Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Chrstn - Paano Ba? (Umibig) Lyrics

Ang oras, di namalayang nag-iba
Kumukupas, larawan nating dalawa
At ang bukas, na kasama ka’y hindi na maipapangako pa
Lilipas, o lilipas lang ba talaga

Karapat-dapat ba ako para sayo
Kaya ko bang maging ang gusto mo
Paano bang umibig
At kung mananalangin ba ako kay bathala sinta
Mananatili ka?
Tunay ba ang pag-ibig

Hindi mo masisisi ang panahon
Kung naubusan tayo ng pagkakataon
Paano bang umibig
Paano bang umibig


Heto na, tuluyan nang magsasara
Ang pusong, sinanay mo na nandyan ka
Sigurado ka na ba alam mo naman na
Di ko hahayaan na mawala ka lang bigla
Oh may magagawa pa ba sinta

Ang mga damdamin, nating dalawa’y hihintaying
Humilom mag-isa
Nangangambang umibig
At kung pag bibigyan muli
Na mag mahal ang puso ko’y pipiliin parin kita
Sa’yo lamang iibig

Ako’y babalik sa’yo paikot-ikutin man ang mundo ko
Tanging sa’yo babalik ito
‘Di makaka-ibig nang totoo kung hindi sa’yo
Oh paano bang umibig
Paano ba umibig

Chrstn - Paano Ba? (Umibig) | Official Audio


The official audio of "Paano Ba? (Umibig)" by Chrstn

Song Credits:
Artist: Chrstn
Composer: Christine Kate Taguibao
Publisher: O/C Records
Producer[s]: Kean Cipriano
Arranger[s]: Kean Cipriano, Chrstn
Mixing and Mastering Engr: Hazel Pascua
Production House: HBE Recording Studio, Studio 737
Graphic Artist: Albert Raqueno

Curse One & Vlync - Paano Ba Lyrics

(Curse One)
Bakit ba kahit na lagi kitang inaalis sa isip ko ay di ko magawa
Tila ika’y naging aking araw at buwan
Pakiramdam ko’y laging lutang sa tuwing ika’y napapagmasdan
Sobrang saya na makasama kita walang iba
Tibok ng damdamin (Tibok ng damdamin ko), hiling ko’y mapasakin ka
Dahil iniibig kita di mo lang alam
Kaso pag inamin ko na baka balewalain mo lang
Ang walang katumbas na nadarama para sa’yo
Ganun ma’y lagi akong nasa piling mo

(Vlync)
Kahit na ano pa ang gawin ko
Kahit na san pa man magpunta
Di ko lang talaga makuhang
(Curse One)
Sabihin sa’yo ang tunay na nararamdaman ng puso ngunit paano ba?
(Vlync)
Kung ako lang naman ang mayrong gusto sa’yo ngunit paano ba?
(Curse One)
Kung ikaw ang inaawit ng puso ngunit di masabi dahil baka balewalain mo lang

(Vlync)
Wala kong sinabi, kasi di ko masabi na ikaw ay gusto ko
Isip ko’y gulong gulo, kaliwa’t kanan ang bulong
Aaminin ko ba o kaya hayaan ko na lang baka magkagulo?
Baka iwasan mo ako mas lalong di ko kaya
Pinipilit ko saking isipan na itigil na’t tumigil na, baka hindi ako ang tipo mo?
Pakiramdam ko’y ako lang ang may pagtingin sa’yo kaya napapangunahan…
‘Di kaya natotorpe lang?
O sinasadya mo lang na di magparamdam?
Kasi hinihintay mo lang akong lumapit sa’yo
Paano ba to? Paano?

