Pinoy Radio Here:

OPL Archive

Stick Figgas - Suicide Note Lyrics

Masaya yan ang salitang aking nadarama kapag kasama ka
Naaalala mo pa ba?
Nung nangarap tayo ng sabay, magkahawak ng kamay
Sa buhay na to sinasamahan mo kong maglakbay
Ngayon hindi ka na ganun kalambing
Nang tinanong kita kung bakit 'Wag mo nang alamin'
Ba't bigla kang nag-iba? Meron ka na nga bang iba?
At sinagot mo ako 'Gusto ko lang mapag-isa'
Hanggang sa, nahuli kita na may kahawak at kayakap
Kaya naman unti-unting nawasak ang pangarap ko sa yong pakakasalan sa simbahan
Ayos na sana ang lahat bakit mo pa sinayang?
Ano ang ginawa mo? Bakit mo ko ginago?
Di ko man lang alam na meron kang tinatago
Kaya pala tinatawagan ka palagi kang wala
Kapag naman kasama ka ako'y binabalewala
Ako ay umuwing nakayuko
Pinagsusuntok ang dingding hanggang sa kamay ko ay magdugo
Ubos na ang luha ko sa kakaiyak
Kung gusto ko pang mabuhay di ko matitiyak
Sabi ng iba sa akin dapat daw akong lumaban
Ang sabi ko naman wala ng dapat pagusapan
Iniwan mo ko tapos na ang lahat sa atin
Eto ang iniwan ko bakit di mo na lang basahin

Chorus:
Wala ng kwenta ang mabuhay, mas gusto ko pang pumanaw
Wala ng kwenta ang lumaban, mas gusto ko pang pumanaw
Wala ng kwenta ang umasa, mas gusto ko pang pumanaw
Ngayon tapos na ang lahat, paalam na mundong ibabaw


Tinatanong sarili ko ba't ka pa minahal
Kapit ko na ang patalim balak ng magpatiwakal
Pagkat ang lahat lahat sa yo laro lang pala
Sa tagal ng pagsasama natin anong napala?
Di ko nga maintindihan kung bakit galit ang naghari
Minsa'y nais maglaslas gamit ang aking lagari
Dagdag ng magulang kong lagi kung magbangayan
Kung pwede lang silang sabihang 'Pwede tama na yan!?'
At sana pala nalaman na habang maaga pa
Para di na lang ako nasaktan pa
Kasi di ko na talaga kaya baka maloko na
Poot at galit ang nadarama kaya ayoko na
Oo na maganda ka hindi ko matatanggi
Mabango ka sa panlabas pero nuknukan ng panghi
Mahal pa rin kita sa kabila ng ginawa mo
Huli na ang lahat sige na mauna na ko

Bridge:
Ipagdasal mo na sana sa langit ako mapunta
Ang papel ko sa mundong ito ay tapos na
Sa puso ko na duguan laging naron ka
Laging naron ka
(Repeat twice)

(Repeat Chorus)

Nagdarasal ako sa Diyos pati sa mga santo
Tinatanong kung ano nga bang naging kasalanan ko
Kung bakit mo ko ginaganto bakit iniwan mo ako
Tuloy gulong ng buhay ko tumigil na sa pagtakbo
Sana mapatawad Niya ako sa aking gagawin
Ang bigat na nito di ko na kayang dalhin
Kahit maglasing hindi pa rin matanggal ang sakit
Tumira ng damo pero wala pa ring epekto
Eto na lang ang natatanging paraan
Nilaslas ang pulso ng pahalang gamit ang kalawanging patalim
Hanggang sa ako'y nanghina't paningin ko'y nagdilim
Eto ang aking hiling
Alam mo naman kung san ako mapupunta
Ipagdasal mo na lang aking kaluluwa
At pag nabasa mo na 'to at lumamig biglang ginaw
Ibig sabihinin nun sa kwarto mo di lang ikaw

