Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Moira Dela Torre - Aking Habangbuhay Lyrics

Alam ko namang nakakapagod
At 'di lang ako ang nalulunod
Sa pag-iisip tayo'y naiipit
Kasalanan bang ika'y mahalin?
'Di ko alam kung paano
Bibitawan ang dalang takot
Pa'no kung iwanan ko ang lahat?
Tas iwanan mo lang rin ako

Paano ba magtitiwala?

Pero nung nakita kita
Nawala ang lahat
Ng takot sa puso ko
Naiintindihan ko na ngayon
Kung bakit walang nagtagal
Sa kahit na sinong minahal
Lahat ng daan ko ay
Patungo pala sa'yo
Aking habangbuhay


'Di mo alam kung gaano
Mo napakalma ang aking puso
'Di na kailangan pang mag-alinlangan
Sa'yo lang ako naging sigurado
Sa paggising ko 'gang sa pagtulog
Ang yakap mo ang sinasaulo
Kahit ano pa ang dumating
Dito lang ako sa'yong tabi

Nang dahil sa'yo
Nakahinga ang puso

Kasi nung nakita kita
Nawala ang lahat
Ng takot sa puso ko
Naiintindihan ko na ngayon
Kung bakit walang nagtagal
Sa kahit na sinong minahal
Lahat ng daan ko ay
Patungo pala sa'yo
Aking habangbuhay

'Di ka man ang nauna
Ikaw na ang huli

Kasi nung nakita kita
Nabura ang lahat
Ng duda sa isip ko
Naiintindihan ko na ngayon
Kung bakit walang nagtagal
Sa kahit na sinong sinugal
Lahat ng daan ko ay
Patungo pala sa'yo
Aking habangbuhay

Chito Miranda and Nicole Laurel Asensio - Poblacion Lyrics

Naglalakad ako nung isang gabi
Nang madapa ako sa isang tabi
Pinulot ko ang bente singko sa kalye
Baka sakaling swertehin at manalo ng malaki

Sabi ko sa mamang may suot na maong
Sandali lang po manong pwede bang magtanong
Nawawala ang syota ko kanina pang “five”
Natatakot na ako I hope that she’s still alive

Sandali, teka lang patambay d’yan sa tabi
Pa-gin and tonic ka naman na pangpatawid
Mata’y silaw at tila napapapikit-pikit
Umiinit, umiikot na sa himpapawid
Napalingon sa kaliwa, ikaw ba yan o hindi?
Kamukha mo lang kasi, baluktot rin ang ngiti
Paligid ko’y unti-unting dumidilim
Dumudulas ang aking dila, bumibitaw ng lihim

O gapang lang
Malayo pang mararating
Ano ba’ng akala mo sa akin?
Hindi ako lasing
O gapang lang
Malayo pang mararating
Ano ba’ng akala mo sa akin?
Hindi ako lasing

Pagdating sa engkanto, pagbukas ng pinto
Ako ay dumiretso at biglang lumiko
Pagtingin ko sa lamesa ay nakita ko siya
Tinapik ko sa balikat ngunit hindi pala

Nalason na ang utak ng paligid ko
Sari-saring usok, ingay, alak at likido
Naramdaman ko sa ‘king labi ay mayro’ng dumapo
Di na alam kung totoo o ilusyon lang ito

Sa dami ng babae sa paligid ko
Nahanap ko na rin s’ya at nagulat ako
Hinila ko s’ya sakin at ‘di nagskandalo
Sabay tanong, “sino ba yang hinahalikan mo?”

Nagising ako bigla, sino ka ginoo?
At may humila sa ‘king braso, yun pala syota ko
Galit na marahan n’ya anong tinanong
“Sorry, akala ko talaga’y ikaw” na lang nasabi ko

O gapang lang
Malayo pang mararating
Ano ba’ng akala mo sa akin?
Hindi ako lasing
O gapang lang
Malayo pang mararating
Ano ba’ng akala mo sa akin?
Hindi ako lasing

Usok (umuusok)
Whiskey (whiskey)
Ikot (umiikot)
Labi (la-la-labi)
Patawad…
Baby (baby, baby)

O gapang lang
Malayo pang mararating
Ano ba’ng akala mo sa akin?
Hindi ako lasing
O gapang lang
Malayo pang mararating
Ano ba’ng akala mo sa akin?
Hindi ako lasing

Hndldbutuhndrnbtu

Sarah Geronimo - Ang Tangi Kong Pangarap Lyrics

Ang tangi kung pangarap
Ay ang ‘di mawalay sa iyo
Sa hirap, sa ginhawa
Magkasama

Anuman ang ating
Harapin sa ating munting lakbay
Hawak ko ang ‘yong kamay
Hindi bibitaw

Ibibigay ko ang lahat sa ‘yo
Ang bawat awitin sa puso ko
Langit sa mundo tuwing kapiling ka
Manalo, matalo tayo pa ring dal’wa

