Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Crazy Al ft. Parisukat - Lalawigan Ng Batangas Lyrics

First Verse

Sa lalawigan ng batangas mo matatagpuan
ang kakaibang tanawin pwede mong pasyalan

tara halika samahan mo akung tuklasin
upang malaman ng iba ang di nila napapansin

magagandang palayan, malinis na kalikasan
kabundukan, kapatagan at may dalampasigan

nandyan ang bulkang taas na pwede mong akyatin
mga malinis na dagat na pwede mong sisirin

nasubukan mo na bang mag diving sa anilao
at sabay na pagmasdan ang pag lubog ng araw

mga lumang simbahan dinadayo tuwing marso
dito din nagsimula flores de mayo

tingga falls daan ibaan makikita
Fantasy world sa lemery sa may bukana

at pag sinabing batangenyo, may lahing matatapang
may dugong bayani to at maraming kasaysayan

Chorus:

pinagmamalaki ko ang aking sinilangan
di ako mahihiya saking pinangalingan

pakinggan ang tinig ko magsama sama tayo isigaw natin sa buong mundo na tayoy batangenyo

2nd Verse

kape barako na dito mo lang matitikman
lomi ng lipa na talagang malinamnam

puto kutsinta generation at atsara
nasubukan mo na bang atsarang may ampalaya

palagitik na adobo minatamis na kalumpet
kalamay sa rosario na puno ng latek

suman goto panutsa, mainit na bibingka
masasarap na kakanin nakakawili talaga

ginataang tulingan tawilis at dulong
may kasamang baggoong at inihaw na talong

mainit na sabaw bulalo ng batangas
chicken binakol at balisong na matalas

marami pang ibang pamimilian dito samin
pasyal na sa lalawigan namin

ito ang lugar na pinanggalingan ko
kahit san ako magtungo batangenyo ako

Chorus:

pinagmamalaki ko ang aking sinilangan
di ako mahihiya saking pinangalingan

pakinggan ang tinig ko magsama sama tayo
isigaw natin sa buong mundo na tayoy batangenyo


3rd Verse

ibat ibang festival di mo masisilayan
parada ng lechon tuwing hunyo sa balayan

sublian sa batangas sinukmani sa rosario
tinapayan at anihan sa lobo

kabakahan festival lambayok at balsa
makikita mo na din malistik doon sa lipa

sinuam festival, coffee festival
salubong festival at may kinulob festival


x2 Chorus:

pinagmamalaki ko ang aking sinilangan
di ako mahihiya saking pinangalingan

pakinggan ang tinig ko magsama sama tayo
isigaw natin sa buong mundo
tayoy batangenyo