang kong binhi na lulong sa bisyo at
Tumigil na sa pag-aaral palaging naka ngiti ang kilos ay tila mabagal
Ang mahal ko asawa tangay ang lahat ng takal
Karangyaan pa pala ang syang dahilan ng sagabal sa buhay

Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung ito’y babalik sayo
Marami beses man lumisan pa sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin
Makakapigil pa makita lang kita

Napunasan ko na po ang kahuli-hulihang plato
Nalinisan ko na din at mabango na mga banyo
Habang nagpapahinga at mag-isa sa aking kwarto
Paulit-ulit ko sinasabi ang aking pangako
Sa aking pamilya at mga anak asawang na iwan sa Pilipinas
Nakakaiyak man di binitawan larawan nyo khit pa nasusuka na ako sa alon
Ang inyong kinabukasan ang syang tanging ko baon at ng lumaon ay makauwe sabay na umahon
Sa kahirapan na bahagi na lamang ng kahapon
Pero sanay maintindihan upang muling masindihan natin ang kalan at ng malagyan ang hapagkainan
Lalayo muli dadaong sa ibang bayan kahit madalas ay dagat lang ang nasisilayan
Sampu ng mga kababayan ko tinitibayan pag-asa tangan-tangan na sing tibay ng kawayan

Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung itoy babalik sayo
Marami beses man lumisan pa sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin
Makakapigil pa makita lang kita

Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halinat kilalanin mo ako
man ay pasalin-salin
Parang ihip ng hangin
Kailangan unawain nyo ako

Gloc-9 featuring KZ Tandingan - Industriya Lyrics

Chorus:
Mga pangarap na hinahanap ay abo’t kamay mo na
Pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pag-sikat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Do’n sa’min
Sisikat ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (malapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Yayaman ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Pakinggan mo (dahil dahil)
Ang mga kwento ng industriya

pare tignan mo sisikat din ako (di nga?)

Ito ay ang mga kaganapan sa buhay
Ng isang tao sa mundo na iba’t iba ang kulay
Ilaw na patay-sindi kahit na hindi gabi
Malalakas na tugtugin na nakakabingi

Pero ito ang dinasal ito ang hinagilap
Kapalit ng pag-aaral kahit tila mahirap
Habulin, hulihin, lunurin, baguhin ang sarili
Matulin -tuling bunutin pag natibo ka ng bote

Sa paa dapat lagi kang nakatapak sa lupa
Kahit na alam mong ang puhunan mo’y dugo at luha
Meron kang dala-dalang ‘di alam ng iba
Lamunin man ng kaba in-ensayo mo na

At hinding-hindi ka papayag na ‘di mo maabot
Kahit ulitin pa’ng iyong layag laot na mahamog
Madilim at malayo maalon na daan
Kahit na ano pa ‘yan ay kanyang lalampasan

Chorus:
Mga pangarap na hinahanap ay abo’t kamay mo na
Pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pag-sikat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Do’n sa’min
Sisikat ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (malapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Yayaman ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Pakinggan mo (dahil dahil)
Ang mga kwento ng industriya

oy si idol! (mayabang naman yan e)

Liwanag na nakakasilaw (silaw) di mula sa araw (araw)
Palakpakan at pangalan mo ang nangingibabaw (baw)
Sigawan ng mga tao kahit saan magpunta
Ikaw lang ang gusto nila at wala ng iba

Kahit ano iyong gawin ay kanilang bibilhin
Makita lang ang kinang ng iyong bituwin
Sa bilis ng pangyayari hindo mo namalayan
Bagong bahay, lote, kotse lupa’t kayamanan

Ang nasa iyong kamay na gustong kamayan
Ng lahat kaibigan na hindi mo na bilang
Palaging naka-akbay gusto kang sabayan
Sa daan papayongan ka kapag umuulan

Ika’y na-wili at tila ba nalasing ka sa lahat
Ng mali kasi alam mo na ikaw lang ang sikat
Sa layo ng narating di mo nakita ang hinanap
Sa dami ng ‘yong hawak naging bangungot ang

Chorus:
Mga pangarap na hinahanap ay abo’t kamay mo na
Pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pag-sikat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Do’n sa’min
Sisikat ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (malapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Yayaman ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Pakinggan mo (dahil, dahil)
Ang mga kwento ng industriya

