Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Jelo Tiquia - Internship Syndrome Lyrics

1
Mam, ano ang pangalan mo?
Saan ang eskwela mo?
Matagal ka na bang nandito?
Kilala mo ba si sir Rico?
Siya ba yung CS mo?
Maliit lang ang ating mundo

Pre chorus:
Huwag kang magmadali
Panaho'y maiksi
Minsan lang tayo nandito, ang oras ay sulitin mo
Gusto mang ikubli ang pagtinging natatangi wala kong magawa
Meron ba tayong mapapala...

Chorus:
... kung isang buwan lang ang itatagal nitong damdamin kong hangal
Isang buwan lang magmamahal
Hindi ba pwedeng magtagal

2
Ang sabi nila ay may boyfriend ka na
Ano naman sa akin?
Eh wala ka namang inaamin
Tila may sakit na sa aki'y kumapit
Mahirap gamutin
Mahirap kang limutin

Repeat chorus 2x

Baka 'tong January
O 'tong February lang
O baka hanggan March?
Hindi ko alam kung pwede bang magextend
Pwede bang magextend? (5x)
Pwede ba? Pwede ba?