Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Jolina Magdangal - Will Of The Wind (Official Lyric Video)


WILL OF THE WIND
Performed by Jolina Magdangal
Composed by Greg W. Barnhill/James Photoglo
Published by Warner/Chappel Music Philippines-MCA Universal Music Publishing

Jolina Magdangal - Sa Panaginip Lang Lyrics

Sa dami dami na nangyari na sa buhay kong ito
Hindi ko pa naramdaman ang nararamdaman ko ngayon
Sa dami dami na nagsabi na mahal nila ako
Bakit parang sa’yo lamang tumitibok ang aking puso

Hindi naman ako tanga
Alam ko nga walang mapapala
Hindi tayo bagay sa isa’t-isa

Sa panaginip tayo ay magkasama
Bakit ba ganyan?
Di ko sinasadya naman
Sa panaginip tayo ay magkayakap
Hindi ko na alam
Hanggang sa panaginip lang

Hindi na yata maaari pa magkaroon ng panahon
Upang magawan ito ng paraan para mapalapit ako sayo
Hindi na dapat nangangarap pa diyan sa pag-ibig mo
Langit ka kasi, lupa lang ako bakit hindi pa rin ako natututo

Hindi naman ako tanga
Alam ko nga walang mapapala
Hindi tayo bagay sa isa’t-isa
(Ngunit bakit ba?)

Sa panaginip tayo ay magkasama
Bakit ba ganyan?
Di ko sinasadya naman
Sa panaginip tayo ay magkayakap
Hindi ko na alam
Hanggang sa panaginip lang

Yan na ba ang nais ko?
Ikaw ba ang mahal ko?
Bakit biglang nalilito ang isip ko?

Ngayong alam na alam ko na
Sakit lang sa puso ko
Ang makukuha ko sa’yo
Eh ‘di bakit ba…

Sa panaginip tayo ay magkasama
Bakit ba ganyan?
Di ko sinasadya naman
Sa panaginip tayo ay magkayakap
Hindi ko na alam

Hanggang sa panaginip lang ba talaga yan?

Jolina Magdangal - Tama Lang Lyrics

‘Di mahirap, ’di mayaman. ‘Di kapangitan, ’di kagandahan.

‘Di matanda, ’di rin bata. ‘Di kumplikado, ’di ordinaryo.

Chorus: Kung papalarin na maging tayo. Tunay bang umibig, handa bang mabigo? Ang mahalin mong minsan kahit ‘di kailanman. Para sa'kin ay tama lang.

Ang ’di malakas at ang ‘di mahina. Pagtatagpuin ba ng tadhana?

Di ga'nong labis, ’di ga'nong kulang. Ang ikaw at ako'y sadyang tama lang.

Chorus: Kung papalarin na maging tayo. Tunay bang umibig, handa bang mabigo? Ang mahalin mong minsan kahit ‘di kailanman. Tama lang na tama lang.

‘Di simula, at ’di wakas. ‘Di man ngayon, maaring bukas.

Matutupad ang 'sang pangarap. Matatanggap ang aking lahat.

Kung papalarin na maging tayo. Tunay bang umibig, handa bang mabigo? Ang mahalin mong minsan kahit ’di kailanman. Ang tayo ay tama lang. Tama lang ang tama lang.

Jolina Magdangal - Ikaw Ba'Yon Lyrics

Walang hanggan ay nasaan
Pag-ibig pa ba ay nariyan
May minahal ako
Ikaw nga ba iyon

Ikaw ba ‘yon
Sinabihan nang mahal kita
At nangako na walang iba
Ikaw lang nag-iisa

Ikaw nga ‘yon
Sumumpa na tayo lang dalawa
Na sa hirap man o ginhawa
Ikaw ako magsasama

Bakit ngayon
Parang may nag iba
Puso’y mayroong binubulong
Ang isip ay kayraming tanong
Napagod ba puso sa pagsinta
Walang hanggan ay nasaan
Pag-ibig pa ba ay nariyan
May minahal ako
Ikaw nga ba iyon?

Nagtataka
Kahit laging kapiling ka
Iba na itong nadarama
Paano na, paano ka

Dahil ngayon
Parang may nag iba
Puso’y mayroong binubulong
Ang isip ay kayraming tanong
Napagod ba puso sa pagsinta
Walang hanggan ay nasaan
Pag-ibig pa ba ay nariyan
May minahal ako
Ikaw nga ba iyon?

Walang hanggan ay nasaan
Pag-ibig pa ba ay nariyan
May minahal ako
Ikaw nga ba iyon?

Ikaw nga ba iyon?