Ron Henley - Platito Lyrics

Mga mahiyaing nilalang sa higanteng mga bulak
Nandyan lang sa paligid ayaw pang manga-usap
Mga imahe payat ngunit ang laki ng utak
Nag-iwan ng markang palaisipan ng sulat
Ako ay nagmasid mula hilaga hanggang timog
Sa isang iglap silay nakatawid
Ang araw at buwan nagkapikunan
Kaya may nagliliparang mga plato't platito sa himpapawid
Sino bang bisita ang 'di mag nanais dumalaw
Sa bahay kung san basang-basa ng pawis ng araw
May mga nakakita't nagkakuliti na sila
Mga mata nila'y dilat ngunit pikit pa yung isa
Sa likod ng mga bituin rinig ko ang bulungan
Mistulang mga bubuyog tayo ang pulot pukyutan
Madaming takdang pananong ang natutubuan
At pano nga kung sila ang may dala ng kasagutan
Mga sina-unang batong magkakapatong
Minsan nang nilamon ng dambuhalang alon
At sinakal ng usok na sadyang nakakalason
Misteryo parin kung anong nangyari nung kahapon


Sumamba sa mga puno hayop at anito
Nawala ang panghimagas na hinain ng platito
Pambihirang kaalama'y tuluyang nalunok
Biglang usbungan ang mga gusaling hugis tatsulok
Pano kung ang buhay sa mundo ay ang konsepto
At tayong mga naninirahan ang proyekto
Tayo nga ba ay nilagay para pag-aralan
O para ihanda lang sa hinaharap na laban
Sa pagitan ng mabuti't kabaligtaran nito
Alam ko na sa iba isang kahibahangan ito
Maaaring lamang sila sa kagamitan
Gamit ang kanilang natatanging agham
Marahil tingin nila sa atin langgam
Paugain lang ang sahig kaya tayong saktan
Pero wala silang alam sa bagay na meron tayo
Ang pinaka mahiwaga sa mundo ng mga tao

Ang pag-ibig
Ang pag-ibig
Ang pinaka mahiwaga sa mundo ng mga tao
Ang pag-ibig
Ang pinaka mahiwaga sa mundo ng mga tao
Ang pag-ibig

Ron Henley - Kwentong Barbero Lyrics

Sige punta ka pa sa dilim,
pero wag kang kukurap talasan ang paningin,
Teka
BALDO! parang may nakita ako, "ANO?"
isang bampirang kalbo TAKBO!
Hanggang
makakita tayo ng matutuluyan
kasi mukhang malapit ng bumagsak ang ulan
pero
buti nalang nakakita kami ng isang
lumang bahay sa gitna ng
kakahuyan
"Sandali lang, ano yan?
sigurado ka bang may nakatira pang tao
dyan?"
Sinubukan kong tingnan at kinatok ang pinto,
sabay biglang bukas nito
at ako'y napahinto
sa lumitaw na kubang may dalang kandila
at buhay na ata
panahon pa ng kastila
at dinala nya kami saming tutulugan
at tila ba dun na
kami matutuluyan
sabay ang mga balahibo ko ay nagtayuan
biglang lumamig at
ako'y kinilabutan ng...

CHORUS:
BA-HAG-YA at WA-LANG-YA!

Dahil kumakalam
na ang aking tiyan,
alas-nuebe na, may makakain ba tayo dyan?
dumating na nga
si lolo at nagsalita narin sa wakas
kami'y niyaya nyang kumain sa labas
sa
labas? si lolo sadyang mapagbiro
yun pala kakain lang kami sa labas ng
pinto
gutom ako pero konti lang ang nakain ko
kasi ang lasa tingnan ko kung
kakayanin mo
bibihira lang daw na may napapadpad don
nagkakatao lang don pag
may nagbabakasyon
si lolo pala medyo may pagkaseryoso
biglang hugot nya ng
isang bote ng GENEROSO
"ABA ayos yan, inuman,
may libre pang pulutan, lamang
loob at balun-balunan."
natapos ang inuman ganun din ang
kwentuhan
nagpasalamat sa masarap na hapunan
ewan ko ba't balahibo ko'y
nagtayuan
biglang lakas ng hangin at ako'y kinilabutan
ng...

