Pinoy Radio Here:

OPL Archive

Milla - Paano Lyrics

Tila ba kahapon lang
Nang tayo’y nagsumpaan
Hindi natin iiwan
Samahang ito magpakailanman
Ano nga bang nagbago
Bakit ako ay bigo sa’yo

Sinabi mong pag-ibig mo’y wagas
Bakit ngayon tila wala ng bukas

Pano ba kita malilimutan
Kung buhay ko sayo’y nilaan
Kahit anong pilit di magawang
Limutin ang ating nakaraan
Pano ba kita malilimutan
Kung sayo pa’rin nakalaan
Itong puso kong nagsusumamo
Kung paano

Ikaw ba ay nanlinlang
O sadyang ganon ka lamang
Nais kong malaman
Bakit lumisan anong dahilan
Bakit ba pinagtanto
Ang mundo ko pala’y guguho

Sinabi mong pag-ibig mo’y wagas
Bakit ngayon tila wala ng bukas

Pano ba kita malilimutan
Kung buhay ko sayo’y nilaan
Kahit anong pilit di magawang
Limutin ang ating nakaraan
Pano ba kita malilimutan
Kung sayo pa’rin nakalaan
Itong puso kong nagsusumamo
Kung paano

Sinisigaw ng puso ko
Pangalan mong hanggang pagtulog ko
Magpahanggang ngayon umaasa
Na tayong dalawa’y magkasama
Sa habang panahon
Mamahalin kita…

Pano ba kita malilimutan
Kung buhay ko sayo’y nilaan
Kahit anong pilit di magawang
Limutin ang ating nakaraan
Pano ba kita malilimutan
Kung sayo pa’rin nakalaan
Itong puso kong nagsusumamo

Kung paano

Erik Vargas - Paano Lyrics

Paano kung wala ka na?
Paano ba ang mag-isa?
Mula nang makasama ka
Kung paano’y limot ko na

Paano ang pag-ibig ko?
Kung di rin lang laan sa’yo
Ang buhay ng ating mundo
Di ko alam kung paano

Bago ka lumisan sana’y maturuan mo
Na iwasan ang bawat nakasanayan ko
At limutin na ang maghintay lagi sa’yo
Paano ba ito

O, kay daming bagay na hindi ko na alam
Tulad ng lumuha at sa ‘yo ay magdamdam
Dahil naniwalang labis mo akong mahal
Laman ng bawat mong dasal

Paano’ng aking gagawin?
Kung di mo na ako pansin
Kung ito’y panaginip din
Paano ba ang magising

Bago ka lumisan sana’y maturuan mo
Na iwasan ang bawat nakasanayan ko
At limutin na ang maghintay lagi sa’yo
Paano ba ito

O, kay daming bagay na hindi ko na alam
Tulad ng lumuha at sa ‘yo ay magdamdam
Dahil naniwalang labis mo akong mahal
Laman ng bawat mong dasal

Bago ka lumisan sana’y maturuan mo
Na iwasan ang bawat nakasanayan ko
At limutin na ang maghintay lagi sa’yo
Paano ba ito

O, kay daming bagay na hindi ko na alam
Tulad ng lumuha at sa ‘yo ay magdamdam
Dahil naniwalang labis mo akong mahal
Laman ng bawat mong dasal

Paano ba aking mahal

Knobby & Mian - Paano Lyrics

Tila itinadhana ng panahon na pagtagpuin
Upang maging disenyo ng aking buhay at mahalin
Dahil sa iyong itsurang kaaya-aya
Isang anghel na lahat ay kayang ipaubaya
Anim na buwan kitang sinuyo ang niligawan
Ngayong hawak na ang kamay mo ay di bibitawan
Para bang pag kasama ka ay nililipad sa langit
At tanging tinig mo ang nakapagbuo ng awit
Saking isipan hanggang patuloy ko’y ikaw
Ang nagpainit ng mga gabi kong maginaw
Simula non ay wala na kong naging ibang hangad
Kundi pasiyahin ka lang hanggang tayo’y magkaedad
Para kang bulaklak at ako ang paru-parong dumapo
Na mag-aalaga sa buo mong pagkatao
Ngunit sa isang iglap relasyon natin ay lumabo
Sa mga mata ko ay para kang ulap na naglaho

Ngayon na wala ka na sa piling ko
Paano na mga pangarap na pinaplano at ating binuo
Paano at saan magsisimula ang tanong ng aking puso

Siguro nga ay hindi talaga ikaw at ako ang syang nakatadhana
Dahil kung ikaw yon siguro hanggang ngayon ay masagana
Tayo’y matiwasan walang problemang kaakibat
At lagi lamang akong nakaakbay sayong balikat
Ngunit bakit ang laging tanong saking isipan di mabura
Para ako’y paikutin mo lamang sayong kamay at iwanang mag-isa
Akala ko ba isa kang anghel pero balat kayong may itim na pakpak
Wala naman akong ginawang masama para isukli mo sakin ay pag-iyak
Ngayon ay hindi ko alam kung saan tutungo ang mga paa
Para hanapin ka’t mahagkan ko at sabihin na mahal na mahal kita
Di ka na mabura saking isipan na para kang naging isang bangungot
Di ko na din alam kung pano pa ko makakabangon at muling makalimot
Laging alak na lamang ang naging karamay sa tuwina
At kung babalik ka pa malamang nga ay hindi na
Salamat sa mga araw na kay saya natin
Hiling ko na lamang na ang pinaramdam mo sakin ay huwag mong danasin

Ngayon na wala ka na sa piling ko
Paano na mga pangarap na pinaplano at ating binuo
Paano at saan magsisimula ang tanong ng aking puso

Sana nga ay masaya ka na sa piling ng iba
Gusto ko lang sabihin na ang dibdib ko ay nabuo na sa pagkagiba
At buhat ng lokohin mo ako ay mas lalong tumatag
Hindi katulad mo na patalikod kung lumaban at duwag
Oo inaamin ko hindi lang naman ikaw ang may pagkukulang
Pero sana kinausap mo muna ako ng masinsinan
Hindi yung agad agad na parang linta kana sa kanya kumakapit
Kaya ka pala sakin umiiwas sa tuwing lalapit
Nagulat na lang ako nung minsang kasama kita ay may tumawag
Sayo na ibang lalake sana naman ay hindi ka pumayag
Na makapasok sating relasyon na matagal ko ng pinag-iingatan
Kahit na nag-aayaw tayo ni minsan di kita pinagbuhatan
Ng kamay dahil nga ikaw ay aking nirerespeto
Kahit na para sa akin ay multo ka na lang sa litrato
Oo maginhawa na ko’t napag-isip isip ko na
Sa larangan ng pag-ibig di na magpapakatanga

Ngayon na wala ka na sa piling ko
Paano na mga pangarap na pinaplano at ating binuo
Paano at saan magsisimula ang tanong ng aking puso

Ngayon na wala ka na sa piling ko
Paano na mga pangarap na pinaplano at ating binuo
Paano at saan magsisimula ang tanong ng aking puso…