Uy kilala mo ba yun(Oo laos na yan eh)

Panahon ay dumaan naging pangilan-ilan
Ang pagsampa ng entablado nakalimutan
Ang mag awit na inawit malalakas na hiyaw
Bakanteng upunan ang nakikinig lang ay ikaw

Sa isang iglap tila wala ng nakakakilala
Di Mo matanggap kasi wala ng nakaka-alala
Dumating ang tag-tuyot ng walang kamalay-malay
Malungkot dahil hindi ka nagtatabi ng palay

No’ng sagana sa lahat madami kang kaibigan
Na akala mo ay hinding-hindi ka tatalikuran
Iyong napag-alaman ng ika’y mapag-iwanan
Matapos ang lahat ikaw ang pinagtatawanan

Dahil na-wili at tila ba nalasing ka sa lahat
Ng mali ngayon alam mo na hindi ka na sikat
Ang layo ng narating di mo nakita ang hinanap
Humawak ka dahil pwede pang mabawi ang

Chorus:
Mga pangarap na hinahanap ay abo’t kamay mo na
Pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pag-sikat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Do’n sa’min
Sisikat ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (malapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Yayaman ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Pakinggan mo (dahil, dahil)
Ang mga kwento ng industriya

Gloc-9 - Sukli Lyrics

kahit na akoy isang datihan
na galon-galong pinapawisan
mananatili pa ring isang baguhan
kahit gaano kalayo ay mararating
kasya pa ang aking sukli
kasya pa ang aking sukli
kasya pa ang aking sukli

mula pa noon ay sinimulan ko ng gumapang
hanggang ngayon ay nakahanda akong lumaban
lahat ng tanong, mga sagot aking hahanapan
bawat taon nilakad at dinaanan
kahit maputikan ang aking sapatos na pinagipunan ng hirap at pagod
sa pag-tawid sa tulay na walang gabay
sugat sa kamay, bawal ang aray kahit mamatay
at gutay gutay pa
gusto ko lamang sa-bahin ay di mada-li
ang mga kailangan kong danasin pa-ra
lang maabot ang mga kailangan ng aking mga supling
Bagamat mailap ang pagkakataon, pinag kasya ko ang sukling
Sakin ay inabot, inunat ang baluktot bakit tadhana ay malikot
Iwasan ang mayamot kahit na matabunan ka pa ng mga sigalot
Ngunit di ka papayag dahil katapangan mo’y di maikukubli
Kahit na ano pang sabihin ng iba’y kasya pang aking sukli

kahit na akoy isang datihan
na galon-galong pinapawisan
mananatili pa ring isang baguhan
kahit gaano kalayo ay mararating
kasya pa ang aking sukli
kasya pa ang aking sukli
kasya pa ang aking sukli

Labing walong taon kapag nilingon ay parang balon na malalim
Bawal ang mag tapon dapat mag ipon ako ay pison papatagin
Ang lahat ng pikon di makatugon sa mga hamon uulamin
Sa bawat araw na nag daraan ako’y laging nagdarasal, ama namin
Dambuhala man ang naka harang ay di tumitigil di papapigil
Kahit kanino ako’y pursigido na parang baguhan, ako’y nang gigigil
Batang pulibi gutom, bibig ko na di pwedeng mapatikom
Sisiguraduhin ko na iyong maririnig kahit na ito ay pabulong

Mula pa noon, ay sinimulan ko nang gumapang
Hanggang ngayon, ay naka handa akong lumaban
Umaalulong, isa lang ang aking natutunan
Mula ngayon, ikaw ang dapat mong tulungan

Di papagapos sa daloy ng agos kahit na pulaan at laging mamaos sa pag
Sigaw ng sigaw pag naliligaw libag ay ipagpag
Itak mo’y bingaw, bigas ma’y hilaw wag kang bibitaw wag

kahit na akoy isang datihan
na galon-galong pinapawisan
mananatili pa ring isang baguhan
kahit gaano kalayo ay mararating
kasya pa ang aking sukli
kasya pa ang aking sukli
kasya pa ang aking sukli

