Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Honcho - Kasalanan Lyrics

Gusto ko ng ibalik ang nakaraan
Pero hindi ko magawa kasi nandyan
Na ang mga kasalanan
Matagal ko ng pinagsisihan
Kasi naman ang dami ng nagbago satin
Nawalan ng buhay ang lahat sa atin
Pano mababalik kung saking kada halik
Balik ulit ang nakaraan

Ang dami ng kasalanan
Marami na ring nagawang kamalian
Pero di ibig sabihin non ako’y nanlamig
Baka lang nalilito pero babalik
Wag kang mag-alala
Dahil sakin iba ka
Ikaw ang pinangarap ko na makasama pagtanda
Kahit ano ay handa kong gagawin at basta
Ako ay alipin mo lang kahit san tayo mapunta
Yun ang mga pagbawi ko saking pagkamali
Pupunasan ko ang luha dulot ng pagkasawi
Pero di ka na ulet iiyak saking tabi
Pinapangako ko ito na ang huli at

Wag kang mangangambang hindi ko na magagawa sayo
Lahat yun pinagsisihan ngayon susubukan kong maibalik

Gusto ko ng ibalik ang nakaraan
Pero hindi ko magawa kasi nandyan
Na ang mga kasalanan
Matagal ko ng pinagsisihan
Kasi naman ang dami ng nagbago satin
Nawalan ng buhay ang lahat sa atin
Pano mababalik kung saking kada halik
Balik ulit ang nakaraan

Alam kong ang hirap ibalik
Tiwala mo na punit hindi ganon kadali makamit at huli na
Dahil noong ikaw ay sabik hindi ako bumalik
Imbis na manghingi ng tawad ako pa ang galit lumakad
Papalayo hindi maawat
Ngayon ito ang tinatahak, landas nawasak
Kasi baka hindi pumayag at hindi mo tanggapin
Patawad kong at merong dumating kayakap mo
Kaya kapag nakarating tong awit ko
Dito sinulat ang lahat patawarin mo

Sana ay tanggapin
Ako muli sana di ka pa rin
Nagbago sakin ulitin
Na lang natin ang lahat
Pilitin na lang ang dapat nating ibalik

Gusto ko ng ibalik ang nakaraan
Pero hindi ko magawa kasi nandyan
Na ang mga kasalanan
Matagal ko ng pinagsisihan
Kasi naman ang dami ng nagbago satin
Nawalan ng buhay ang lahat sa atin
Pano mababalik kung saking kada halik
Balik ulit ang nakaraan

Honcho - Kasalanan (Official Music Video)


Kasalanan performed by Honcho

Beat Produced by: GC Beats & The Kontrabandz

℗ & © 2022 Ex Battalion Music, a division of Ex Battalion Entertainment.

Slapshock - Kasalanan Lyrics

Pilit kong iwasan
And mundo na sadyang mapaglaro
At pilit kong iwanan
Ang hapdi ng mga nakaraan

Ng ikaw ay nagkalunas
Hindi na ba ito magwawakas
‘Di ko namalayan
Ang bigat ng aking pinapasan
Nabaon na sa lupa
‘Di makabangon ng kusa
Handa ko nang limutin
Mga laro na hindi malampasan

Kasalanan, layuan mo ako (Layuan mo ako)
Kasalanan, layuan mo ako (Layuan mo ako)
Kasalanan

Naghilom ang sugat
Hinihintay na ika’y maramdaman
Handa ko nang himukin
Ayaw ko nang isipin
Ikaw na ba ang araw
Sa’kin ay muling naghihintay

Kasalanan, layuan mo ako (Layuan mo ako)
Kasalanan, layuan mo ako (Layuan mo ako)
Kasalanan

At sa huli nagsisisi
Bawat ganti humahapdi
Ang araw ay naging gabi
Ang langit ang tanging saksi

Kasalanan, layuan mo ako
Kasalanan, layuan mo ako (Layuan mo ako)
Kasalanan
Kasalanan
Kasalanan
Kasalanan
Kasalanan