CHORUS

Pagkat nalalanghap ko panay alikabok
kaya siguro di ako
dalawin ng antok
may kumatok baka si lolo tatagayan pa tayo
pero pagbukas ko
wala namang tao
tinawag ko si BALDO pero tulog na
tatanungin ko sana kung san
na napunta
ang rosaryo kong dito lang nakalagay
"Ano ba yung amoy na yun?"
Bulaklak ng patay
humiga nalang sa kama, nagtalukbong ng kumot
inisip ko isa
lang tong bangungot
nasa kanan ko si BALDO pero sa kaliwa may tumabe
naisip
ko bigla, TEKA! dalawa lang kame
si BALDO nagsalita kanina pa pala
gising
napansin nya kasing parang may nakatingin
nakakandado ang pinto patay
kulong na tayo
napatigil nung biglang may umalulong na aso
sabay ang mga
balahibo ko ay nagtayuan
biglang lumamig at ako'y kinilabutan
ng...

CHORUS

Pagtingin ko sa likod, lolo andyan pala kayo
laking gulat
namin nung nag-iba sya ng anyo
bigla na lamang tumugtog ang kanta ng
PAROKYA
OKATOKAT! dun natapos ang istorya...

Ron Henley - Ulila Lyrics

I.
Ang kulay puti, bughaw, dilaw, napalitan
Sinakop ng mga uwak ang kalangitan
Sa bigat ng kaulapan parang uulan
At parang bagong taon kung mag-ututan ang mga bulkan
Sunod-sunod na pagsabog ng granada
Mga katawang nakahandusay sa kalsada
Mga mukha ay duguan, di na makilala
Ganto pala ang tunay na kulay ni kirara
Kahit sanka tumingin usok ang itim
Sa kapal kaya nyang takpan ang mga bituin
Isang kidlat, kasunod ng kulog
Kasabay ng isang malungkot na tunog
Teka nasan yung iba? ako lang ba ang natira?
Ako lamang mag-isa at hinahanap kita
Lubos na nagtataka, bakit di kita kasama?
Ganto ang larawan ng aking mundo kapag wala ka uh

Koro:
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa? 3x
Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa

II.
Anong kaguluhan to? Anong nangyari dito?
Nilamon ng apoy ang luntiang paraiso
Kulay pulang anyo ng tubig, daanan ay maputik
Nasunog ang lahat ng palayan sa bukid
Galit ang hangin na sa akin ay humampas
Na nagdala sakin patungo sa isang talampas
Ahit na kagubatan, nakalbong kabundukan
Habang humahaba ang buhok ng kalungkutan
Dito namahay ang hari ng kadiliman
Pailalim makatingin at di ka titigilan
Tinanong ko't tinitigan, kung kelan sya lilisan
Mahal nya daw ang mundong 'to at di nya maiiwan
Puro ungol at sigaw ng mga kaluluwang ligaw
Hinahanap ay ikaw
Sadyang nakakatakot ang pook nato pag di kita kasama
Ganto ang larawan ng aking mundo kapag wala ka, uh

Koro:
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa? 3x
Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa

Koro 2:
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama 3x
Diba sabi mo babalik ka ng maaga?
Pano nako kung wala ka, magsalita ka

III.
Wala nakong liwanag na masipat
Sumuko na yung araw, ayaw nang sumikat
Ayoko na dito, gusto ko ng lumipat
Hayaan nyong tapusin ko ang aking paghihirap
Nagkalat sa hangin ang amoy ng mga
Patay na kandila at mga rosas na lanta
Ang tanging tinig mo ang nais kong marinig
Hanap ang iyong yakap at bibig sa twing ganto kalamig
Hindi, hindi ako susuko
Ako'y lalaban hanggang wala ng dugong tumulo
Kasi ikaw lamang ang tanglaw sa gabing mapanglaw
At sana sa pagdilat ko ikaw ay matanaw
Pagkagising ko natagpuan ko ang sarili ko
Wala ka sa aking tabi't nalilito
Ganto kagulo ang isip ko pag di kita kasama
Pano nako kung wala ka, magsalita ka...

