Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Lunar Lights - Masilayan Lyrics

Sa paglubog ng ‘yong araw
Ikaw ang laging hinahanap
Ang ‘yong ganda’y walang katulad
Naglalaro sa mga ulap

Pipikit na lamang
Sana’y di na hinayaan
Nang unang ikaw ay masilayan
Nilibot mo ang kamalayan

Ayoko pang matulog
Ayoko nang matulog

Kung ako’y pagbibigyang masilayan ang buwan
Sa likod ng ngiti ng mga ulap
Kung ika’y magliliwanag lang sa akin

Kinumot mo ang pag-asa
Na ang lahat ay mag-iiba
Ikaw lang ang tiyak sa lahat ng baka sakali
Hindi naman ako nagmamadali

Dahil ayoko pang matulog
Ayoko nang matulog

Kung ako’y pagbibigyang masilayan ang buwan
Sa likod ng ngiti ng mga ulap
Kung ika’y magliliwanag lang sa akin

Kung ako’y pagbibigyang masilayan ang buwan
Sa likod ng ngiti ng mga ulap
Kung ika’y magliliwanag lang sa akin

Sana’y di na nasilayan
Sana’y di na hinayaan
Sana’y di na lang nalaman
Hinding hindi pababayaan
Sana’y di na nasilayan
Sana’y di na hinayaan
Sana’y di na lang nalaman
Sana’y di na binitawan
Sana’y di na nasilayan
Sana’y di na hinayaan
Sana’y di na lang nalaman
Ang lihim ng katotohanan
Sana’y di na nasilayan
Sana’y di na hinayaan
Sana’y di na lang nalaman
Salamat sa katotohanan