(Vlync)
Kahit na ano pa ang gawin ko
Kahit na san pa man magpunta
Di ko lang talaga makuhang
(Curse One)
Sabihin sa’yo ang tunay na nararamdaman ng puso ngunit paano ba?
(Vlync)
Kung ako lang naman ang mayrong gusto sa’yo ngunit paano ba?
(Curse One)
Kung ikaw ang inaawit ng puso ngunit di masabi dahil baka balewalain mo lang

Bridge:
‘Di mo naman pahalagahan at balewalain mo lang ang nilalaan na
Pag-ibig na sa’yo naramdaman
Total nandito na rin lang naman aaminin na sa’yo
Kahit ano man ang dating sa’yo
Ang tanging gusto ko lang ay mapasakin ka

(Vlync)
Kahit na ano pa ang gawin ko
Kahit na san pa man magpunta (Tanging sa’yo lang ako)
Di ko lang talaga makuhang
(Curse One)
Sabihin sa’yo ang tunay na nararamdaman ng puso ngunit paano ba?
(Vlync)
Kung ako lang naman ang mayrong gusto sa’yo ngunit paano ba?
(Curse One)
Kung ikaw ang inaawit ng puso ngunit di masabi dahil baka balewalain mo lang

(Curse One & Vlync)
Balewala lang, balewala lang
Balewala lang, balewala lang
Balewala balewala lang
Balewala balewala lang
Kung ikaw ang inaawit ng puso ngunit di masabi dahil baka mabalewala lang

Curse One & Vlync - Paano Ba (Lyric Video)


Written by Curse One & Vlync
Mixed and Mastered by Christian Earl Valenzuela
J Rain Beats

Joshua Feliciano - Paano Ba (Official Music Video)


Official music video of "Paano Ba" by Joshua Feliciano.

Music and lyrics by Joshua Feliciano
Published by Viva Music Publishing Inc.
Produced by Civ Fontanilla and Pauline Lauron
Arranged by Choi Padilla
Guitars by Joshua Feliciano
Vocal Supervision by Pauline Lauron
Recorded by Joel Vitor
Mixed and mastered by Joel Mendoza
Recorded, mixed and mastered at Viva Recording Studios

Joshua Feliciano - Paano Ba Lyrics

Nahihiya, ‘di makasalita
Puro ngawa, wala namang gawa
Umuurong ang dila at natatakot pa
Baka kapag nalaman na
Ay bigla kang mawala

Sa ‘yong mga ngiti galing sa ‘yong labi
Sapat na para mapadama
Sa puso ko ang sumaya
O bakit ba
Bakit sobrang mong ganda

Alam ko na kung pa’no ka mapasaya
At mapanatili, mapanatili ang iyong sigla
Hawakan mo ang rosas na alay ko sa ‘yo
At aaminin kong

Sa ‘yong mga ngiti galing sa ‘yong labi
Sapat na para mapadama
Ang puso ko na sumaya
O bakit ba
Bakit sobrang mong ganda

Ako’y nahulog na sa ’yo
Sa ’yo
Sa ’yo oh oh oh
Sa ’yo oh oh oh

Sa ‘yong mga ngiti galing sa ‘yong labi
Sapat na para mapadama
Sa puso ko ang sumaya
O bakit ba
Mahal pa rin kita

Joshua Feliciano - Paano Ba (Official Lyric Video)


Official lyric video of "Paano Ba" by Joshua Feliciano.

Music and lyrics by Joshua Feliciano
Published by Viva Music Publishing Inc.
Produced by Civ Fontanilla and Pauline Lauron
Arranged by Choi Padilla
Guitars by Joshua Feliciano
Vocal Supervision by Pauline Lauron
Recorded by Joel Vitor
Mixed and mastered by Joel Mendoza
Recorded, mixed and mastered at Viva Recording Studios

Vanya Castor - Paano Ba (Music Video)


Paano Ba
Composed by Richanne Charms Jacinto
Interpreted by Vanya Castor

DIRECTOR: FRANK LLOYD MAMARIL
CAMERA: CRIS ZERNA
LIGHTSMAN: CONRAD VARGAS
EXECUTIVE PRODUCER: PAULO SANTOS
PRODUCTION MANAGER: JOSHUA TANAY
SEGMENT PRODUCER: AUBREY MORAL

Copyright 2019 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.