Gloc-9 - Hoy Lyrics

Medyo mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulet ngunit talagang masaya

Tara na
Hoy, pare dito lang meron yan samin
Hoy, halika dito making ka sakin
May nagsuswimming kahit di malalim
Langoy, bumabagyo ulan na merong hangin
Tuwing may nagluluto pwede kang kumain
Galling, pag may umutot walang umaamin
Hoy, sabit sa jeep salubungin ang hangin
Ako’y taga pinas ang tunay na sa amin

(Medyo) mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulet ngunit talagang masaya

Tara na
Hoy, lahat ay paborito ang balot
Hoy, hindi uso sa amin ang bagot
May mga magnanakaw na palusot
Amoy unggoy lamang ang nakasimangot
Uunatin naming lahat ng gusot
Pwera lamang ang buhok mo na kulot
Ako’y sanay sa basura na gabundok
Ang kasiyahan naming dito ay walang tuldok

(Medyo) mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulet ngunit talagang Masaya

Tara na
Tumatawa sa baha
Ang tuwa’y walang sahig
kahit marami samin ang isang tuka isang kahig
Kahig ba ang tawag don o kahit pa mabaon
Sa utang ay hindi bumababa ang aming talon
Nang sa gayon ay abutin aming mga pangarap
Parang mga bituin tuloy tuloy pa rin ang alab
Sa langit at kahit mahapit man ang masikip na baro
Hagok, batok at dagok kailanmay di maglalaho
Ang pag-asa sa puso, pawis man ay tumulo
Sagasaan man ng dagat, bundok, dagat man ay gumuho
Simple po lamang naman ang tanging sinasabi ko
Aking mga kababayan ang pinakamatibay sa mundo

(Medyo) mahina sige ilakas mo pa
Sa may bintana upang marinig nila
Ang tugtugan para sa mga pinaka
Makukulet ngunit talagang Masaya

Tara na
HOY….!

Gloc-9 ft. Jeazell Grutas - Upuan Lyrics

Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Ganito kasi yan eh...

Verse 1:

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

Chorus:

Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo,
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Verse 2:

Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking ina na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya...

Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata (ooh)
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)

Gloc-9 ft. Denise Barbacena - Dapat Tama Lyrics

[Chorus: Denise Barbacena]
Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot
Sa katanungang harap-harapang iaabot
Sinong pinili? Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama

[Verse: Gloc-9]
Alam natin ang tama, ‘bat di natin ginagawa?
Paulit-ulit nalang na ito ang bagong simula
Simula ng simula bakit walang natatapos?
Atras abante lagi, pudpod na swelas ng sapatos
Ilang beses nangako, ilang beses napako
‘Bat di natin subukan at tulungan at umako
Bumahagi sa bigat na matagal na nating pasan
Pag tayo’y nagsama-sama lahat ay malalampasan
May masmaayos na bukas para sating mga anak
Ang unang hakbang ay piliin ang tamang nakatatak
Na pangalan sa balota wag na tayong magpauto
Na satin ang kapangyarihan pag tayo ang kumibo
Nanggigigil mong itigil ang pag pagsisi sa sutil
Na nasa pwestong di kana kilala kapag siningil
Sa lahat ng kanyang pangakong patagal ng patagal
Kung di tayo kumbinsido wag na nating ihalal

[Denise Barbacena:]
Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot
Sa katanungang harap-harapang iaabot
Sinong pinili? Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama
(Sa isip at sa salita)
Dapat tama
(Lalong lalo na sa gawa)
Dapat tama…
(Sama-sama nating itama ang mali)
Dapat tama
(Nang ang bayan natin makabangon muli)

Dapat tama
(Sa isip at sa salita)
Dapat tama
(Lalong lalo na sa gawa)
Dapat tama…
(Sama-sama nating itama ang mali)
Dapat tama (Nang ang bayan natin makabangon muli) DAPAT TAMA!

