Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Kian Dionisio - Babalik Ka Pa Ba Lyrics

Nasaan ka na kaya
Ako kaya ngayon ang nasa isip mo
Hanggang ngayon pa ba’y gulo ang isip
At di maintindihan ang puso

Di ko alam kung ano ba
Ang dapat kong isipin
Nagbago na kaya ang iyong damdamin
Di na ba maibabalik pa ang nakaraan
Paglimot na lang ba ang tanging paraan o

Babalik ka pa ba at aasa pa ba ako
Naghihintay ba sa wala ang puso kong ito
Bibitawan ko na ba ang iniwang pangako
Na babalik kang muli at di na muling lalayo

Masaya ka na kaya
Meron na kayang ibang laman ang puso (Meron na bang iba)
Sa kanya na ba umiikot ang mundo mo
Kaya’t nalimot ang pangako

Di pa rin alam ang dahilan ba’t ito nangyari
Laman ng puso mo’y di mo masabi
Pinipilit kalimutan ngunit di magawa
Nakabitin sa bawat mong salita kung

Babalik ka pa ba at aasa pa ba ako
Naghihintay ba sa wala ang puso kong ito
Bibitawan ko na ba ang iniwang pangako
Na babalik kang muli at di na muling lalayo

Bibitawan ko na ba ang iniwang pangako
Na babalik kang muli at di na muling lalayo

Kian Dionisio - Babalik Ka Pa Ba (Official Lyric Video)


Babalik Ka Pa Ba | Kian Dionisio | Official Lyric Video

GMA Records

Kian Dionisio - Gabi Lyrics

Heto na at gabi na naman
At marahan kang papasok sa aking isipan
At hindi mamamalayan ang marahang
pagpatak ng luha
Saking mga mata nang hindi sinasadya

Heto na't sumisilip na ang buwan
Bawat gabing laging sisimulan na ikay kalimutan
at ang pagiwan sa kahapong di na mababalikan
at hanggang doon na lang di na madudugtungan

Hindi malaman ang aking gagawin
Kung tatakbo o magtatago
Pano ka lilimutin?
O kay liit aking mundo
umiikot pa sayo
Pano ko lalayo?
pano ko tatayo?
Kung pag tuwing gabi di mapakali
at hindi tanggap na wla na nga tayo..

Ang mga bituin ay nagkikinangan na
Pinapalitan ang bawat luha ng ngiti saking mukha
pinipilit na di mahalata upang hindi mapahiya
na hindi ko pa kaya habang ikaw ay masaya


Hindi malaman ang aking gagawin
Kung tatakbo o magtatago
Pano ka lilimutin?
O kay liit aking mundo
umiikot pa sayo
Pano ko lalayo?
pano ko tatayo?
Kung pag tuwing gabi di mapakali
at hindi tanggap na wla na nga tayo..


Oh kay liit aking mundo
umiikot pa sayo......
pano ko lalayo
pano ko tatayo
kung pag tuwing di mapakali
at hindi tanggap na wla na nga tayo..

Kian Dionisio - Ako Na Lang Ulit Lyrics

Akala ko kasi kailangan natin to
Ang mag-isip-isip habang tayo’y magkalayo
Ngunit hindi man lang naisip at di naintindihan
Na mas maayos ang lahat nung ikaw ay nariyan

Kaya ngayo’y nagsisisi sa bawat nasambit
At hiling sa maykapal sana ikaw ay magbalik
Ngunit mayroon na ngang ibang laman ang puso mo
Ngunit sana ay bigyan ng oras para masabi ko
Baka pwedeng…

Ako na lang ulit, ako na lang ulit
Pasensya na kung makulit
Pangakong di na mauulit
Ako na lang ulit, wag ka na sanang magalit
Dahil lahat ay gagawin upang ang puso mo’y mapilit
Dahil ikaw lang talaga at wala ng iba
Kaya’t sige na baka pwede pa
Ako na lang ulit

Bawat luhang pumatak ay hindi ko ginusto
Akala ko’y makakabuti pa ang aking paglayo
Ngunit hirap gumising sa umagang di ka kaharap
At tingnan ang bukas ko na di ikaw ang kayakap
Baka pwedeng…

Ako na lang ulit, ako na lang ulit
Pasensya na kung makulit
Pangakong di na mauulit
Ako na lang ulit, wag ka na sanang magalit
Dahil lahat ay gagawin upang ang puso mo’y mapilit
Dahil ikaw lang talaga at wala ng iba
Kaya’t sige na baka pwede pa
Ako na lang ulit

Ngunit kung mayroon ka nang ibang mahal
Ay hahayaan na kita na lumigaya sa kanya
Ngunit kung may natitirang pagmamahal
Ay wag mo sanang pipigilan
Bat di muling subukan

Baka pwedeng ako na lang ulit, ako na lang ulit
Pasensya na kung makulit
Pangakong di na mauulit
Ako na lang ulit, wag ka na sanang magalit
Dahil lahat ay gagawin upang ang puso mo’y mapilit
Dahil ikaw lang talaga at wala ng iba
Di ka na mag-iisa, di ka na luluha pa
Kaya’t sige nab aka pwede pa
Ako na lang ulit

Ako na lang ulit…

Kian Dionisio - Pa Fall Lyrics

Wag mo kong tititigan na parang meron tayong kinabukasang dalawa
Wag mo kong hahawakan na parang hindi ka bibitaw pa sakin sinta

Hindi kita mapapatawad pag ang puso ko ay nalalaglag
At di mo manlang sinalo’t hinayaang mabasag kaya wag…

Wag mong katokin ang puso na nananahimik kung ikaw ay dadaan lang
Wag mong sayangin ang aking ngayon kung mawawala ka din pala kinabukasan

Hindi kita mapapatawad pag ang puso ko ay nalalaglag
At di mo manlang sinalo’t hinayaang mabasag kaya wag…

Di ko kailangan ng ngiti na pansamantala
Di ko kailangan ng haplos na mapapasa iba
Di ko kailangan ng yakap na para bang bula
Di ko kailangan ng pag-ibig na nawawala oohhh…

Wag kang lumapit
Wag mong titigan
Baka di kayanin
At mapagbigyan
Ang aking pusong
Uto-uto
Kaya’t kung pwede ikaw na ay lumayo

Wag ka wag (ka nang lumapit)
Lumayo (ka na sa akin)

…wag na wag
Lumayo

Wag na wag
Kang lalayo