Vanya Castor - Paano Ba Lyrics

VERSE:
Eto na naman ako
Nakatulala
Ang puso'y nalilito
Di maintindihan
Ano ba ang dapat gawin
Ipaglaban o iwanan ang damdamin
Sana malinawan na ako
Sana masagot na ang tanong

CHORUS:
Paano ba kalimutan
Mga panahong pinatibok 'tong puso ko
Ayokong malaman na ako ay nagkulang
Sabagay eto lang ang kaya kong ibigay sayo
Ang magmahal sayo ng totoo

VERSE:
Lagi na lang ganito
Nahihirapan
At laging humihinto
Mga kamay ng orasan
Bakit ba ang hirap gawin
Ang iwasan ka't di na muling isipin
Lahat ay nagawa para sayo
Ngunit wala paring nagbabago

CHORUS:
Paano ba kalimutan
Mga panahong pinatibok 'tong puso ko
Ayokong malaman na ako ay nagkulang
Sabagay eto lang ang kaya kong ibigay sayo
Ang magmahal sayo ng totoo

BRIDGE:
Bakit hindi itinadhana
Bakit hindi pwedeng tayong dalawa
Sana hindi na lang ako umasa

CHORUS:
Paano ba kalimutan
Mga panahong pinatibok 'tong puso ko
Ayokong malaman na ako ay nagkulang
Sabagay eto lang ang kaya kong ibigay sayo
Ang magmahal sayo ng

MJ Cayabyab - Paano Ba Lyrics

Ngayo’y sakit nadarama
‘Di ko kinakaya
Hiling ko’y patawarin na
Pangakong ‘di na mauulit pa
Nagmamakaawa
Nagsisisi sa mga nagawa
Pagbigyan mo pa sana ako dahil

‘Di ko matiis
Hanap ko ay ang tamis
Tamis ng dating pagmamahalan
Oh, ‘di ko matiis
Ika’y sobrang nami-miss
Tuloy ngayo’y nahihirapan

Paano ba
Paano ko nagawang lokohin ka
Sana ako’y iyong patawarin pa
Oh pa’no ba
Maibabalik upang maitama ang mali
At subukan ulit nating dal’wa
Oh oh, sa ‘yo’y patutunayang ‘di na matutukso
At ‘di na muling lilingon sa iba
Papayag ka pa ba
Pagbigyan mo naman sana
Na maging tayo muling dalawa
Paano ba

Nagmamakaawa
Nagsisisi sa mga nagawa
Pagbigyan mo pa sana ako dahil

‘Di ko matiis
Hanap ko ay ang tamis
Tamis ng dating pagmamahalan
‘Di ko matiis
Ika’y sobrang name-miss
Tuloy ngayo’y nahihirapan

Paano ba
Paano ko nagawang lokohin ka
Sana ako’y iyong patawarin pa
Oh pa’no ba
Maibabalik upang maitama ang mali
At subukan ulit nating dalawa
Oh oh, sa ‘yo’y patutunayang ‘di na matutukso
At ‘di na muling lilingon sa iba
Papayag ka pa ba
Pagbigyan mo naman sana
Na maging tayo muling dalawa
Paano ba

Bigyan mo ng pagkakataon
Na maitama ko ang kamalian noon
Dahil

‘Di ko matiis
Hanap ko ay ang tamis
Tamis ng dating pagmamahalan
‘Di ko matiis
Ika’y sobrang nami-miss
Tuloy ngayo’y nahihirapan
Oh woah

Paano ba
Paano ko nagawang lokohin ka
Sana ako’y iyong patawarin pa
Oh pa’no ba
Maibabalik upang maitama ang mali
At subukan ulit nating dalawa
Oo, sa ‘yo’y patutunayang ‘di na matutukso
At ‘di na muling lilingon sa iba
Papayag ka pa ba
Pagbigyan mo naman sana
Na maging tayo muling dalawa
Paano ba