Koro:
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa? 3x
Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa

Koro 2:
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama 3x
Diba sabi mo babalik ka ng maaga?
Pano nako kung wala ka, magsalita ka

Abra ft. Loonie & Ron Henley - Cerberus Lyrics

ABRA:

Sige pumasok ka sa loob ng aking utak utak utak ko!
Sige bilisan mo pa ha hanggang sa madapa kasi ang kupad kupad mo
Takbo para di ka maabutan, kinikilabutan, kinatatakutan mo
Kapag nahuli ka patay kang bata ka na para bang nakunan sa sinapupunan uh
Isa dalawa tatlo kilala bilang mga sira ulo
halatang inakala ng iba
na di makapangyarihan ang mga ginayuma
wasak ang mga talukap ng mga masangsang na alamang at talangkang walang alam at halatang nagtatakang naghahatakan ng pababa ng pababa lang hanggan sa hangganan ng walang hanggan
Puro mga inggitero na bagot, oo mga feelingerong nayamot
pano niyo ko hihilahin sa balong malilim e hindi niyo nga ko maabot
bratatatatatara chik chik bang! o di ba nakakatakot?
pagkat di nyo matatakasan ang boses ng kabataan
kapag sure hit na ang mga pasabog
sino ba yan? sinubaybayan at sinabayan nanaman ng buong sambayanan
kahit gago,makabago, makatao at makatarungan eto na si abra tantananan.
di man katangkaran pero nakayanang umakyat sa pedistal at gumawa ng himala
binatang makatang matinik na kakaiba talaga mag-isip miski maliit
ang dami paring mga tumitingala braaaa!

LOONIE:
Sige pumasok ka sa loob ng aking utak
pwede mo itong ihalintulad sa isang higanting pintuang di mo maitulak
tignan mo itsura, di mo masikmura parang ginawa mo inumin ang suka
wag kang umasa na mangyari magka-chansa ka sakin, kasi distansya natin
bituwin at lupa
libu-libong sinagupa binaon parang basura pinipicturan ko muna
bago ilibing sa lupa primitimong lirisismo pipilitin kong pihitin
kung tingin mong kiliti mong imposible kong makuha pilipinong sining
at literaturang hinaluan ng mga bara na parang hiroglipiko masulat
mga titik na inipon at sinukat ay nagiging ipo-ipo pag hindi ko naisuka
pag ako nagalit, papaupuin kita sa dala ko na karet
ako si kamatayan bumaba mula sa langit

alam mo ba kung bakit? para sindihan ka nang buhay
hanggang sa malapnos ang balat at makalbo ang anit
pag parang kambing na yung amoy papatayin ko yung apoy palakol ang gamit
sige pumasok ka pa sa loob ng aking utak
hinulma ng usok, puyat, Kuya Kiko at ni 2pac
susubukan kong unatin at sukatin sa talampakan
upang makita nila lampas bente ang taas
maaring makapasok kaso nga lang pag pintua'y nagsarado siguradong
di na pwedeng lumabas

RON HENLEY
sige pumasok ka sa loob ng aking utak
para kang umakyat ng banahaw at naligaw sa gitna ng gubat
di mo maintindihan parang dikit dikit na sulat ng doktor
mga kabit-kabit na letrang parang tren pinanakbo pa rin
kahit akala ng iba'y kinakalawang ang motor
Hawak ko'y tinidor na mula kay Poseidon at Shiva
Pag tinamaan nang lintek siguradong may baong matataas na along
kayang lumamon ng isla
salamat ginising mo ang pinakamatangkad sa limang daliri ko
uso ata ang utak at uso pa bato panahong paleolitiko
masdan mo ang sugat sa likod ng larawang ng mga multong di na nagparamdam
dati'y binabahayan ng pula ngayon nama'y binabawi na ng mga itim na langgam
Naramdaman ang nagbabagang lupa mula sa bala ng shaman
nagpatangay sa hangin hanggang sa mapadpad sa patag
na dapat lakaran pag daan ko mga aso kumahol
yung iba ay naglabas ng pala, piko, asarol
sinubukan nilang hukayin ang lalim ngunit natagpuan lang nila ay ang kanilang
sariling ataol
tanggalin niyo na muna ang mga muta sa mata na nakabara hala sige maghilamos
nang makita niyo na mga patay na isda lang ang sumasabay sa agos.