Ang panahon may dulo
Ang pagmamahalan nating wagas
Sa ating bawat laban
Hindi aatras

Ibibigay ko ang lahat sa ‘yo
Ang bawat pagtibok ng buhay ko
Langit sa mundo tuwing kapiling ka
Manalo, matalo tayo pa ring dal’wa

Ibibigay ko ang lahat sa ‘yo
Ang bawat pagtibok ng buhay ko
Langit sa mundo tuwing kapiling ka
Manalo, matalo tayo pa ring dal’wa
Tayo pa ring dal’wa
Hoo…


Sarah Geronimo - Ang Tangi Kong Pangarap (Official Lyric Video)


Ang Tangi Kong Pangarap - Sarah Geronimo | Unforgettable Movie OST [Official Lyric Video]

Composed by Rico Blanco
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by Civ Fontanilla
Recorded by Joel Vitor
Arranged by Choi Padilla
Guitars by Youssef Barrameda
Mixed and mastered by Joel Mendoza at Viva Recording Studios

Alessandra de Rossi - Twelve Lyrics

It’s how it breaks
I dreamed in vain
Now I can see that I
Wanted too much of you
Dying flames
Scream your name
I watch you fade
I watch you fade

‘Cause it’s over now
Can’t you see where I am?
I danced in your lonely eyes
You cried, you cried
I was chasing you
I was chasing you

While your colors ran into the sun
I was your ocean
Sweet undertow
And you never drowned
I was chasing you
Was I breaking you

Under this mess we’re in I found
Your lifeless body on the ground
My fingerprints were all around

I was the one who took you down

Chasing you
Breaking you
Chasing you
Breaking you
Broken you

Abra & Loonie - Respeto Lyrics

Ilang taon kaya ang kaya mong tyagain para sa respeto?
Ilang tropa kaya ang kaya mong tablahin para sa respeto?
Hanggang saan kaya ang kaya mong lakbayin para sa respeto?
Hanggang ano kaya ang kaya mo na gawin para sa respeto?

Yo! Hala bira!
Daming palabida, na nagmamagaling na
Nagmamalaki pa na hari sila kahit ako ang laging inaasinta
May kada isa kala nila kaya nila
Kasi nga madalas mas mataas ang puntos kapag nakapuntirya ka sa gitna
Walang hiya naman kayo, hiyang hiya naman ako
Di bat bilang yang araw nyo
Bilang kinang inang mga bano
Maraming nag-aagawan, maraming nag-aangasan, maraming nag-aalangan
Maraming humahangad ng respeto pangkalahatan na ayokong pakawalan
Di maaamoy yan kung walang nag-iintindi
Di mag-aapoy yan kung walang tagapagsindi
Sobrang dinig ko ang demonyo at nakakarindi
Ngunit pag anghel na ang bumulong ako’y nabibingi

Hindi nabibili, hindi nahihingi, nakakalito
Pag walang deposito di ka makaka-withdraw
Para sa respeto kahit na ano gagawin ko
Walang kwenta ang pera kung wala ka nito

Ilang taon kaya ang kaya mong tyagain para sa respeto?
Ilang tropa kaya ang kaya mong tablahin para sa respeto?
Hanggang saan kaya ang kaya mong lakbayin para sa respeto?
Hanggang ano kaya ang kaya mo na gawin para sa respeto?

Para sa respeto, handa akong gawin ang lahat
Handa akong salihan kahit na anong patimpalak
Wala man akong pambili ng magandang damit
At na pangalan ko na ma’y kalat Bangbang hanggang Balintawak
Ang sarap mag-rap lalo na pag tanghaling tapat
Sa parking lot ng Pizza Hut, itim balat, lahat napapa-“nigga what?”
Gising na ang leon awimpawat, awimpawat, awimpawat
Sa kabila ng pagdududa gumaling agad
Tiniis pa rin lahat hanggang sa maging ganap
Ang utak ko di tulad ng sayo na medaling ma-hack
Pag may nahuhuling snatcher ang sarap makisapak
Kaya minsan parang gusto ko na lang ding maging parak
Kung loob usapan mapapautang kita
Wag mo lang ilabas ang tunay mo na kulay tulad nila
Magugulat ka na lang at mapapa-put*** ina
Kasi para sa respeto nagbabastusan sila

Hindi nabibili, hindi nahihingi, nakakalito
Pag walang deposito di ka makaka-withdraw
Para sa respeto kahit na ano gagawin ko
Walang kwenta ang pera kung wala ka nito

Ilang taon kaya ang kaya mong tyagain para sa respeto?
Ilang tropa kaya ang kaya mong tablahin para sa respeto?
Hanggang saan kaya ang kaya mong lakbayin para sa respeto?
Hanggang ano kaya ang kaya mo na gawin para sa respeto?