[Gloc-9:]
Itama natin ang gabay, wag na tayong mag reklamo
Itaas ang kamay ng gusto ng pag-asenso
Balikat na magkaakbay hindi tayo susuko
Malakas na boses sabay-sabay mangako
Itama natin ang gabay, wag na tayong mag reklamo
Itaas ang kamay ng gusto ng pag-asenso
Balikat na magkaakbay hindi tayo susuko
Malakas na boses sabay-sabay mangako

[Verse: Gloc-9]
Kung walang magpapaloko,
Wala nang mangloloko
Ang mga bontanteng Pilipino ay di mga bobo
Lumiyab pag madilim, ituwid ang tiwali
Di ganon kasimple to, di kailangang magmadali
Ang tiwalang inagaw sa tao ng maneng-mane
Kahit saan natin pilitin at tigna’y maling-mali
Umahon sa kahirapan, at lumangoy sa kumunoy
Kahit ano pang iharang at tumuloy ng tumuloy
Pagdating ng eleksyon ito ang dapat na panata
Isulat ang kung sino ang talagang sa tingin mo’y tama
At sa araw na napakabihira lang dumaan
Dapat sa may katuturan, wag kang mag-aalangan
Na hawakan ang lubid na siyang nagsisilbing tulay
Gisingin natin ang tulog, tuloy tuloy na mag-ingay
Nang malaman ng lahat sumugaw sabay-sabay
Kinabukasan ng bayan ay na sating mga kamay

[Denise Barbacena:]
Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot
Sa katanungang harap-harapang iaabot
Sinong pinili? Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama
(Sa isip at sa salita)
Dapat tama
(Lalong lalo na sa gawa)
Dapat tama…
(Sama-sama nating itama ang mali)
Dapat tama
(Nang ang bayan natin makabangon muli)

Dapat tama
(Sa isip at sa salita)
Dapat tama
(Lalong lalo na sa gawa)
Dapat tama…
(Sama-sama nating itama ang mali)
Dapat tama
(Nang ang bayan natin makabangon muli)
DAPAT TAMA!

Gloc-9 featuring Yosha - Kalye Lyrics

Nalimutan mo na ba
Ang lahat nang nangyare
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng sinabi
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye

Iba’t Ibang tao, Iba’t Ibang araw
Ang aking nakikita at syang nakakaulayaw
Simula sa pagsikat hanggang sa pagpanaw ng liwanag
At hanggang sa muli pa nyang pagdalaw
Sari sari ang mga naglalakbay at dumaraan
Kahit na ika’y nakasakay o kapapara lang
Para lang bulong ng hangin na tuloy tuloy
Mabaho man o mabango palagi mong maaamoy
Usad na di palangoy tawa man o panaghoy
Lahat tayo’y mababasa o mapapaso sa apoy
Dahil ako ang syang daan kahit buo kong
pangalan ay kinatatamarang
Sambiting madiin marating tawirin tiisin
Kung ayaw mo sa’kin sige piliin kung alin
Naaalala mo ba ang mga storya ng kalsada
Pihitin pabalik ang kabanata ng pahina

Nalimutan mo na ba
Kung ilan ang sumali
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Ang lahat nang nangyare
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye

Aling Celia ang pangalan
Lumuwas papuntang Quiapo
Sumakay ng bus sa may Cubao nang may dumapo
Daw na paro paro sa balikat yun ang akala
Inipong pera’y nawala kasama ng pitaka
Sya si Melody pauwi na galing pang Estrella
Inabot ng hating gabi proyekto sa eskwela
Kailangang tumawid sa eskinita sa Manuela
Sa kasamaang palad di na nakita ang dalaga
Madilim kasuluksulukan sa Boni
Di na nagugutom ang batang lansangan na si Rolly
Pero di sya nabusog sa tinapay o pansit
Manhid lamang dahil sumisinghot sya ng pandikit
Napiit kahit na di ito Selda Bilibid
Araw araw napakaraming tao ang naiipit
Yang lamang ang ilan sa mga storya ng kalsada
Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata

Nalimutan mo na ba
Ang lahat nang nangyare
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng sinabi
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye

