Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Matt Reyes - Malanaw Lyrics

Minsan Malinaw At Malabo parang Lente ng Cam /
Pwedeng Maubos ang Lahat kahit na Malingat lang /
Kanang Paa'y nasa Hukay kaya Takot ihakbang /
Minsan ka nang Bumagsak sagot nabalibag lang /

Paikot ikot lang naman ang Gulong nang Palad /
Hindi ka matututo kung hindi puro Patawad /
Pano matatahimik kung Gulo ang Hanap /
Madali lang Tumawid kapag Tuyo ang Dagat /

Pag gising ay naka tutok ang Araw /
Simbulong may puputok pa Balang Araw /
Nakakawalang Gana kung Walang Kaagaw /
Sa Dagat nang Buhay naka Lutang ay Mababaw /

Kaya wag kang Matakot na Lumusong /
Kung Nahuli ka eh Nahalot lang sila nang Uso /
Gumamit ng Utak hindi lang Yung Palaging Puso /
Habang Humihinga Delikado Paligid ay Maraming Usok

2nd Verse :

Simoy nang hangin at huni ng ibon ang Hanap sa Pahinga /
Kaso madidinig mo lang ay Tunog nang Makina /
Kwento nang Buhay mo ay Marami pa ang Pahina /
Gusto mo maging in? Edi pilitin mo ang Maiba /

Kung wala kang tinig at Buhay /
Minsan Siningit sa Hukay /
Pilit inisip ang Kulay /
Para sa Hilig mong Tunay /
Gimik sa Buhay /
Aking pinihit ang Sungay /
Nang Masilayan at Tanaw Ganda ng Talampunay /

Kalaunay tinatamad ka nang maging Masipag /
Baka naman sinisipag ka lang Maging Tamad /
Sumabit lang ako sa Byahe yung iba Nag lakad /
Walang landas na tutuwid kung hindi ka Nag Banat /

Nag hihintay ka nang Bunga sa ilalim ng Puno /
Ngayon wala kang makuwa bakit hindi ka matuto /
Makinig ka lang muna at iyong isaulo /
Hindi kailangan mauna basta abot ang Dulo /