Pinoy Radio Here:

Erik Vargas - Itulak Natin Ang Umaga Lyrics

Nung kailan pa akong natutong magmahal
Ngayon ka pa napuno saking pangungulit
Sabi nila wag kang umasa sa wala
Hayaan lang at kusang may dumarating

Ohhh lumapit ka, at yakapin mo akong mahigpit
Ilang ulit na natin tong pinag-usapan
Handa ko nang tuparin
Palapit na ang dilim

Kaya’t mahal, wag kang mag-alala
Paniwalaan mo
Yang puso mong nasubukan na ng panahon
Di ako nagkakamali
At sandali na lang
Mukhang babagsak ang ulan ngayong gabi
Hahayaan ko bang tayo’y magdusa
Ipunin ang mga tala
Sabay itulak natin ang umaga

Nahihirapan ka bang makatulog tuwing gabi
Napupuno ang isip sa mga pinagsisihan
Ang puso mo ngayo’y napakahigpit
Itapon mo na ang mga mapait na nakaraan

Ohhh umiibg ka, at samahan mo ako sa langit
Sabi nila wag kang umasa sa wala
Di ba nila naririnig
Mga tibok na kay sabik

Kaya’t mahal, wag kang mag-alala
Paniwalaan mo
Yang puso mong nasubukan na ng panahon
Di ako nagkakamali
At sandali na lang
Mukhang babagsak ang ulan ngayong gabi
Hahayaan ko bang tayo’y magdusa
Ipunin ang mga tala
Sabay itulak natin ang umaga