Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Soul 'N Harmonies ft. Curse One - Maging Akin Ka Lang Lyrics

Jher:
Iniisip ko pa lang na mapasakin ka'y
Abot langit na ang dulot na saya na 'king nadarama
Kakaiba, ang dulot nya
Sa 'king mata na para bang ako'y nasa ibabaw ng

Bahaghari kung kasama ka
Ang tanging hiling ko lamang ay makasama ka
Pangakong iingatan ka di ka mag-iisa
Wala kong iibigin, ikaw lang nag-iisa

Sana panaginip ko'y magkatotoo
Mapasaakin ka,
Lahat ay gagawin ko para makamit ang matamis mong
Oo, Oo, na tayo na

Tracy Juan:
Lahat ay aking gagawin mapansin mo lamang ang tulad ko
Dahil gusto ko sana na maging parte ng buhay mo
Yung tipong ako lang at walang sinumang abala
Yun bang mismong ako lang at walang sinumang kilala

At tanging ikaw lang ang palagi kong uunahin
Ang paligayahin ka yun lang tanging aatupagin
Kaya't sabihin mo kung paano ka magiging akin
Pipigilin ang ulan at maglalakad sa hangin

Imposible ay magiging posible para sa atin
Upang patuloy na malinis ang aking hangarin
Kaya ang puso't isip ko sa iyo ko sinalang
Lahat gagawin ko maging akin ka lang

Chorus:
Sana panaginip ko'y magkatotoo
Mapasaakin ka,
Di ka na muling luluha pa
Pakatandaan mong pangako ko sayo

Ano bang mga dapat kong gawin?
(Ano ba? Ano ba?)
Sige lang sabihin mo oh..
Lahat gagawin ko, Maging akin ka lang

13th:
Hiling ko lang nama'y mapasaakin ka (Akin ka)
Ano bang dapat na gawin upang ika'y makuha?

Aabutin bituin sa langit
Gagawing maganda ang pangit
Basta para sayo gagawing posible lahat kahit

Mahirap basta mapasaakin ka lang
(Sakin ka lang)
Basta maging akin ka lang

KG:
Pano ko sisimulan o pano ko ba aaminin
Kung mahirap pang pakawalan itong ating damdamin
At sabihin, ang puso kong merong nilalaman
Di ko lang masabi sa iyo ikaw ang dahilan

Sa ngayon, mahirap pa itong mapatunayan
Lalo pang nabalitaan na nasaktan ng lubusan
Sa iba, pipilitin ko sayong ipadama
Kahit pa sa iba ako ay nagmukhang tanga

Oh diba? Tayong dalawa laman nitong kanta
Talaga, sasamahan ka sa lungkot at saya
Mainam na maghintay habang sayo nagpaparamdam
Ipinuhunan ang naramdaman maging akin ka lang

*Repeat Chorus*

Nck Deezy:
Dati na rin akong nawalan ng pag-asa
Na dadating sa akin ang pagibig na tapat
Pero nung nakilala ka,
May kung anong saya

Kung bakit at ano ang dahilan ay di ko alam
Laman lagi ng isip ko'y ikaw lang naman
Kaya ang mapasakin ka'y di ko sasayangin
Di ako mangangako, bagkus papatunayan na lamang sa iyo

Na tunay ang lahat ng 'to
Sabihin mo sa akin anong gagawin ko?
Ayokong magbitaw o mangapa ng mga bagay
Na di ako sigurado at hindi mo gusto

Bdict:
Tawagin mo nang makulit, Eh ano naman?
Laging nasa likod mo parang anino lang
Binabantayan ka alam kong di mo yun alam
Hindi mo mapansin kasi tingin laging sa kanya lang

May mararating kaya pangungulit ko sayo?
Kasi ako walang masagot sa tinatanong ko
Makakarating kaya mga sinasabi kong 'to
Walang iba sayo ko lang gustong iparating 'to

Hindi ako mapapagod sayo na mag-abang
Kung magiging akin ka lang, magiging akin ka lang
Di sapat sa akin na ika'y akin lang minamasdan
Sana ang pagibig balang araw ay iyong pagbigyan

*Repeat Chorus*

Curse One:
Sa panaginip ka na lang ba
(Sa panaginip na lang)
Malabo bang magkatotoo?
Itong pangarap ko na sana'y maging akin ka

Wag na sanang malayo ka at
Kahit imposible ang hinahangad
Ko di bale na, dahil para sakin ay
Isa kang magandang Anghel

Na dala'y kapanatagan,
Ikaw ang kapayapaan ko
Sana ay mahagkan
Ginintuang puso mo

Sana panaginip ko'y magkatotoo
Mapasaakin ka,
Di na bibitaw pa (Di na bibitaw pa)
Dahil ang puso'y sumisigaw ng

Sana panaginip ko'y magkatotoo
Mapasaakin ka,
Nang walang hanggan (Nang walang hanggan)
Ikaw lang at ako

*Repeat Chorus*