Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Badang - Kala Ko'y Langit Lyrics

Nung nanliligaw pa lang lubos ang aking kasiyahan
Isa lang ang pangarap ika’y maging kasintahan
At wala akong hinahangad kundi ang yong kaligayahan
Kahit gano to kahirap basta aking makayanan
Dahil mahal kita kaya ako ay nag-ipon
Magandang kinabukasan sayo ko maituon
At labis akong nagsikap para sayo’y maibigay
Ang luho mo sa buhay at sa iba’y makasabay
Kahit di ko na kaya gagawin ko para sayo
Kahit ako ay masaid mabutas man ang bulsa ko
Dahil ang importante sakin ang kaligayahan mo
Na laging una at in sa mga kaibigan mo
Pero kasalanan ko yata na kinukunsinte ka
Iba ka na ngayon na dati inosente ka
At nagpahaging ka sa akin kaya mo na mag-isa
At kaya mo rin tumayo sa sarili mong paa

Kala ko’y langit ang yong pag-ibig yun tila ba’y impyerno lang
Pasakit at galit puso na ganid yun pagmamahal ay sa pera lang
Di ko mawari anu ba nangyari bakit ka nagkaganyan
Wala akong masabi tiklop aking labi at ako’y nasasaktan

Kaya naging abusado ka hindi na makuntento
Kung anu ang nasa iba gusto lagi ay kumpleto
At kapag wala ako ang gusto di maibigay
Hahamunin mo pa ko na tayo ay magkahiwalay
Mapapaluha na lang dahil ang puso ko’y mahina
Uunawain na lang kahit ginagawa’y mali na
Dahil mahal kita kaya ako nagtitiis
Kahit laging pagsasama laging puro hinagpis
At ugali mo noon hindi ko na maihambing
Sa ugali mo ngayon dahil di ka na malambing
At laging galit ka sakin pag wala akong pera
Di ka makasama sa tropa mong gimikero’t gimikera
At ika’y napahiya at ikaw ay nagwala
At sa piling ko mahal ilang araw ka nawala
Hindi na kita nakita pangarap ko’y nagiba
Ng masilayang muli may kapiling ka ng iba

Kala ko’y langit ang yong pag-ibig yun tila ba’y impyerno lang
Pasakit at galit puso na ganid yun pagmamahal ay sa pera lang
Di ko mawari anu ba nangyari bakit ka nagkaganyan
Wala akong masabi tiklop aking labi at ako’y nasasaktan

Sinayang mo sinira mo ang mga plano ko sayo
Winasak mo dinurog mo isang pamilyang nais ko
Luha’t pasakit katumbas ng pagmamahal
Pinagtibay ng pagsasama pero bakit binuwal
Ng kasinungalingan mo at huwad na pag-ibig
Dila mo na matamis at puso mo na maligalig
Sumama sa iba para maging huwad na reyna
Pero masaya ka ba sa pag-ibig katapat ay pera

Kala ko’y langit ang yong pag-ibig yun tila ba’y impyerno lang
Pasakit at galit puso na ganid yun pagmamahal ay sa pera lang
Di ko mawari anu ba nangyari bakit ka nagkaganyan
Wala akong masabi tiklop aking labi at ako’y nasasaktan

Kala ko langit dinulot sa akin para sa akin pasakit
Kala ko’y langit…
Kala ko’y langit mahiwagang pag-ibig yun pala’y isang masamang panaginip
Kala ko’y langit…