Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

ALYSSA - Huli Lyrics

VERSE I:
Sa pag-alis, sinta
'Wag sanang mangamba
Dahil pag-ibig ko'y di mawawala
Bitbit ang pangako sa'n man magpunta

VERSE II:
Sa pagkawalay, sinta
Tayo'y mangungulila
Sa haplos ng isa't isa
Pero mahal, tandaan mo na

CHORUS:
Rinig ang bawat sigaw at bulong ng pusong ikaw ang tinatangi
At sa bawat paglubog at pagsibol ng araw, ikaw ang tinatangi
At hindi maitatanggi ang distansya ng dalawang pusong naglapit
Pero tayo,
Tayo pa rin sa huli

VERSE III:
Sa paghihintay
Hindi maiiwasan ang lumbay
Pero ika'y mapalagay
Dahil buong puso ko’y sayo ibinigay

CHORUS:
Rinig ang bawat sigaw at bulong ng pusong ikaw ang tinatangi
At sa bawat paglubog at pagsibol ng araw, ikaw ang tinatangi

BRIDGE:
Kahit wala ka sa'king piling
Paulit-ulit pa ring pipiliin
Sa pag-ibig mo hihimbing
Ang puso kong magdamag nang gising

Malayo man ay malinaw pa rin
Malayo man ay malinaw pa rin
Malayo man ay malinaw pa rin (ay malinaw pa rin)
Malayo man ay malinaw pa rin (ay malinaw pa rin)

CHORUS.
Rinig ang bawat sigaw at bulong ng pusong ikaw ang tinatangi
At sa bawat paglubog at pagsibol ng araw, ikaw ang tinatangi
At hindi maitatanggi ang distansya ng dalawang pusong naglapit
Pero tayo
Pero tayo
Pero tayo
Tayo pa rin sa huli

ALYSSA - Huli (Official Audio)


The official audio of "Huli" by ALYSSA

Composer: Alyssa Janine Cruz
Publisher: O/C Music Publishing
Producers: Alyssa Janine Cruz, Martin Riggs O. Nunez, Kean Cipriano
Arrangers: Alyssa Janine Cruz, Kean Cipriano
Recording Studio: Home Recording
Mixed by: Alyssa Janine Cruz
Mastered by: Neo Recasata
Recorded by: Alyssa Janine Cruz
Extra choir background vocals:
Natun, Raf Bernardino, Jamae Reotan, Guianne Mallare, Albert Raqueño, Romainna Santos, Rau Obispo
Cover art by: Albert Raqueño

ALYSSA is a busker/singer-songwriter whose crafty melodies and lyrics reflect her innate soul and passion—to connect with her listeners and make them feel at home.

Maryzark - Huli Lyrics

Kamusta ka na?
ang tagal na nating walang balita
biruin mo nung naghiwalay tayo
yun pa yata yung huli tayong nagkita
ang dami ko na rin pinagdaanan
ikaw kamusta ang trabaho mo?
ako,eto paraket-raket
palipat-lipat kung kani-kanino
sya nga pala yung tanong mo
bakit ka na naman ba napatawag?
nakita ko kasi yung kwintas na bigay ko sayo
sa ilalim pala ng kama nalaglag
grabe yung away natin nun
kung mag-iyakan tayo sagad-sagad
inabot pa nga ako ng umaga kakahanap sa'yo
kung saan saan ka kasi napadpad

Wag kang mag-alala...
makakalimutan din kita...

Kung kaya't sakaling di na maibalik
Ang isang bagay na walang kapalit
Pilitin mo man na gustuhin
Sadyang di na para sa'tin

Ito ako ,pinaglipasan na ako ng panahon
may anak ka na daw ah, congrats nga pala sa kasal mo nung nakaraang taon
pareho pala yung simbahan yung palagi nating dinadaanan
natawa na lang ako, kasi lagi kitang binibiro noon
na doon sana kita papakasalan

Wag kang mag-alala...
makakalimutan din kita...

Kung kaya't sakaling di na maibalik
Ang isang bagay na walang kapalit
Pilitin mo man na gustuhin
Sadyang di na para sa'tin

Nilalabanan ko naman yung sakit
maraming salamat nga pala sa pangangamusta
sabi ng mga doktor pilitin mo
siguro kayang-kaya
nung mga nakaraan lang
Parang ang hirap hirap ng huminga
Parang bawat paghinga mo
pinipilit mo na
napipigilan pa...

Hanggang may alaalang nagkukubli
At may luha sa likod ng ngiti
Sanayin mo mang di pansinin nagpapaalam satin

Kung kaya't sakaling di na maibalik
Ang isang bagay na walang kapalit
Pilitin mo man na gustuhin
Sadyang di na para sa'tin
Hanggang may alaalang nagkukubli
At may luha sa likod ng ngiti
Sanayin mo mang di pansinin nagpapaalam satin