Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Andrea Babierra - Kapag Lasing Malambing Lyrics

Meron akong sasabihin makinig kayong lahat
Importante na malaman niyong sikreto nilang lahat
Sila'y pare-pareho sinong may pakana
Magugulat ka na lang bigla ka nang madadapa
Ngayon, bukas na naman ang iyong kaluluwa

‘Pag lasing dun ka lang malambing
‘Wag lumapit sa ‘kin natatakot na akong maipit

Meron akong kilala napaka-gwapo niya
Lalapit siya sa ‘yo bigla na lang mawawala
Para bang may mga disipulo o kaya mga alagad
Ang dami-dami n’yo hindi kayo nawawala
Ngayon, bukas na naman ang iyong kaluluwa

‘Pag lasing dun ka lang malambing
‘Wag lumapit sa ‘kin natatakot na akong maipit
’Pag lasing dun ka lang malambing
‘Wag lumapit sa ‘kin natatakot na akong maipit
Oh woh… oh woh…
Hoh…
Oh woh, oh woh…
Hoh…

‘Pag lasing dun ka lang malambing
‘Wag lumapit sa ‘kin natatakot na akong maipit
’Pag lasing dun ka lang malambing
‘Wag lumapit sa ‘kin natatakot na akong maipit

‘Pag lasing dun ka lang magaling
‘Wag lumapit sa ‘kin natatakot na akong maipit
Ooh hoo…

Andrea Babierra - Kapag Lasing Malambing (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Kapag Lasing Malambing" by Andrea Babierra.

Composed by Florimon Carlo B. Macalino
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by Monty Macalino
Arranged by Bryane Ramos & Monty Macalino
Recorded by Joel Mendoza & Bryane Ramos
Mixed by Bryane Ramos
Mastered by Monty Macalino

Gloc-9 ft. Monty Macalino - Iba't Ibang Bangka (Official Lyric Video)


Composed by Aristotle Pollisco
Arranged by Paulo Zarate of Studio Z Audio Productions and Recording Studios
Directed and edited by Aristotle Pollisco

Gloc-9 ft. Monty Macalino - Iba't Ibang Bangka Lyrics

Iisang BAGYO
Pero ibat ibang BANGKA
Sadya bang GANITO
Walang MAGAGAWA
Pahupain ang HANGIN
Patilain ang ULAN
Sa iisang BAGYO
Pero ibat ibang BANGKA

NG iisang BAGYO
Pero ibat ibang BANGKA

I
Hampasin man ng mataas na alon ay di matinag
Kumapal man ang ulan laging may malakas na sinag

Hinahawi ang daan
Ang lambat ay puno ng bihag
Mga huli na markado ng sugat na humihilab

De makina hindi sagwan
Andar ay mabilis
Mga pagkaing tinatapon kahit na hindi panis

May bubong may silid
Kaya walang umaalis
Taga luto taga ligpit at meron ding taga walis

Madalang ang mumurahin mamahalin ang labanan
Ilan lang ang may pambili bakit nagkakaubusan

Lahat sunod lang ng sunod kasi maraming utusan
Ako na po ang mag dadala bilin yan ni kapitan

Habang ang ilan ay saganat marami ang wala
Pudpod na telang may apoy gasera para mangapa

May kumot kapag maginaw
Ang iba namay basa
Dito sa iisang bagyo
Pero ibat ibang bangka

II
Limasin ang tubig na pumapasok sa butas
Di mo puwedeng inumin maaari lamang pang hugas ng

Lumot at kalawang malamang tuyo na bukas
Ganyan sana kasiguradong hinahanap na lunas

Bakit di pantay ang  katig
Sa kalumaan na rin
Mga sumasakay na kumapit na rin sa patalim

Kapag malayo ka sa laot maalon at madilim
Ang yong mga sigaw ay parang ibinulong na daing

Na sinasalo ng hangin na tila naliligaw
Ang layag na puno ng pag asat hindi bumibitaw

Sa isinaing mong pangarap na tila nahihilaw
Parang taga ka ng taga kahit itak mo ay bingaw

Habang ang ilan ay saganat marami ang wala
Pudpod na telang may apoy gasera para mangapa

May kumot kapag maginaw
Ang iba namay basa
Dito sa iisang bagyo
Pero ibat ibang bangka



Gloc-9 featuring Monty Macalino - Sagwan Lyrics

Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung ito’y babalik sayo

Marami beses man lumisan pa sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin
Makakapigil pa makita lang kita

Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halinat kilalanin mo ako
man ay pasalinsalin
Parang ihip ng hangin
Kailangang unawain nyo ako

Si Domingo Evagelista ako’y nanggaling pa probinsya
Lumuwas don sa maynila baka sakali lang kumita
Ng pang gastos sa bawat araw nangangarap na balang araw
Mag sagwan sa malaking bangka ang tawag ay barko
Taga hugas ng pinggan pagkatapos ligpitin ang pinagkainan
Uniporme ko puti na palagi madume huwag nyo na tignan inyo pakinggan
Ang kwento ng bawat tao sa dagat pa lutang lutang sa tubig alat
Makapag trabaho ang tanging balak
Para sa pamilya handang sumabak ang mga

Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halinat kilalanin mo ako
man ay pasalinsalin
Parang ihip ng hangin
Kailangang unawain nyo ako

Akoy mang-aawit sa barko pag gabi tawag sa akin ay Rey
Pero pangalan ko ay Reni sunud-sunod ang mga tip
Kaya laging may pangbili kahit ano kakantahin
Basta malakas ang tili kapag bumirit kinikilig lahat ng kababaihan
Oo ang sagot kahit hindi ko pa nililigawan
Halo-halong pabango na ang kumapit sa unan
Hindi na mabilang kaya ngayon may karamdaman

Ako naman si Tonio ang kanang kamay ng kapitan
Asensado na tila ba walang mapaglagyan ng salapi
Pag-uwe mahirap mag ngiti parang mali
Ang tubo ng mga iniwang kong binhi na lulong sa bisyo at
Tumigil na sa pag-aaral palaging naka ngiti ang kilos ay tila mabagal
Ang mahal ko asawa tangay ang lahat ng takal
Karangyaan pa pala ang syang dahilan ng sagabal sa buhay

Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung ito’y babalik sayo
Marami beses man lumisan pa sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin
Makakapigil pa makita lang kita

Napunasan ko na po ang kahuli-hulihang plato
Nalinisan ko na din at mabango na mga banyo
Habang nagpapahinga at mag-isa sa aking kwarto
Paulit-ulit ko sinasabi ang aking pangako
Sa aking pamilya at mga anak asawang na iwan sa Pilipinas
Nakakaiyak man di binitawan larawan nyo khit pa nasusuka na ako sa alon
Ang inyong kinabukasan ang syang tanging ko baon at ng lumaon ay makauwe sabay na umahon
Sa kahirapan na bahagi na lamang ng kahapon
Pero sanay maintindihan upang muling masindihan natin ang kalan at ng malagyan ang hapagkainan
Lalayo muli dadaong sa ibang bayan kahit madalas ay dagat lang ang nasisilayan
Sampu ng mga kababayan ko tinitibayan pag-asa tangan-tangan na sing tibay ng kawayan

Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung itoy babalik sayo
Marami beses man lumisan pa sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin
Makakapigil pa makita lang kita

Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halinat kilalanin mo ako
man ay pasalin-salin
Parang ihip ng hangin
Kailangan unawain nyo ako