Pinoy Radio Here:

Jamie Rivera - Disyembre Na Naman Lyrics

Disyembre na naman
Panahon ng pagdiriwang
Parol ay ilabas at isabit na’ng mga medyas
Kahit wala ng regalo sa dakilang araw na ito
Iisa ang nais ko sa araw ng pasko
Ang laging magkasalo tayo

Sa araw ng pasko ay papasyal ko kayo
Sa bahay ng ninang at hihingi ng aginaldo
Sa simbaha’y magdarasal, magpasalamat sa maykapal
Sa araw na ito sinilang sa mundo
Si Jesus na hari nating totoo

Disyembre na naman
Alitan ay kalimutan
Kung may’ron mang nagawa, pasensya na di sinasadya
Ihanda na’ng camera at tawagin na si lola
Habang nagkakantahan
Regalo mo sa aki’y bubuksan

Sa araw ng pasko ay papasyal ko kayo
Sa bahay ng ninang at hihingi ng aginaldo
Sa simbaha’y magdarasal, magpasalamat sa maykapal
Sa araw na ito sinilang sa mundo
Si Jesus na hari nating totoo
(Repeat)

Si Jesus na hari nating totoo…

Jamie Rivera - Pag-isipan Mo Ang Boto Mo Lyrics

Nalilito ako, kung sinong pipiliin ko
Kung sinong iboboto, sa darating na mayo
Lahat ng kandidato, kanya kanyang pangako
Tayo ay umaasang di to mapako

Nalilito ako, kung sinong totoo
Kung sinong maka-tao, at tunay na Pilipino
Mahal natin ang bansa, di dapat ipaubaya
Sa taong di lubos ang pang-unawa sa kapwa

Chorus:
Pag-isipan mo at magdasal tayo
Kung sino ang dapat at kung sino ang tapat
Yung hindi niya sasaktan, ating inang bayan
Nagmamahal ng wagas, sa baying Pilipinas

Ang Pilipino sa bawat sulok ng mundo
Ay umaasa sa panibagong umaga
Nasa ating palad ang kinabukasan
Gamitin natin ng tama ang ating kapalaran

Bridge:
Ako’y naniniwalang Diyos ang magluluklok
Sa pangulong haharap sa lahat ng pagsubok

Patrisha Samson - Mahal Naman Kita Lyrics

Talaga yatang wala nang pag-asa
Upang ako'y iyong piliin pa
Pa'no mangyayari gayong ako'y 'di mo pansin
Pa'no mo malalaman sa 'yo'y may pagtingin

Lagi na lamang sa 'king isipan
Sana ito'y iyong maramdaman
Masabi ko na sana na minamahal kita
Do'n mo lang malalaman pag-ibig ko'y hanggang

Chorus
Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba
Ngunit 'di bale na kahit mahal mo siya
Mahal naman kita

Kung totoong lahat ng 'yan
Sana ako'y nangangarap na lang
Masayang man, 'yan ay pangarap lamang
'Di naman ako gaanong masasaktan

[Repeat chorus]


Pa'no mangyayari gayong ako'y 'di mo pansin
'Di mo ba nalalaman pag-ibig ko'y hanggang

Chorus
Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba
Ngunit 'di bale na kahit mahal mo siya
Mahal naman kita

Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa (ooh)
Bakit may mahal ka nang iba
Ngunit 'di bale na kahit mahal mo siya
Mahal naman kita
Mahal naman kita


A song popularized by Ms.Jaime Rivera