Pinoy Radio Here:

OPL Archive

Erik Santos - Sino Ba Ako Sa’yo Lyrics

Ito ang kwento nating dalawa
Paulit ulit lang walang nag-iiba
Mahal mo siya, mahal naman kita
‘Pag nandiyan siya,
‘di mo na ‘ko nakikita
Tulad ngayon,
wala siyang relasyon
Ikaw ang hinahanap n‘ya sa gan’tong panahon at
Ako naman, ngayon nag-iisa
‘Di mo nakikita

REFRAIN:
Sasaktan ka rin niya at iiwan ka ring mag-isa... ‘di ba
At ‘pag siya ay wala na, ako ang hahanapin nanaman

CHORUS:
Sino ba ako sa’yo
Paulit-ulit bumabalik kahit nasasaktan ako sa’yo
Paasa-asa kahit iiwan oh nanaman
Si-sino ba ako sa’yo
Si-sino ba ako sa’yo
Si-sino ba ako sa’yo

Panalangin na gumising ka
At sasabihin mo na ako talaga ang mahal mo
At hindi na siya
Ako talaga nagbibigay sa’yo pero
Hindi gano’n ang totoo ngayon
Nangangarap mag-isa tungkol dun sa kahapon
Habang ikaw, nando’n sa kanya
‘Di mo nakikita

REFRAIN
CHORUS

BRIDGE:
Kailan mo makikita
Na para ka sa akin
Kailan mo sasabihin na tayo talaga
Kailan mo aaminin
Sa’kin ang iyong damdamin
Kailan mo sasabihin na tayo talaga
Na tayo talaga

FINAL CHORUS:
Sino ba ako sa’yo
Paulit-ulit bumabalik kahit nasasaktan ako sa’yo
Paasa-asa kahit iiwan oh
Sino ba ako sa’yo
Paulit-ulit bumabalik kahit nasasaktan ako sa’yo
Paasa-asa kahit iiwan oh nanaman
Si-sino ba ako sa’yo
Si-sino ba ako sa’yo
Si-sino ba ako sa’yo

Sasaktan ka rin niya at iiwan ka ring mag-isa...’di ba