Pinoy Radio Here:

Curse One - Kailangan Kita Lyrics

Di ko alam kung anu ako kapag ikaw ay wala sa piling ko oh oh oh..
Kailangan kita, kailangan ka ng puso ko
Sana ay di mo lisanin at pabayaan na nag-iisa
Di sating mundo sana ay mawala na ang pangangamba
Sabihin mong mahal mo din ako at kalian ma’y sakin hinding hindi ka lalayo
Dahil hindi ko kakayanin kapag ika’y nawala sakin sinta
Ako’y alipin ng pagmamahal mo, lahat ay gagawin ko para sayo
Oh kamahalan ko

Kailangan kita sa buhay ko
Ikaw ang mahal at nag-iisa ka lamang sa puso ko
Napakahaba man ng daan sa dulo ay ikaw pa rin at ako
Sana ay wag kang bumitaw, sana’y wag mo kong iiwan
Oh mahal ko

Walang sinuman ang papalit sayo sa mga pinaramdam mo sakin
Pag ibig na wagas walang makakatumbas, salamat sayo
Sana ay hindi ka magbago, dahil ikaw lang ang gusto ko makasama
Sa mga bukas na darating ngunit alam kong marami pang haharapin
Anumang problema’y kakayanin nating dalawa basta nandyan ka
Lahat ay makakaya, sa lambing at yakap mo, ang isip koy napapayapa
Gumagaan itong nadarama, dahil sayo

Kailangan kita sa buhay ko
Ikaw ang mahal at nag-iisa ka lamang sa puso ko
Napakahaba man ng daan sa dulo ay ikaw pa rin at ako
Sana ay wag kang bumitaw, sana’y wag mo kong iiwan
Oh mahal ko


Ikaw ang dahilan kung bakit bumabangon
Ikaw ang umakay sakin nung ako ay nadapa
Ikaw ang nagtulak sakin upang magawa
Ko ang mga bagay na akala ko ay imposible
Ikaw ang inspirasyon sa awiting puno ng dedikasyon
Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko
Biyaya ng langit ang isang katulad mo
Di ko lang masabi sayo ng harapan
Dahil baka pagtawanan mo pero ganun pa man
Totoo ang lahat ng ito