Pinoy Radio Here:

OPL Archive

Bendeatha ft. Kris Lawrence - Ikaw Pa Rin Lyrics

Merong mga bagay na hindi mo inasahan
Makipot na kalsada ang muli nating tagpuan
Umikot sa ‘ting oras, panahon nating lumipas
Sa muling pagkikita, dapat pa bang tumakas?
Mga bagay na nu’ng dati sa atin naghinto
Bukas pa rin ang ‘yong bintana sa sinarang pinto
Maraming katanungan ang nais kong sabihin
Takot man sa kasagutan pero dapat tanggapin
Na ako ang dahilan kung bakit nagkaganyan
Alam din sa sariling meron pa na paraan
Hinayaan ko na lang sa panahon ang nagdaan
Niloko ang sarili na kayang kalimutan
Mga taong lumipas nagmistulang pagkagunaw
Pag-asa sa akin katumbas ay pagkatunaw
Nalulong at nakulong sa rehas ng nakaraan
At sa pagtatagpong muli, ito na ba ang kalayaan?

(2x)
Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin
Ikaw at ikaw pa rin ang iibigin
Ikaw at ikaw pa rin ang nais magbalik
Ikaw at ikaw pa rin, sana’y patawarin

Ngiting puno ng kulay, hindi pa rin nagbago
Titig mo pa ri’y tumatagos sa pagkatao
Natanong ko sa sarili ba’t ka nagawang saktan?
At bakit ang galit mo ‘di ko naramdaman?
Ayoko nang maulit pang muli ang pagsisisi
Hawakan ang aking kamay, halika sa tabi
Hihingi ako ng tawad sa’yo na ang dahilan
Kung ibibigay mo pang muli ang kapatawaran
Naudlot nating istorya, gusto kong dugtungan
Dahil may dalawang lugar sa’yo na gustong puntahan
Una sa isip, aalisin ang alinlangan
Ikalawa’y sa puso, tanggalin ang agam-agam
Alam kong ito’y mahirap ngunit sana’y magtiwala
‘Di na sisirain binigay muling tiwala
Takot na ‘kong maligaw, ako’y iyong samahan
Ikaw ang mag-gabay sa ating dadaanan

(2x)
Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin
Ikaw at ikaw pa rin ang iibigin
Ikaw at ikaw pa rin ang nais magbalik
Ikaw at ikaw pa rin, sana’y patawarin

Karugtong ng aking buhay, muli mong pagbalik
Kaligayahan ay katumbas ng bawat yakap at halik
Hindi ka na malulungkot, ‘di na muling mag-iisa
Bawat tibok ng puso para sa isa’t isa
Larawan nating kumupas, muli nating iguhit
Dahil ang ating nakaraan dapat nang mapunit
At sa pagbukas ng libro ng bagong pagsasama
Tanging mababasa ay ligaya lang ang drama
Hawak-kamay susuungin ang bawat problema
Tanging taglay ang pag-ibig ng bawat isa
Pagtingin ko sa iyo, lalong palalalimin
Na para bang negosyo na dapat pagyamanin
Minsan kong naranasan ang sakit ng pang-iiwan
Sa iyong pagbabalik ay dapat ka nang ingatan
At sa pagkakataon na muli pala’y salamat
Salamin ng iyong tiwala’y ‘di na magkakalamat

Nagkamali ako at aaminin na ikaw pa rin dito sa puso
Nahihirapan man, ito ang paraan
Para maramdaman
Ang sakit ng aking naging kapusukan
Na ako’ng may kagagawan
Salamat sa pagkakataon
Pag-ibig natin, muling ibabangon

(2x)
Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin
Ikaw at ikaw pa rin ang iibigin
Ikaw at ikaw pa rin ang nais magbalik
Ikaw at ikaw pa rin, sana’y patawarin

Kris Lawrence - Isang Numero Lyrics

Lyrics Not Available

Kris Lawrence - Patawarin Mo Ako Lyrics

Patawarin Mo ako, Oh aking Ama
Ako’y nagkasala
Nahumaling ako sa kaway ng mundo
Nagkamali ako

