Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Apekz - Pasulyap Sulyap Lyrics

Gusto ko na mapasakin ka, pero hindi ko naman maamin na
May gusto ako sayo kinakabahan ako hindi ko man lang magawang biglang lumapit sa
Isang katulad mo na para bang prinsesa ang pera ko lang ay pambili ng selecta
Sa dami ng manliligaw daig pa sa ginebra tapos yung tatay mo tindi pa ng depensa
So pano na yan ano nang gagawin ko baka may syota ka na sa susunod na linggo
Naging piti kotse na dumadaan sa inyo eh kung ako yun baka sarahan ng pinto
Kaya nag kulong na lang maghapon saaking tahanan tatanggalin ko na lahat ng yong mga larawan
Gusto ko ng sumuko taas na ang puting bandila kaso pag tanggal ng pako ay mayron akong nakita

Pasulyap sulyap di ko alam kung bakit ba takot mag balak
Dito ko na lang idadaan ang lahat alam ko na mali pero mas madali sa sa sa pasulyap sulyap

Pawis na pawis na sa kakatayo baka makita ako'y nagtago
Palingon lingon kaya hindi maka diretso kapag naka lingat sige balik ulit sa pwesto
Eto ba yung tinatawag na pagibig, pagibig na nakuwa ko lang sa akin pagtitig
Di ko sinasadya hindi ko rin pinilit okay lang sa akin kahit na maghapon na naka silip
Makita ko lamang siya kahit anong posisyon ay maganda kapag ako'y nagsabi at malaman niya
Sa diskarte ko walang aagaw pa at sana nga di niya ito mahalata kasi araw araw ko na nga itong ginagawa
Wala akong magagawa kung ako man ay mataya ganon na talaga makasalanan ang mata kaya

Pasulyap sulyap di ko alam kung bakit ba takot mag balak
Dito ko na lang idadaan ang lahat alam ko na mali pero mas madali sa sa sa
Pasulyap sulyap di ko alam kung bakit ba takot mag balak
Dito ko na lang idadaan ang lahat alam ko na mali pero mas madali sa pasulyap sulyap

Dumaan ang mga araw wala pa rin nagbago ayos na to kesa naman biglang maglaho
Nakakapagod din pala yung tago ng tago pero sa dami ng nakita ko yon masaya na ako
Ang problema parang may mali nung huling tingin ko siya'y naka ngiti
Tapos ako'y biglang hindi mapakale binulabog ng pintig na nakaka binge
Ako'y napatabi sa gilid, simpleng tingin ng tahimik
Bumigat ang hangin ang aking ikanagulat nung ika'y lumapit sa akin at ako ay kinausap
Panaginip lamang to maniniwala bako tapos sabi mo sa akin alam mo na ang ginagawa ko
Meron kang binulong naging mulat aking mata pag di ako nakatingin sumusulyap ka rin pala

Pasulyap sulyap di ko alam kung bakit ba takot mag balak
Dito ko na lang idadaan ang lahat alam ko na mali pero mas madali sa sa sa
Pasulyap sulyap di ko alam kung bakit ba takot ba mag balak
Dito ko na lang idadaan ang lahat alam ko na mali pero mas madali sa pasulyap sulyap