Pinoy Radio Here:

Mitsa - Pasakit Lyrics

Sumusulyap ka na naman
Iniisip ang dahilan
Kung bakit siya pang minahal
Kung sinu pang walang dangal

Abot kaluluwa ang sakit
Pagkat siya’y di maipilit
Na ituwid ang mali
Lalo na’t para sa iyo’y

Ito’y pasakit bawat kilos niya’t galaw
Isipin mo na lang
Lahat may paraan
Lagi lang may dahilan

Tuwing gabi’y nasasabik
Ang kaibigan na matalik
Na mayroong angking sakit
Na bawat araw mong bitbit

Ang yong isip nalilito
Ang puso mo’y gulong gulo
Di maituwid ang siyang mali
Lalo na’t para sa iyo’y

Ito’y pasakit bawat kilos niya’t galaw
Isipin mo na lang
Lahat may paraan
Lagi lang may dahilan

Abot kaluluwa ang sakit
Pagkat siya’y di maipilit
Na ituwid ang mali
Lalo na’t para sa iyo’y

Ito’y pasakit bawat kilos niya’t galaw
Isipin mo na lang
Lahat may paraan
Hanggang may dahilan