Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Kemikal Ali x Arbie Won - OTW Na Lyrics

Handog ni Arbie Won, para sayo lang naman
Eto pang-gising sa kaluluwa, masahe sa laman
Tanggapin ng dahan-dahan, ‘di pilitan
Para saan ka man maipit luluwag ang daan
Can’t afford to be late sa mga galaw-galawan
Mula gabi ang hustle hanggang tayo’y maarawan
Mahalaga pa rin ang kumilos kapatid
Pagdating mo dun sa dulo may magandang kapalit
Hindi pangako yan, yan ang riyalidad
Kung ‘di man to natupad, baka di mo sinagad
Malamang tinamad, present status atrasado
Litrato lang ang pwedeng panghawakang kampyonato
Hindi man nagkolehiyo, Recto ang tropeyo
On the way na rin ang mga tseke sa koreo
Maniniwala rin sila sayo Galileo
Payo lang from Ali, Fortun and Panelo

Wag ka namang ma-late, don’t make me wait
Now what’s your ETA? On the way na
Our destination is elevation
DJ-MC session is all the way live

Eto na yon o! ‘Wag ka na munang bumulong
Argumento mo sa web, wag ka na munang tumugon
Be the bigger man kahit ka-height mo lang si Weng-weng
Tiklupan yan pag humampas na sa emblem
Show them results and then lakad palayo
Tapusin mo ang bahay mong pinapatayo
At kung hindi pa alamat wag mo agad ipagkalat
Useless ang kamandag kung wala pang nakagat
Never rest on your laurels, in fact don’t you rest
Pahinga mo na lang ang hashtag na feeling blessed
Better yet just log out and make yourself useful
Uninstall the beauty app, I bet you look youthful
I’m from the true school, that shit don’t get old
Verses after verses that never gets cold
At times we lay low but we never let go
We all the way live, we on the way na po

Kemikal Ali x Arbie Won - OTW Na (Official Music Video)


Video and Music Credits:

Directed by: Bagong Bata
Shot by: Telesforo Kat$ing
Edited by: Teodulo of Corney Eye
Produced by: Uprising Records Philippines

Special thanks to Bamfirerers: LetLet, BoomBoom Pau aka Pakboy ng Valenzuela, LeRon James, Beshie Frieda, Mader of Oragons, Bhosx Dani Mapagmahal
Special thanks to: Amerol Clan
Special thanks to: Boss Dennis and FlipTapsi
Special thanks to: Uprising Pamilya

Lyrics by: Kemikal Ali
Produced by: Arbie Won
Mixed and Mastered by: Juss Rye of Music Colony
Executive Produced by: Anygma
Released under Uprising Records Philippines

Kemikal Ali & Arbie Won - Palong Palo Lyrics

Wag panghinaan ng loob
Kalmado lang kasi maganda ang kutob
Makulay ang istorya at ang buod
Kung malas ka kanina buwenas ang kasunod
Yan! Ay ayon sa mga matanda
Susundin mo ba ang payo ng hindi pumlakda
Choice mo yan! Wag kang padikta
Damputin na ang baraha ikaw puminta
At kung bumungad ay liwanag a ba’y magaling
Tanggapin ng maluwag at yong mahalin
Parang asawa mo na malakas ang dating
Yakapin mo dali! Wag mo lang sakalin
Ops! Maghunos dili ka pa rin
Maging magalang ka kahit di taga gagalangin
Ang pagkakataon iyo nang harapin
Hakbangan mo na agad ang dapat mong hakbangin

Palong palo ka na naman
Ang isip mo! Lumilipad sa kung saan-saan
Palong palo ka na naman
Alam ko yan!
Palong palo ka na naman
Ang sasabihin ko di mo maintindihan
Palong palo ka na naman
Alam ko yan!

Malapit nang umulan
Mababasa ka lang pag di pinaghandaan
Unless bumuhos ay salapi
Mabagsakan ka man ikaw ay nakangiti
Aminin mo ika’y makamundo
Na tulad ko hindi kuntento sa husto
Inanyayahan ang tukso masunod lang ang gusto
Parang pinuno ng kulto
Diyos ko po! Alam kong may pag-asa
Wag lang dadayain ng tadhana ang balasa
Pag nagkaganun mangangamoy sonata
Diskaril, dislocated ang panata
Kung balak ay humilata na lang
At ayaw manakit ang pangangatawan
Wag ka nang umasa ng lubos sa talento
Kung pundasyon matabang sa semento

Palong palo ka na naman
Ang isip mo! Lumilipad sa kung saan-saan
Palong palo ka na naman
Alam ko yan!
Palong palo ka na naman
Ang sasabihin ko di mo maintindihan
Palong palo ka na naman
Alam ko yan!

Maganda ang hinaharap
Bangon agad bakit di pa maggayak
Mukhang wala kang alalahanin
Mukhang matibay ang kapit mo sa bangin
Ako’y bumibilib sa tatag mo
Sana sa tagumpay tayo’y magpanagpo
Sa palasyo mo ako kaya’y patuluyin
Sa mga piling putahe ako ba’y bubusugin
Ito’y makahulugang pagkakataon
Upang umahon sa ating pagkakabaon
At pag nagkagayon at nagtagumpay
Wala ka nang rason na maging matamlay
Kahit walang responde ay masigla
No sudden movements kahit mabigla
Mga batikos ay salong-salo
Wala namang epekto kasi palong palo

Palong palo ka na naman
Ang isip mo! Lumilipad sa kung saan-saan
Palong palo ka na naman
Alam ko yan!
Palong palo ka na naman
Ang sasabihin ko di mo maintindihan
Palong palo ka na naman
Alam ko yan!