Galit reklamo angal asar
Init pahid pawis dasal
Tila di marating ang tinatanaw na lugar
Napakabagal ng pag usad parang lakad sa kasal
Pero minsan ang daan na ito’y nagsilbing
kasagutan Sa milyong milyong hinihinging hiling
Malakas na narinig bulong na nakakabinging
Hinaing na gumising sa ginigising na gising
Pinatunayan sa mundo na totoo ang pagkakaisa at
Mas makapangyarihan ang awa’t malasakit sa
Kapwa laban sa baril o kahit na tangke
At tapang na katulad na pinagsama samang kape
Ang kadilimay napukaw ng bulaklak na sandata
Dahil mas tumatagos ang pagmamahal kesa bala
Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata
At huwag mong kalimutan ang storya ng kalsada

Nalimutan mo na ba
Ang lahat ng sinabi
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba
Kung ilan ang sumali
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye

Nalimutan mo na ba
Ang tunay na mensahe
Nalimutan mo na ba
Ang kwento ng kalye

Gloc-9 - Pareho Tayo Lyrics

Aalalayan
Tuwing walang makakapitan
Di hahayaan, hindi ka kakaligtaan
Nasa kamay mo, bakas ng pawis at trabaho
Iyong lakas at kahinaan
Alam mo yan
Pareho tayo

Mahal na bigas
Utang sa tindahan
Mahabang listahan na di mo pa nababayaran
Tapos pila pa sa bus, tricycle at jeep
O kaya naman sa tren, laging nakakainip
Upang magkaroon ng buhay na marangal
At mahawakan na ang kasagutan ng mga dasal
Na makatapos sa eskwela, hanggang kolehiyo
Makapagpagamot ng di prebilehiyo
Hindi hiningi, hindi binigay
Dahil dinadaan ko'y ang kanyang nilakbay
Sa kahirapan ng buhay, lagi mong kaakbay
Tungo sa kaunlaran, tatawid sa tulay
Sabay nating iangat, kahit gano kabigat
Ang pagkatao'y di nasusukat sa kulay ng balat
Dahil dinig ko ang lahat ng inyong hinaing
Hawakan mo aking kamay dahil ako'y ikaw rin

Aalalayan
Tuwing walang makakapitan
Di hahayaan, hindi ka kakaligtaan
Nasa kamay mo, bakas ng pawis at trabaho
Iyong lakas at kahinaan
Alam mo yan
Pareho tayo

Kapag nagtulong-tulong, lahat magagawa
Hanggang pinapangarap mo'y mapapala
Kahit gano kalayo, ating aabutin
Ako'y laging kasama mo dahil alam ko'y ikaw rin

Mainit
Sumingit sa buhay na di makulay
Kung laging paulit-ulit, di na masarap ang gulay
Matabang, hanggang saan pa kayang kailangang tiisin
At lahat ay itaya kasi laki sa hirap
Kay sumikap
Mga pangarap
Hinagilap
Karununga'y kanyang kinalap
Pagkakataon ay sinagap
Ang tunay na pagtulong at mabuting hangad
ay mula sa tao na hindi takot mabilad
Ang edukasyon ay para sa lahat
Makapagpagamot kahit na ika'y salat
Sabay nating iangat, kahit gano kabigat
Ang pagkatao'y di nasusukat sa kulay ng balat
Naririnig ko ang lahat ng inyong hinaing
Hawakan mo aking kamay dahil ako'y ikaw rin

Aalalayan
Tuwing walang makakapitan
Di hahayaan, hindi ka kakaligtaan
Nasa kamay mo, bakas ng pawis at trabaho
Iyong lakas at kahinaan
Alam mo yan
Pareho tayo
[x2]

Pareho tayo

Pareho tayo

Gloc-9 & Ebe Dancel - Ang Probinsyano Lyrics

Kami'y Bicolano, Tausug, Davaoeno, Ilocano, Kapampangan, Boholano, Tyabakano, Caviteno, Panggalatok, Bisaya, Rizaleno, Batangueno, Waray, Maranao, Ilonggo at Zamboangeno

Iwasan mong titigan ako pababa
Na parang turo ng mga mababang tuka
Tila di mahalaga kung san ako nagmula
Mali ka dahil yan ay hindi ko ikakahiya

Kahit ako ay probinsyano
Di uurong kahit dehado
Pag sumipat asintado
Dahil ako ay probinsyano

Di aatras, di lulubog, di sumusuko anumang laban
Loob at labas, kahit madulas ay walang takot na lalakaran
Nagmamatigas, kahit marahas ay buong tapang walang alinlangan
Alagad ng batas, na syang tagalutas, na palagi mong maaasahan

