Pinoy Radio Here:

OPL Archive

Salbakuta - Selfie Selfie Lyrics

Lyrics Not Available

Bendeatha - Birador Lyrics

Ito’y isang istorya tenga nyo’y ipahiram
Hindi ko naranasan ang aking kamusmusan
Umpisa ng pagkatao’y nahuhubog sa tahanan
Ngunit dito nakaranas ng unang karahasan
Nagkalat na kubyertos, basag-basag na plato
Magulang na nagmumura habang nagtatalo
Sa mura kong edad natutong magtrabaho
Kinayang harapin ang araw-araw na peligro
Kinita ko na pera ay alay kay inay
Na dapat sumapat takot na ko na magkalatay
Ayoko magtanong kung meron ba na makakain
Ayokong magulpi dahil yun lang ang ihahain
Di ko naramdaman ang tamang trato ng magulang
Mas naging pamilya ko mga nagiging kaibigan
Wala ng halaga kung saan man mapadpad
De masama man o mabuti diretso lang ang lakad

Sa paglipas ng taon ganap na kong hulmado
Kilala sa bawat sulok, sa kalye respetado
Namulat sa mundong puno ng galit at dahas
Na walang mapapala kung ikaw ay paparehas
Hindi na importante kung paano ka kikita
Dahil mas mahalagang magkalaman ang sikmura
Kahit di na masikmura pero dapat tanggapin
Kahit alam mo na mali pero dapat mong gawin
Ultimo’y minamahal mo’y kusang tumalikod
Kinapos kang unawain, kusa ng napagod
Lahat ng pangyayari katumbas ay sakripisyo
Ilegal man na gawain, ito’y aking negosyo
Sa dinadaanan ko, wag tangkaing humarang
Dahil kapalaran mo kaya kong itimbang
Ituring mo kong kaibigan, wag gawing kaaway
Ayokong maglista ng paang magpapantay

Malawak ang mundo pero naging limitado
Sa isang mali na tao at hindi tamang trabaho
Saan man mapadpad hirap magkatuwang
Komonidad na matatawag pero di kabilang
Masikip na ang lugar sa inaasahang trato
Kumikitil ng buhay basehan lang ay litrato
Namumulang mata walang awa sa katawan
Isang buhay ay kapalit ng pera-perang dahilan
Pagkapit sa patalim kailangan kong gawin
Sa paghingi ko ba ng tawad maaaring patawarin
Sarili kong kunsensya tuluyan ng lumisan
Umabot na sa puntong naging salot ng lipunan
Ako’y nagsusumamo bitbit ang isang dalangin
Magawa mo pa kaya na ako ay patawarin
Sa iyong kaharian ako pa ba ay may espasyo
Ikaw ang humusga kung sa langit o impyerno

Bendeatha of Salbakuta ft. Jay R - Kung Para Sayo Lyrics

1ST VERSE
WALANG PATID NA SAYA SA UNANG PAGKIKITA
DI LUBOS AKALAIN NA IKAY MAKIKILALA
NANG PANGALAN MOY NALAMAN KABA ANG NADAMA
AKING NARANASAN TALAGANG KAKAIBA
MAY KUNG ANO SAYO NA SAKIN DI MAPALIWANAG
NA PARA BANG AKOY NAKAKITA NG LIWANAG
AT SOBRANG NINGNING NG IYONG MGA MATA
PARA BANG BAWAT MINUTO NA NA NAIS MONG MAKITA
LABI NA MAYUMI TAGLAY SIMPLENG NGITE
ANUMANG URI NG PAGOD BIGLA BANG MAPAPAWI
MAARI BA AKONG MAY MAIBIGKAS
SAKING SALITA SAAN KUKUHA NG LAKAS
NG LOOB (UHHH) SA AKING SASABIHIN
MAY ISANG BAGAY SA IYO NA AAMININ
TAKOT AKO DAHIL BAKA DI MAPAGBIGYAN
GAMIT ANG AWIT NATO SANAY PAKINGGAN

chorus:
DI MO BA ALAM NA IKAW ANG PANGARAP KO
DAMDAMIN KO AY DI MAGBABAGO
DI KO KAYANG LIMUTIN ANG TULAD MO
SANA AY MALAMAN MO ITO
DIMO BA ALAM NA IKAW LANG SA PUSO KO
LAHAT GAGAWIN KUNG PARA SAYO
PAGLIMOT AY WALA SA ISIPAN KO
BASTAT AKO AY MAGHIHINTAY KUNG PARA SAYO

2nd verse
KUNG PARA SA IYO LAHAT AY AKING GAGAWIN
PAG AALINLANGAN AY AALISIN
LAHAT NG PAGSUBOK AY SUSUUNGIN
PATUTUNAYANG MALINIS ANG HANGARIN
SA IYO NA DI NA TITINGIN PA SA IBA
DAHIL PARA SA ALIN IKAW AY SAPAT NA
AT KARAPATDAPAT NA ITURING PARANG REYNA
AKO ANG IYONG HARI SA AKIN AY SUMAMA
PURONG PAG IBIG ANG SA ATIY MAGHAHARI
KALUNGKUTANG NARANASAN AKO ANG MAGPAPAWI
HANDA KANG IHATID PAPUNTANG LIGAYA
WALA NANG IBA IKAW ANG NAIS MAKASAMA
WAG SANANG IPAGDAMOT ANG PAGKAKATAON
ANG ATENSYON NAIS SAYONG ITAON
PINAGLAPIT NG KUSA TAYO NG TADHANA
KUMAPIT KA SA AKIN PAPUNTA TAYO SA TAMA
SABAY NATING LAKBAYIN ANG SUSUNOD NA KABANATA
HANDA KITANG SAHAN SA ATING PAGTANDA
IKAY AKING MUNDO NA NAIS KONG IKUTIN
IKAW ANG KATUPARAN SA AKING PANALANGIN
ISA NA LAMANGVSANA ANG NAIS KONG MAKITA
NA SANA AY MAKUHA NA ANG IYONG TIWALA
ISINUKO NA SAYO NAGPAKA TOTOO
DAHIL LAHAT ITO AY PARA SA IYO

chorus:
DI MO BA ALAM NA IKAW ANG PANGARAP KO
DAMDAMIN KO AY DI MAGBABAGO
DI KO KAYANG LIMUTIN ANG TULAD MO
SANA AY MALAMAN MO ITO
DIMO BA ALAM NA IKAW LANG SA PUSO KO
LAHAT GAGAWIN KUNG PARA SAYO
PAGLIMOT AY WALA SA ISIPAN KO
BASTAT AKO AY MAGHIHINTAY KUNG PARA SAYO

bridge:
PAG IBIG MO AY AALAGAAN
KATUMBAS NG BUHAY NA DAPAT INGATAN
NGITING TAGLAY HATID AKING LIGAYA
PANALANGIN MAKAPILING KA NA

chorus:
DI MO BA ALAM NA IKAW ANG PANGARAP KO
DAMDAMIN KO AY DI MAGBABAGO
DI KO KAYANG LIMUTIN ANG TULAD MO
SANA AY MALAMAN MO ITO
DIMO BA ALAM NA IKAW LANG SA PUSO KO
LAHAT GAGAWIN KUNG PARA SAYO
PAGLIMOT AY WALA SA ISIPAN KO
BASTAT AKO AY MAGHIHINTAY KUNG PARA SAYO