Patawarin Mo ako Oh aking Amang nasa langit
Narito ako nagbabalik, naninikluhod
Nangangakong hindi na lalayo
Pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan
Ayoko nang mawalay pa sa piling Mo, Ama
Kalinga Mo’y aking inaasam
Patawarin Mo ako

Ngayo’y batid ko na kung wala Ka Ama
Ako’y tupang ligaw
Walang gumagabay, walang karamay
Sa’king pag-iisa

Patawarin Mo ako Oh aking Amang nasa langit
Narito ako nagbabalik, naninikluhod
Nangangakong hindi na lalayo
Pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan
Ayoko nang mawalay pa sa piling Mo, Ama
Kalinga Mo’y aking inaasam…

Patawarin Mo ako Oh aking Amang nasa langit
Narito ako nagbabalik, naninikluhod
Nangangakong hindi na lalayo
Pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan
Ayoko nang mawalay pa sa piling Mo, Ama
Kalinga Mo’y aking inaasam
Patawarin Mo ako

Jay-R, Kris Lawrence & Daryl Ong - Regalo Sa Pasko Lyrics

Di ko kailangan ang mamahaling regalo
Basta’t sa araw ng pasko ika’y kapiling ko
Kay tagal na rin tayong hindi nagkikita
Pakiusap ko sayo sana’y umuwi ka na

Ang mahalaga’y ikaw wala na ngang iba
Pasko ay laging kulang kasi wala ka pa

Chorus:
Merry Christmas sayo, Merry Christmas sa inyo
Diba’t kay saya ng sandali kapag sya ay kapiling mo
Kaya sa araw ng pasko (sana) ika’y naririto
Sa akin ay ikaw ang pinakamagandang regalo

Nasasabik akong muli ay mayakap ka
At sana sa simbang gabi ay makasama ka
Ilang pasko na ring nasa malayo ka
Alam mo bang lagi hinahanap kita

Ang mahalaga’y ikaw wala na ngang iba
Pasko ay laging kulang kasi wala ka pa

(Chorus)

Ang mga tawag mo’y aking inaabangan
Upang kahit sandali lungkot sa puso ko’y mawala naman
Woooahhhhhhh…

(Chorus)
Wooahh…

Merry merry Christmas…

Kyla & Kris Lawrence - Monumento Lyrics

Kyla: Ikaw ang sumisindi sa aking napupunding pangarap. Lalong tumitindi ang apoy ng pagsisikap. Ako ang pinipinta larawang sinisintang hangarin. ‘Di mo iniinda ang pahirap sa damdamin. Hulog ka ba ng langit. Tila anghel ka na walang kasing bait. Palaisipan kung bakit. Datapwat subalit. Mahiwaga nga ang pag-ibig.

Chorus: Konting bato, konting semento. ‘Di pa rin kuntento. Para ipakita ang pagmamahal sa’yo. At parang santo sa kumbento. Bidang star sa kuwento. Idol ka, taas kamay ako sa’yo. Ikaw ang dakila, syento porsyento. Hayaan mo’t ipagtatayo kita… Ng monumento.

Vamp: Mento, mento, mento. Mo-monumento. Mento, mento, mento.

Kris: Sa dami ko nang sablay at dami nang pasaway na banat. Ang dapat sa akin ay…
sa presinto na lang magpaliwanag. Buti na lang wagas kahit na ang dalas magkulang.
‘Di ka nababanas pangiti-ngiti ka lamang.

Parang nananaginip. Ayaw gumising na sa pagkakaidlip. Sobrang napapaisip. Dedma sa bad trip. Ibang klase nga ang pag-ibig (Repeat Chorus)

Bridge: Sa bawat sulok, kanto at rotonda
Ibabantayog, walang kokontra...

(Modulate to last Chorus)

Coda: Sa Edsa, Caloocan o Luneta. Kahit saan ipagtatayo kita… Ng monumento.

(Repeat Vamp)