Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Mel Sorillano - Bayani, Ang Bayani Ay Ikaw Lyrics

Sa puso’t diwa mo saan mang sulok ng mundo
Taglay mo ang pangarap ng isang Pilipino
Maging sino ka man sarili’y laging laan
Maging buhay itataya sa lupang kinagisnan

Batid ng iyong lahi mayro’ng isang katulad mo
Saksi ang ‘yong lipi ang katangian ay sayo

Bayani, namumukod at katangi-tangi
Bayani, kayamanan ka ng iyong lahi
Ikaw ang aming tanglaw, aming gabay
Oh bayani, katuparan ng aming mga pangarap

Hindi ang pinag-aralan mo ang tunay na batayan
Hindi ang kayamanan na iyong nakakamtan
Hindi ang nangangarap ang siyang tatanghalin
Ang tunay na bantayog ay katapatan sa tungkulin

Maging ika’y titser, singer, doctor o di kaya’y sundalo
Basta’t ikay naglilingkod ng tapat at totoo woahhhh…

Namumukod at katangi-tangi
Bayani, kayamanan ka ng iyong lahi
Ikaw ang aming tanglaw, aming gabay
Oh bayani, katuparan ng aming mga pangarap
Woahhh…
Namumukod at katangi-tangi
Bayani, kayamanan ka ng iyong lahi
Ikaw ang aming tanglaw, aming gabay
Oh bayani
Oh bayani
Aming bayani
Ang bayani ay… ikaw…

Mel Sorillano - Dinggin Mo, Bayan Lyrics

Bayan kong minamahal
Ang buhay ko sayo’y iaalay
Ipagtatanggol at sayo’y magbabantay
Bayan ko pakinggan mo
Ang mga pangako ng Diyos sayo
Ang paglingap nya’y hindi magbabago
Bayan ko, dinggin mo
Bayan ko

Masdan mo ang ‘yong ganda
Taglay nito ang kulay at saya
Ang pag-asa ay ngayo’y nadarama

Ang pag-asa na inaasam
Ay muli itong makakamtan
‘Pagkat sa Diyos tiwala ay ibinigay

Bayan ko dinggin mo
Di ka nag-iisa, kasama mo ako
O bayan ko pakinggan mo
Sa Diyos kita iaalay

Masdan mo ang ‘yong ganda
Taglay nito ang kulay at saya
Ang pag-asa ay ngayo’y nadarama

Ang pag-asa na inaasam
Ay muli itong makakamtan
‘Pagkat sa Diyos tiwala ay ibinigay

Bayan ko dinggin mo
Di ka nag-iisa, kasama mo ako
O bayan ko pakinggan mo
Sa Diyos kita iaalay

Dinggin mo bayan
Pag-ibig ko’y walang hanggan
Ang buhay ko sayo’y ibinigay
Bayan ko, bayan ko
Dinggin mo…

Bayan ko dinggin mo
Bayan ko dinggin mo

Bayan ko…