Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Jon Sawac - Sandata Lyrics

Huwag mag-alala, wala nang iba
Tanging iibigin, ikaw talaga
Bawat sandali naiisip kita
Kahit sa pagtulog ay panaginip ka

Sa’yo ay pangako
Hinding-hindi ka sasaktan
Ang aking pag-ibig
Ay aabutin ng kailanman

Sa unos man o bagyo
Naririto ako
Araw o gabi, bawat sandali
Makakasama mo
‘Di ka mag-iisa
Kahit na kailan pa
Bawat sandali sasamahan kita
Dahil puso ko ang aking sandata

‘Di magdaramdam, sa’yo ay ganyan
Ikaw ay prinsesa, sa aking kaharian

Sa’yo ay pangako
Hinding-hindi ka sasaktan
Ang aking pag-ibig
Ay aabutin ng kailanman

Sa unos man o bagyo
Naririto ako
Araw o gabi, bawat sandali
Makakasama mo
‘Di ka mag-iisa
Kahit na kailan pa
Bawat sandali sasamahan kita
Dahil puso ko ang aking sandata

Ohhhh…
Wohh.. oh.. wohhh…

Sa unos man o bagyo
Naririto ako
Araw o gabi, bawat sandali
Makakasama mo
‘Di ka mag-iisa
Kahit na kailan pa
Bawat sandali sasamahan kita
Dahil puso ko ang aking sandata

Jon Sawac - Sandata (Official Lyric Video)

Sandata (Official Lyric Video)
Artist: Jon Sawac
Composer: Vehnee A. Saturno
Publisher: Vehnee Saturno Music Corp

Sarah Geronimo - Sandata (Official Music Video)

The official music video of "Sandata" by Popstar Royalty Sarah Geronimo.

“Sandata”
Lyrics by: Nica del Rosario
Music by: Julius de Belen & Nica del Rosario
Published by: Viva Music Publishing, Inc.

Produced & arranged by: Bojam for FlipMusic Productions Inc.

Sarah Geronimo - Sandata (Official Lyric Video)

The official lyric video of "Sandata" by Popstar Royalty Sarah Geronimo.

“Sandata”
Lyrics by: Nica del Rosario
Music by: Julius de Belen & Nica del Rosario
Published by: Viva Music Publishing, Inc.

Produced & arranged by: Bojam for FlipMusic Productions Inc.

Sarah Geronimo - Sandata Lyrics

Hmmm... ohhhh oh oh
Napapaligiran ng kung anu-ano kagulu-gulu-gulu-guluhan
Hindi alam kung san ang ating patutungahan
Ang kalalabasan ng kinabukasan
Ikaw lamang tanging kasiguraduhan
Sa lahat ng alinlangan

Sa digmaan na ito, ikaw lang ang sandata ko
Baligtarin man ang mundo oh oh
Ipaglalaban ang pagibig mo
Ako ay iyo

Ang yakap mo ang siyang aking panangga
Salita mo ang siyang balaraw
Buong daigdig man ang aking kalaban
Hinding hinding hindi mapipigilan
Hanggang sa ito rin ang siyang nakatakda sa aking tadhana
Kung ang kahihinatnan ng ito'y ikaw lang ang makakasama

Sa digmaan na ito, ikaw lang ang sandata ko
Baligtarin man ang mundo oh oh
Ipaglalaban ang pagibig mo
Ako ay iyo

Giliw, di na magbabago bumaliktad man ang mundo ako ay iyo
Giliw, di na magbabago bumaliktad man ang mundo ako ay iyo
Giliw, di na magbabago bumaliktad man ang mundo ako ay iyo
Giliw, di na magbabago bumaliktad man ang mundo

Sa digmaan na ito, ikaw lang ang sandata ko
Baligtarin man ang mundo