Kahit ako ay probinsyano
Di uurong kahit dehado
Pag sumipat asintado
Dahil ako ay probinsyano

Sya ay galing sa probinsya ang isa'y taga-Maynila
Nagsimulang lahat ng may buhay na tumila
Iisang wangis sa pangyayaring pambihira
Kailangang pasanin para lamang di masira
Ang iniwan at sinimulan
Di takot kaninuman
Sa ngalan ng batas lakas ng tawag ay tutugunan
Habulin man ng bala, di nya alintana
Para sa tao na kapareho ng mukha nya
Kakambal, sa kanya sumandal
Kapag binunot mo ang bakal
Samahan mo ng dasal
Dahil di mo masasabi ang daan na tatahakin pag kumilos
Ang gatilyo ng tinggang mula sakin kaya iwasan mong
Titigan ako pababa
Na parang turo ng mga mababang tuka
Tila di mahalaga kung san ako nagmula
Mali ka dahil yan ay hindi ko ikakahiya

Di aatras, di lulubog, di sumusuko anumang laban
Loob at labas, kahit madulas ay walang takot na lalakaran
Nagmamatigas, kahit marahas ay buong tapang walang alinlangan
Alagad ng batas, na syang tagalutas, na palagi mong maaasahan

Kahit ako ay probinsyano
Di uurong kahit dehado
Pag sumipat asintado
Dahil ako ay probinsyano

Kahit ako ay probinsyano
Di uurong kahit dehado
Pag sumipat asintado
Dahil ako ay probinsyano

Erik Santos feat. Gloc-9 - Tandaan Mo 'To Lyrics

Ayaw na kitang bitawan
Hindi ibig sabihin na hindi ko alam
Kung wala na akong laban
Sa kabila ng lahat ng ginawa ko

Pwes! Sabihin mo lang
Para di masayang ang oras mo
Para di maaksaya rin ang boses ko
'Di ko kaya namang manalo
Kaya di na ako makikipagtalo

Pero! Tandaan mo 'to!
'Pag umalis ka kahit bumalik ka
'Di mo na ako maloloko
Tandaan mo to!

Kung aalis ka, eh di umalis ka
Pero 'di ako maghihintay sayo

(Gloc-9)
Hanap! Butas! Duda! Mura!
Takas! Tagas! Alak! Suka!
Kahit na pilit kitang kinukuha
Parang ako sa'yo ay tila 'di na una

'Wag na natin pang habaan
Sa tagal ng pagsasama hindi mo pa ba alam
Parehas tayong matapang
At kung hindi magbabago ang pasya mo

Pwes! Sabihin mo lang
Para di masayang ang oras mo
Para di maaksaya rin ang boses ko
'Di ko kaya namang manalo
Kaya di na ako makikipagtalo

Pero! Tandaan mo 'to!
'Pag umalis ka kahit bumalik ka
'Di mo na ako maloloko
Tandaan mo to!

Kung aalis ka, eh di umalis ka
Pero 'di ako maghihintay sayo

Binigay ang lahat ng pagmamahal
'Di mo ba naramdaman
Bakit bali binaliwala mo lahat ng pangako mong walang haggan

(Gloc-9)
Nilabas ko ng lahat ng damit mo sa aparador
Dalhin mo na rin ang maalikabok na bentilador
Gusto mo ng kape ito pa ang takure
Kasi gabing gabi ka ng kung umuwe
Napapagod din ako pwede bang humindi
Dahil isang milyong beses na ata sakin ang muli
Hiling ko lang ay iwanan mo ang iyong kumot at unan
'Pagkat halimuyak mo lamang ang nais kong maiwan

Tandaan mo 'to!
'Pag umalis ka kahit bumalik ka
'Di mo na ako maloloko
Tandaan mo to!
Kung aalis ka, eh di umalis ka
Pero 'di ako maghihintay sayo
Tandaan mo 'to!
'Pag umalis ka kahit bumalik ka
'Di mo na ako maloloko
Tandaan mo to!
Kung aalis ka, eh di umalis ka
Pero 'di ako maghihintay sayo.