Pinoy Radio Here:

Lenses - Pagbisita Mo Lyrics

Maaga ang aking gising. Ano kaya ang sasabihin?
Itong kaba at tuwa’y nagkasundo.


Ang pagbantay sa oras, bawat patak at paghampas ng panahon
ay masusulit ba? Pag sayo bukas palagi ang pinto.

Oh, bakit ba ang bilis ng araw, tuwing ikaw ang dumadalaw?
Lagi nalang sabik sa pagbisita mo. Ngayon ako’y nakangiti naghahanda, at mamaya ay makikita.
Inaasahan ko ang pagbisita mo.

Ako ngayo’y nalilibang, sa panahong inilaan.
Sana’y ganun din ang nararamdaman.
Andami-raming gagawin. Lagi nalang na bibitin.
Sana’y kasama ka buong Linggo. Pag sayo bukas palagi ang pinto.

Oh, bakit ba ang bilis ng araw, tuwing ikaw ang dumadalaw?
Lagi nalang sabik sa pagbisita mo. Ngayon ako’y nakangiti naghahanda, at mamaya ay makikita.
Inaasahan ko ang pagbisita mo.

Sa aking pag-imbita sayo, tayo nag-umpisa.
Ako’y pinagpala sa pagkat sumama ka.

Ang pagbantay sa oras, bawa’t patak at paghampas ng panahon ay masusulit ba? Pag sayo bukas palagi ang pinto.

Oh, bakit ba ang bilis ng araw, tuwing ikaw ang dumadalaw?
Lagi nalang sabik sa pagbisita mo. Ngayon ako’y nakangiti naghahanda, at mamaya ay makikita.
Inaasahan ko ang pagbisita mo.

Lenses - Nasanay Lyrics

Diba, napag-usapan na natin to?
At sabi mo, ay iiwasan na at walang manggugulo.

Ano ang gagawin ko? Parang nauubos pasensya ko.
Mauulit nga lang ba ito?
Ang dahilan, kung bakit hindi ko nararamdaman,
ay baka nasanay lang ako.

Kailan ako mawawalan ng pakialam?
Naghihintay, na madinig na ang iyong paalam.
Madaling magbigay ng tawad sa kanino man,
ngunit mahirap isipin ang napagdaanan.

Ano ang gagawin ko? Parang nauubos pasensya ko.
Mauulit nga lang ba ito?
Ang dahilan, kung bakit hindi ko nararamdaman,
ay baka nasanay lang ako.